Chapter 31

408K 19K 17.5K
                                    

Chapter 31

Hindi ako nakatulog nang gabing 'yon kaiisip kung ano ang ibig niyang sabihin. I tried to think of my conversation with Paolo, but all I remembered was that he said Leon hadn't moved on from me yet . . . which didn't make sense.

Sinabi ni Leon na kalimutan ko siya. Wala kaming naging balita sa isa't isa sa mga nagdaang taon! He had changed! I have changed! Imposibleng mahal niya pa 'ko kahit na wala naman siyang inaasahan sa akin.

I mean, he couldn't have possibly waited for me, right? He hadn't seen me for years.

Pero . . . kung 'yon nga ang ibig niyang sabihin, siguro nabulag lang siya sa ganda ng pinagsamahan namin noon. Maybe he hadn't moved on from our memories . . . pero sa 'kin, tapos na siya.

"Mari, kumain na tayo," saad ni Mill nang buksan niya ang pinto ng kwarto. "First day mo pa lang pero parang pagod ka na, ah?"

Nagbuntong-hininga ako bago siya samaan ng tingin. "May iniisip kasi ako! Hindi ka lang makaka-relate kasi hindi naman uso sa 'yo 'yon!"

Bumangon ako at mabilis na ipinusod ang buhok. Narinig ko pa ang mabilis na pagtawa ng babae kaya sinundan ko na siya palabas ng kusina. Ni hindi ko na siya nasamahang mag-workout dahil sa iniisip.

Chicken adobo ang niluto niya. Nasa tupperware na rin ang packed lunch namin. Talagang naihanda niya na lahat.

"Kasama ko si Leon sa trabaho," kaswal na sabi ko habang sumasandok ng kanin.

Naramdaman kong natigilan siya. From the corner of my eye, I even saw her putting down her fork and turning to glance at me.

"Leon na ex mo?" paninigurado niya.

I shrugged. "Yup."

Humigit ako ng upuan at inilagay ang pinggan ko sa mesa. Ganoon din ang ginawa ni Mill. She sat in front of me, her brows furrowed. Parang anumang oras ay bubungangaan niya ako.

"Kasama ko rin siyang magre-review sa graduating students," dagdag ko.

"Kaya ka puyat?" tanong niya. "Astig mo, ah? Talagang sinundan mo kung saan nagtatrabaho?"

Namilog ang mga mata ko.

"Excuse me? Hindi ko siya sinundan, 'no! Sa VDMH ko talaga balak magtrabaho!" depensa ko. "Malay ko bang maganda na ang posisyon niya ro'n? At saka . . . hindi naman ako makakatanggi kay Ms. Lubrica sa review! Ang bait-bait no'n sa 'kin!"

She narrowed her eyes at me. "Affected ka?"

"Hindi!"

"Saulong-saulo ko na 'yan, Amari Sloane," nailing ngunit may ngisi sa labing aniya.

"Hindi naman talaga!" I insisted. "May sinabi lang siya sa 'kin kahapon kaya napapaisip ako . . . pero wala naman 'yon! Hindi importante!"

Her brows arched. "Mabait si Leon, pero hindi ko gusto ang pag-iwan sa 'yo."

I dropped my eyes to the food. "Well, technically, pinaalis ko siya."

"Dahil may mali siyang ginawa," sagot niya. "I don't expect him to be perfect, but given his intelligence, I expect him to make better decisions."

Hindi ako nakasagot doon. Iyon din kasi ang sinabi ni Leon sa akin isang buwan matapos naming maghiwalay noon.

"Pero . . ."

Napaangat ako ng tingin sa kaibigan. She just looked at her food and pushed it around on her plate, as if she was thinking about something.

Nagbuntong-hininga siya. "Alam kong pagsisisihan kong sinabi ko 'to, pero may mga pagkakataon talagang kahit gaano katalino ang isang tao, kapag 'yong mahal na nila sa buhay ang pinag-uusapan, natatanga."

Mistakes We Can't Laugh About (Loser #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon