Chapter 30

1.3K 49 3
                                    

CHAPTER 30

NAGTATAKANG tinitigan ni Prince Coldy ang kaniyang ina na ai Queen Jessica. Paano ba naman kasi, tahimik na nakatambay siya dito sa gilid ng puno, magugulat nalang siya nasa tabi na niya ito.

Natatawa naman siyang hinampas ng ina niya sa braso. "Maka tingin ka naman, akala mo naman talaga e nakakita ng multo."


Napailing iling nalang si Coldy. Nagpapasalamat na hindi niya namana ang kabaliwan ng ina niya, kaso.... Kaso yung naging syota niya, hayst. Ayaw nalang niyang magsalita.

Sumasakit lang ang ulo niya dahil sa babaeng 'yun. Paano ba naman kasi, sa dami ng kalokohang nalalaman hindi na niya alam ang gagawin, kung susuwayin ba ito o hahayaan nalang. Sa huli, hinahayaan nalang niya dahil nadadala siya sa nga pagpapacute nito sa tuwing sinusuway niya.

Minsan gusto nadin niyang sapakin ang sarili niya. Masyado kasi siyang nagiging marupok sa nga pinaggagawa ng syota niyang kalahi ng mga minions.

Napangiti siya ng wala sa oras ng maalala niya ang kacute-an ng syota niya sa tuwing magtatampo tampuhan ito.


Sinamaan niya ng tingin ang ina niya ng sapakin siya nito sa braso. Hinimas niya ang braso niyang sinapak nito. "Mom naman, bakit ka ba nananapak?"

Inirapan siya ng nanay niya. "Paano ba naman kasi, kanina pa ako nagsasalita ni hindi mo manlang pinakinggan yung nga sinabi ko kanina. Tsk."

May himig ng pagtatampo sa boses nito. Kaagad niya namang inakbayan ang nanay niya.

"Ikaw naman ma, tampo ka kaagad.   Parang si ano lang." hindi na niya naituloy ang sasabihin niya. Bumalatay ang kakaibang lungkot sa mukha ni Prince Coldy, kaagad din namang nawala ng sinuri siya ng tingin ng kaniyang ina.



Huli pero hindi kulong. Napailing iling na lamang ang reyna."Namimiss mo 'no? Bakit kasi hindi mo pinuntahan?"

Napabuntong hininga naman ang prinsipe. Sinubukan na niya, pero sa higpit ng bantay, hirap na hirap siyang makalusot. Nang makalusot naman siya, nahuli siya ng dalawang unggoy na kapatid ng nobya niya.




Naikuyom niya ng mahigpit ang kamao niya. Malinaw padin sa alaala niya kung paano siya pinalayas ng mga ito. Kung hindi pa siya kinausap ng masinsinan ng emperador, baka hanggang ngayon e palihim padin siyang pumapasok sa silid ng nobya niya.

"Oh, bakit nanahimik ka diyan?"

Napabuntong hininga naman si Prince Coldy. Kung sana ganun lang kadali. Ramdam ng reyna ang bigat na nararamdaman ng anak niya. Bukabg ina nito, nahihirapan din siya na makitang nahihirapan, kahit pa kaunting hirap lang, sa anak niya.



" Gusto mo bang kausapin ko ang emperador? Siguro naman pagbibigyan niya tayo."



Umiling iling ang prinsipe. Hindi pwede, malinaa ang naging usapan nila ng emperador. Umaasa siya na pag nagising na ang nobya niya, papayagan na siya nitong madalaw ito sa hospital.


" Bakit naman hindi? Ayaw mo bang makita ang girlfriend mo? Ayaw mo ba siyang dalawin?"

Napabuntong hininga si Prince Coldy. "Hindi naman sa ganun, ma. May usapan lang kami ng emperador."


Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon