Kabanata 10

77.1K 2.7K 3.4K
                                    

***







"Tangina!" Bulalas ko at marahas na naikuyom ang mga kamay ko.






Ano ba naman kasi itong naisip ni Clarence na pakulo? Hindi ako natutuwa, lalo na sa mga atensyon ngayon na nakukuha ko dahil sa ginawa niyang iyon. Kung siguro sa iba ay nakakakilig itong ginawa niya, sa akin ay hindi.





"Say yes! Say yes!" Patuloy na sigaw ng crowd, they are all shouting and cheering for Clarence.





"September, dito!" May narinig akong sigaw pero sa dami ng estudyanteng nakapalibot sa akin ay hindi ko siya mahanap.





Maya't maya ay may humawak sa kamay ko at hinila ako papalayo sa crowd. Hindi ko alam kung sino ito pero ngayon palang ay gusto ko na siyang pasalamatan sa ginawa niya. Agad din naman kaming nakalabas, wala na akong pakialam kung napansin ba nila ang pag-alis ko o hindi.






"I'm sorry for dragging you out there. Feeling ko kasi gusto mo ng umalis doon, you look uncomfortable." Hinihingal pa siya habang sinasabi iyon kasabay ng pagbitaw niya sa kamay ko. "Are you okay now?"





"Thank you. Thank you sa paghila sa akin palabas. You actually saved me from that situation. Nakakainis lang kasi, bakit kailangan i-public pa, 'di ba? Sa harap pa talaga ng maraming tao siya nagconfess." Inis na sambit ko at hinihingal din.





"He's trying to manipulate you. Iniisip niya sigurong hindi ka makakahindi kasi maraming matang nakatingin sa 'yo, lahat ng atensyon kanina ay nasa 'yo. Mabuti na lang at hindi ka nagpadala."





Naglalakad na kami ngayon rito sa field ni Aldrich. Oo, siya ang humila sa akin kanina ro'n. Mabuti na lang talaga at ginawa niya 'yon dahil kung hindi ay baka naroon pa rin ako at hindi alam ang gagawin.






Pero si Zahira. Ayos lang kaya siya ro'n?







"Are you okay now?"





"Yes, thank you. Medyo napagod lang pero keri naman. Sa dami ng tao buti nga at napansin mo ako."






"Wala naman kasing ibang tinitignan ang mga naroon kanina kundi ikaw lang at si Clarence. That guy," napailing-iling siya na tila hindi kumbinsido sa ginawa ni Clarence. "Teka, I'll just buy you a drink. You can wait for me here."





Tinanguhan ko si Aldrich at nang makaalis siya ay tumunog ang cellphone ko. Si Pam ang tumatawag.





"Nasaan ka? Hinahanap ka namin, bigla ka na lang kasi nawala kanina. Are you okay?" Sunud-sunod na sambit ni Pam, wala na akong masyadong naririnig na ingay sa background niya kaya sa tingin ko ay nakalabas na rin siya ng gym. "Uh, I'm with ma'am Zahira," medyo humina ang boses nito nang sabihin niya iyon.






"Nandito ako ngayon sa field. T-teka, si Zahira kasama mo?"






Medyo lumayo pa ako mula sa pinagbilhan ni Aldrich at naupo sa isang bench dito sa field.






"Oo, gago. Para na akong mangingisay rito habang naglalakad, paano ka ba kasi napunta riyan sa field?"




"Hinila ako ni Aldrich kanina sa gym, buti nga at ginawa niya 'yon kasi kung hindi ay baka naroon pa rin ako at hindi alam ang gagawin." Sambit ko tumayo na nang makita si Aldrich na papalapit sa akin. "H-h'wag niyo na akong hanapin. H'wag na kayong pumunta rito." Papatayin ko na sana ang cellphone ko nang muling magsalita si Pam sa kabilang linya.





Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon