Chapter Forty Nine

17.5K 1.4K 611
                                    

Chapter Forty Nine

When dad suggested na wag na akong pumasok today, dapat pala sinunod ko na lang siya.

Hindi ako makapaniwala. Never akong na-guidance. Napatawag ako once nung nag away si Seb at si Glen noon. Pero never in my life na akong napatawag dahil may ginawa akong kasalanan.

Until today.

Marami namang naging witness sa eksena kanina sa cafeteria. Maraming nakarinig nung mga pinagsasasabi nung mga taga kabilang section about kay LJ. And to be fair, mas malala ang sanction sa kanila ng guidance kesa sa amin.

Ayun nga lang, we can't erase the fact na nag bitaw rin kaming tatlo ng masasamang salita, kaya ngayon, pinapaiwan kami after class para mag sulat ng essay about sa nagawa namin.

Hindi ako makapaniwala.

I was aiming na maging model student din this year, pero may record na ako. Hindi talaga ako makapaniwala.

"Grabe Iris, hindi ko alam fliptopper ka pala," pang aasar sa akin ni Seb nang makabalik ako sa classroom galing sa guidance. Humatak pa talaga siya ng upuan para tumambi sa akin. "Yung mga bars mo kanina pang malupitan eh. Pakiramdam ko nawasak ang kaluluwa nung kaaway mo."

Tinignan ko siya nang masama.

Apparently, nakita na niya pala na nagkakagulo kanina pero ang palusot niya sa akin ay bago pa siya makaawat, dumating na yung teacher. Pero rinig na rinig daw niya yung sinabi ko doon sa bwisit na taga kabilang section na hanggang ngayon ay 'di ko alam ang pangalan. Kaya ayan, tuwang tuwa siya.

"I can't believe na na guidance ako," sabi ko rito.

"Okay lang yan. It's a part of growing up," pag bibiro nito.

Sinimangutan ko si Seb. Nakita naman ni Seb na seryoso ako that's why he pats my head.

"Nag sisisi ka ba?" tanong nito sa akin.

"Saan?"

"Na sinabi mo yun. Para ipag tanggol si LJ."

Natahimik ako. Sa totoo lang, wala naman akong regrets sa sinabi ko. Nag hold back pa nga ako eh. May mas worst pa akong naisip kesa doon.

Umiling ako, "hindi."

"Edi walang problema," sabi ni Seb. "At least taas noo kang pupunta sa guidance mamaya."

Bahagya akong napangiti. Seb has the weirdest analogy, but it gives me comfort.

Nilingon ko si Seb. Napansin kong nakatitig siya sa akin kaya agad akong napaiwas nang tingin. I can feel my cheeks heating up. I'm getting conscious. Bakit ba nakatitig siya? Anong problema nun?

"Lagi kang nag smile pag kasama mo ko," sabi niya.

Sumimangot ako, "wag kang feeling."

Nakakairita siya. Bakit kailangan niyang pansinin yung mga ganung bagay?! Tapos sasabihin niya with full of confidence?!

"Baka mamaya niyan nagiging crush mo na 'ko, ha?" pang aasar niya.

Halos mamula ako sa sinasabi ni Seb. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Naramdam ko ang unti unting pag init ng mukha ko at hindi ako mapakali.

Dati pag inaasar ako nis eb nang ganito, iirap lang ako kasi alam kong nangyayamot lang siya. Pero bakit ngayon, ganito yung nagiging reaksyon ko? Yung pakiramdam na parang nahuli ako sa isang bagay?

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon