Chapter 20

41.4K 1.3K 625
                                    

H.I.M





Hindi na nakarinig pa si Hunter ng kahit anong salita sa akin pagkatapos ng pag-uusap na 'yon. I'm too tired to even ask for more. Sa ngayon, sapat na muna ang mga nalaman ko. Na tama siya, bumalik ako at hindi na katulad ng dati ang lahat.

I saw the three blinks of his headlight nang bumagal ang takbo ko para pumasok sa may entrance ng subdivision namin. Nag-convoy pa din siya sa akin pa-uwi kahit hindi ko siya kinibo.

I thought makakapag pahinga ako when I got home pero hindi pa din pala. Masaya dapat ang salubong ko kay Daddy dahil sa pag-uwi niya pero hindi 'yon ang nangyari.

"Dad..." tawag ko sa kanya at yayakap sana ng mabilis akong pinigilan ni Mommy.

"Ahtisia, go to your room," ma-awtoridad na sabi niya sa akin kaya naman nabitin sa ere ang kamay kong yayakap sana kay Daddy. Maging siya ay napahinto din dahil kay Mommy.

"Atheena, tumigil ka na," giit ni Daddy sa kanya.

Mukhang kanina pa sila nag-aaway at hindi pa din pagod si Mommy.

"Hindi matatapos ang araw na 'to na hindi ka pumipili, Arnaldo!" sigaw ni Mommy sa kanya.

She was closed to being violent again, na para bang kung papatulan lang siya ni Daddy ay kaya ni Mommy makipag-pisikalan kay Daddy.

Lumapit si Daddy sa akin para yakapin ako.

"Go to your room, Ahtisia..." sabi niya sa akin.

Tinignan ko siya, nilingon niya ako gamit ang mapupungay niyang mga mata.

"Mag-aaway nanaman kayo?" tanong ko kahit wala namang bago don.

Mas nakakapagtaka pa nga ata kung hindi sila mag-aaway sa harapan ko. I'm so tired of this, simula bata ay parang naging normal na sa akin na makitang nag-aaway ang parents ko. Sa harapan ko man o hindi.

Tipid siyang ngumiti sa akin bago niya ako hinalikan sa ulo.

"Daddy will fix this. May assignments ka? Focus on your study, Anak..." he said kaya naman mas lalo kong hindi gustong iwanan si Daddy.

Mula kay Daddy ay nilingon ko si Mommy na hanggang ngayon ay galit na galit pa din. Like she's just waiting for her moment na isumbat kay Daddy lahat ng hinaing niya.

"Mommy...tama na po, wag niyo nang awayin si Daddy," paki-usap ko sa kanya.

She wants to keep Daddy pero ganito siya?

"Wag kang maki-alam dito, Amelie! Go to your room!" sigaw niya sa akin.

Marahas niya akong hinila palayo kay Daddy para lang ipagtulakan na umakyat na sa kwarto ko.

"Ahteena, nasasaktan yung bata!" suway ni Daddy sa kanya.

Na-iyak na lang ako. Nang makawala kay Mommy ay tumakbo na ako paakayat sa kwarto ko para magkulong doon.

Nakatakip ang magkabilang kamay ko sa aking tenga para lang wala nang marinig na kahit ano. Nakatulog akong umiiyak ng gabing 'yon while my hands still cover both my ears.

Gumising ako kinaumagahan na tahimik ang buong bahay. I'm sure parehong wala sina Mommy at Daddy dito.

"Ma'am, handa na po ang breakfast," salubong sa akin ng isa sa aming mga kasambahay.

"Sa school na lang po ako kakain," sabi ko sa kanila at dumiretso na sa labas para maka-alis na.

Maaga akong umalis ng bahay kaya naman I'm expecting na maaga din ang dating ko sa school. Marami pang vacant na slot sa parking space, ganuon na lamang ang gulat ko when I saw Hunter.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon