KABANATA CCXXX

3.4K 27 12
                                    

"Wala akong pake kahit sino ka pa, pero si Lily ang asawa ng aking kaibigan. Sinisigurado ko sa iyo na hindi ka makakalabas nang Donghai City nang buhay sa sandaling may masamang mangyari sa kaniya."


Dito na nanlalamig natiningnan ni Dax si Donoghue. "Paano mo nagawang lagyan ng gamot ang inumin ng mga nakilala mong babae?"


Agad namang nagpanic si Lily sa kabilang banda at nagsimulang magpaliwanag. 


"Nagkaroon lang tayo ng misunderstanding, Dax. Kaibigan ko siya kaya hindi niya magagawa ang bagay na iyon."


Napakagalang ng ipinakitang ugali ng gentleman na si Donoghue.


Kaya paano ito magkakaroon ng masamang intension sa kaniya? Napakaimposible.


Nangungumbinsi naming tumingin si Dax kay Lily. "Maniwala ka sa akin. Hindi siya kasing mabit ng iniisip mo."


Itinuro ni Dax ang basag na baso sa sahig at sinabing. "Nakita kong nilagyan niya ng gamut ang baso na iyong iinumin noong pumunta ka sa washroom! Gusto ka niyang lokohin! Sumama ka sa akin."


Dito na hinawakan ni Dax ang braso ni Lily.


Pero nasurpresa si Dax nang magpumiglas si Lily at mapaatras papunta kay Donoghue.


"Dax, naniniwala ako na mabait si Donoghue. Hindi na ako bata. Pakiusap, huwag mo na kaming pakialaman. At huwag mo na siyang pagbintangan." Kagat ni Lily sa kaniyang mga labi.


Punaulanan siya ni Donoghue ng walang katapusang mga regalo sa kaniyang mga live streams, at nagawa pang ipagtanggol siya sa isang basher na nagkalat ng pekeng balita sa kaniya sa internet.


Kaya paano ito magiging isang masamang tao?


Dito na naubos ang pasensya ni Dax.


"Ano bang problema ni Lily?"


Nagawa nitong piliin ang isang tao na hindi niya kaano ano kaysa sa kaibigan ng kaniyang asawa.


Dito na mas nagging mapagmatigas ang tono ni Dax habang iniisip ang mga bagay na iyon.


"Hindi, kailangan mong sumama sa akin. Alam ba ni Darryl na makikipagkita ka sa lalaking ito?"


Darryl?


Agad na napuno ng kaguluhan ang puso ni Lily nang marinig ang pangalan ni Darryl.


Naisip niya na nakakulong pa rin si Darryl sa isang kulungan na malayo matapos siyang lokohin at habulin ng pamilya Lyndon.


Hindi niya ito mahanap noong kailangan niya ito kaya hindi na siya nagkaroon ng kahit na ano pang pag asa sa asawa niyang si Darryl.


Kung ikukumpara kay Dononghue na itinuring siya nang mas maganda kaysa sa sarili niyang asawa.


Nawala na ang interes ni Lily na ipaliwanag ang kaniyang sarili nang maisip niya ang bagay na iyon.


Naglakad siya palapit kay Dononghue at tumalikod kay Dax habang kionakagat ang kaniyang labi.


Dito na mahinang nagsalita ang tahimik na si Donoghue. "Lily, ginugulo ka ba ng Dax na ito?"


Hindi naman sumagot dito si Lily, tahimik lang siyang tumango kay Dononghue.


Ang gusto ni niya lang mangyari ay ang pagtigil ni Dax sa panggugulo sa kanilang dalawa ni Donoghue, gusting gusto na niya itong paalisin.


Tumango naman dito si Donoghue at nakangiting sumagot ng. "Sige, ako na ang bahala sa kaniya."


Dito na siya pumalakpak ng isang beses.


Swoosh.


Dito na agad lumabas at sumugod ang matitipunong mga lalaking nakasuot ng itim na damit papasok sa booth, nanlalamig na tiningnan ng mga ito si Dax isang pumapatay na pagtingin.


"Tumawag siya ng mga tauhan?"


Dito na kumunot ang noo ng ngumingiting si Dax. "Gusto mo akong kantiin? Kilala mo bang hayop ka kung sino ako? Walang kahit na sino ang nagawang bumastos sa sakin sa buong Donghai City!"


Agad na sumugod si Nancy papasok sa booth at sumigaw ng. "Anong nangyayari?"


"Hindi ba niya kilala kung sino si Dax kahit na nasa loob siya ngayon ngn Donghai City? Nahihibang na ang isang ito!"


Pinanatili ni Dononghue ang kaniyang braso habang sinasabi kay Dax na. "Wala akong pakialam kahit na sino ka pa. Pag mamay-ari ko ang bar na ito kaya nasa loob ka ngayon ng teritoryo ko. Ikaw ang unang taong naglakas loob na gumawa ng gulo rito. At hinding hindi koi to mapapalampas kahit na isa kapang diyos dahil nagawa mong guluhin si Lily."


Itinaas ni Donoghue ang kaniyang braso habang sinasabi ang bagay na ito.


Dito na agarang sumugod ang kaniyang mga tauhan papunta kay Dax!


Si Donoghue nga ang panganay na anak ng pamilya Dixon na isang maimpluwensyang pamilya sa Yunzhou city, na siya ring provincial capital!


Nang marealize nito na lalaban ang mga tauhan ni Donoghue kay Dax, agad na nagdalawang isip si Lily pero mas pinili pa rin niyang manahimik sa isang tabi.


Napakagat na lang siya sa kaniyang labi at tumingin sa kabilang banda na para bang walang kinalaman sa mga nangyayaring ito.


"Ang lakas ng loob mo!' sigaw ng nag aalala at galit na si Nancy.


"Umalis ka na Dear. Ntawagin mo na rin sila." Kalmadong sinabi ni Dax.


Kaya alam na niyang hindi makakatulong sa aknila ang pananatili niya roon, maari lang din siyang makadagdag sa problema ni Dax sa sandaling manatili siya s alugar na iyon. Kaya ang pinakamabuti niyang dapat na gawin ay agad na tumawag ng tulong.


Agad na tumaas ang tension sa loob ng booth. Nakahanda na ang dalawang panig na harapin ang isa't isa sa anumang oras.


Hindi naman nag alala si Dax. Naglakad siya palapit kay Lily at hinawakan nang mahigpit ang braso nito. "Kinakailangan mong sumama sa akin, ikaw ang asawa ni Darryl."


Agad naming inalis ni Lily ang pagkakahawak ni Dax sa kaniya. "Sinabi ko nang mabuting tai si Donoghue. Kaya huwag mo na kaming guluhin!" 

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now