Chapter 38

23.3K 665 76
                                    

Maaga akong nagising at nag handa para maaga din ako'ng makarating sa school.  I grabbed my maroon hoodie at pinarisan ko lang 'yun nang adidas na pants at Nike white and black shoes. Isinuot ko 'yung paborito ko'ng relo na regalo pa sa akin ni mommy noon.  I checked myself in the mirror bago hinablot 'yung bag ko at lumabas na nang kwarto.

Pumunta muna ako sa kay dad upang magpa-alam.

" Daddy? Aalis na po ako." Sabi ko sa kanya nang malumanay.

Nagising siya at ngumiti nang makita ako. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

" Take care of yourself little bunny. Huwag masyadong mabilis ang pag d'drive Kaia ah." Bilin niya sa akin.

" I will po daddy. Aalis na po ako." I kissed his cheeks bago ako tuluyang lumabas nang kwarto niya.

I grabbed my bag and keys at agad na pumunta sa garage ko.  I decided to drive my new motorbike nalang para madali lang akong makalusot kapag traffic. Irish texted me na ready na siya at naghihintay nalang sa akin.  Isinuot ko ang helmet ko bago sumakay at bumusina saguard nang gate.

" Good morning boss." Bati agad sa akin ni Bobby.

" Stay here and report to me if anything happens to my dad. I'll be fine on my own." Bilin ko sa kanya.

Tumango siya at nag salute sa akin.

" Ariglado boss Kaia." Anya at bago mag salute sa akin.

Nakangiti akong nag salute pabalik sa kanya bago pinaharurot ang bago ko'ng motor paalis. Nasa kalsada na ako at tama nga ang hinala ko at ma traffic nga. Dahan-dahan ko'ng iginiya ang motor ko sa bawat siwang na makikita ko. At nang makalusot ako ay agaran ko namang pinapaharurot 'yung sasakyan ko kapag maluwag na sa akin ang daan. Nasa highway na ako patungong school. At sa unahan ay may naaaninag akong kotse na familiar sa akin, pinaharurot ko ang  motor ko hanggang sa makatapat ko na ito. I smirk nang makilala ko ang lulan noon. I revved my motorbike para palingon sila sa akin, at nagtagumpay ako. I saw how ma'am Vanessa's eyes got wide nang makilala niya ako.

Lumingon din sa akin 'yung fiance niyang asungot kaya pinag rev ko ulit 'yung motor ko bago ko pinaharurot iyon nang takbo at iniwanan 'yung bulok niyang kotse nang alikabok ko. Napatawa ako habang nagmamaneho, pumasok agad ako sa school ground at nang makita ko si Irish ay doon ako sa gawi niya mismo nag park. May mga kasama siya at mga kaklase ko iyon.

" Grabe tol, bagong motor na naman!" Sabi ni Jed sa akin sabay lapit at sinuyod 'yung motor ko.

Tinanggal ko 'yung helmet ko at bumati sa kanila.

" Sup guys." Cool ko'ng saad sa kanila.

" Grabe ka beh, ilan ba'ng motor at auto ang meron ka ha? Araw araw ka yata'ng nagpapalit nang sasakyan eh." Agad na sabi ni Irish.

" I have thirteen cars and six kinds of motorbike at home." Pokerface ko'ng sambit sa kanila.

Nakita ko pa'ng napanganga 'yung mga kaklase ko'ng lalaki sa akin.

" Pinag mukha mo naman kaming dukha niyan Kaia." Sabi ni Jetro sabay tapik sa balikat nang barkada niya.

Hindi ko nalang sila pinansin at humilig lang ako sa motor ko habang naghihintay nang kung ano man ang sasakyan namin para sa field trip. Maya maya pa ay dumating 'yung kotse nang fiance ni ma'am. Bumaba agad siya at at kinuha 'yung gamit niya sa likod. Nakamasid lang ako sa kanila. Psh! Nakapabagal talaga nang kupal hindi na naman niya pinagbuksan si ma'am eh. Damn hindi niya ba alam how to treat a woman right? Sa isip ko. Nagiwas ako nang tingin nang mkita ko'ng hahalikan na siya nung kumag. Tumingin nalang ako sa gilid at nakita ko si Gwen na nahihirapan sa dala niya'ng bag. Nakarinig pa ako nang tudyo nag mga kaklase ko kay ma'am, kesyo daw ang sweet nila at sana all. Sus! Hindi kaya sila bagay! Mga bulag! Sa isip ko. Lumapit ako kay Gwen at tinulungan ko siya.

My Hottest Sin (PROFXSTUD / INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon