Chapter 62

883 12 1
                                    

Halos aligaga si Cain dahil ilang beses niya ng tinatawagan ang kaibigan perohindi pa rin ito sumasagot at isa pa ay kinakabahan na siya kaya mas pinili niya na lang sundan kung saan nagpunta si Monique. Nang makasakay siya sa kanyng kotse ay saktong nag ring ang kanyang telepono at nakita niyang na si Thunder ang tumatawag.

Mabilis niya itong sinagot. "Why? Nagdadrive kasi ako."

"Kanina pa kita tinatawagan! Nasa panganib ang buhay ng asawa mo!" aniya

"W-what? Anong nangyari? Nasaan ka? Nasaan ang asawa ko?"

"Nandito pa ako sa bahay niyo umuwi kana dito ngayon din!" natatarantang anas niya

"Pabalik na ako, hintayin mo ako diyan at tawagan mo na din si Kevin."

Thunder POV

Halos hindi ko na inaalintana ang nadadaanan ko ang importante ngayon ay makarating ako bahay para malaman kung ano ang nangyari, binalot ng kaba ang buong sistema ko ng sabihin ni Cain na nasa panganib ang asawa ko. Ang pagkakatanda ko ay halos isang oras pa lang ng umalis siya sa bahay tapos ito na ang kanyang mababalitaan, kung alam ko lang sana na mangyayari ito ay hindi na ako umalis at iniwan si Jewel.

Mabilis akong nakabalik sa bahay, pababa pa lang ako ng sasakyan ay natanaw ko na si Cain kasama si Kevin at ang mga pulis. Agad akong lumapit sa mga ito.

"Anong nangyari? Nasaan ang asawa ko?"

"Nung umalis ka kanina naabutan ko siya at hinahanap kita ang sabi niya naman ay umalis kana kaya sabi ko pupuntahan na lang kita sa opisina, sumakay na ako ng kotse at siya naman ay tumalikod na para pumasok sa loob, kaso nagulat ako ng bigla siyang hinatak ni Margaux at tinutukan ng baril, hindi ako makagalaw kasi binalaan niya ako na babarilin niya si Jewel. Dumating din si Monique at sinusubukan na kausapin si Marga pero ayaw makinig, muntik pa ako mabaril ng babae na 'yon kasi sinalo ni Monique," mahabang kwento ni Cain

"Nasaan si Monique?" tanong ni Kevin.

"Sinundan niya si Margaux noong una ayaw kung pumayag kasi may tama ng baril siya sa braso pero sinabi niyang tawagan ko na lang si Thunder at susundan niya ang dalawa." sagot ni Cain

"Tangina naman!" sigaw ko.

"Kalma lang pre, maliligtas din natin ang pinsan ko." pagpapakalma ni Kevin

"Pag may nangyaring masama sa asawa ko mapapatay ko ang babae na 'yon!" galit na turan ko, masyado ng maraming perwisyo ang nagawa ng babaaeng 'yon sa buhay namin.

Maya maya pa ay biglang tumunog ang phone ni Cain at dali dali niya itong sinagot ng makitang si Monique ang tumatawag.

"Hello, nasaan na kayo? Kasama ko na sina Thunder at Kevin." bungad ni Cain

"Nasa **** highway kami at hindi ko alam kung anong plano ni Marga pero sinusundan ko pa rin siya hanggang ngayon, nakabukas ang gps ko tingnan niyo ang lokasyon at sumunod na lang kayo," sabi ng dalaga at mabilis na ibinaba ang tawag.

Pagkababa ko ng tawag ay lumapit agad sa akin si Thunder. "Si Monique ba 'yon? Anong sabi? Nasaan sila?"

"Nasa **** highway daw sila at hindi niya alam kung saan papunta si Marga pero sinusundan niya pa rin ito at binuksan niya ang gps niya kaya matatrack natin kung nasaan sila."

"Ano pang hinihintay natin tara na!" wika ni ko.

Agad naman silang sumakay sa kani-kanilang sasakyan maliban sa akin na mas piniling sumakay sa kotse ni Cain.

Sa kabilang banda naman ay sinusundan pa rin ang dalagang si Monique ang sasakyan ni Marga, hindi niya aakalain na hahantong sa ganito ang tinuturing niyang kapatid at kaibigan. Ipinagdarasal niya na sana walang mangyari na masama sa dalawa. At kahit na kumikirot na ang kanyang balikat ay hindi niya ito iniinda ang importante ngayon sa kanya ang mailigtas ang dalawa.

Samantalang patuloy sa pag aaway ang dalawang babaeng nasa iisang kotse, "Marga parang awa mo na itigil mo na ito, walang maidudulot na maganda ang paghihiganti mo. Hindi magiging masaya ang kuya mo dahil sa ginagawa mo." pakikiusap ni Jewel

"Tumigil ka! Huwag mong idamay si kuya dito dahil wala kang karapatan na pangaralan ako sa ganyang bagay!"

"Please Marg, nandiyan pa sila tita na mahal na mahal ka. Halos kapatid na rin ang turing ko sayo, alam kung nasaktan ka sa pagkawala ni Daven at alam ko hanggang ngayon ay ako pa rin ang sinisisi mo kasi kahit ako sinisisi ko rin ang sarili ko dahil kung hindi nangyari sa akin 'yon sana buhay pa siya, pero Marg hindi ko ginusto 'yon," umiiyak na turan niya

"Kailangan mo pagbayaran ang pagkawala ni Daven! Kahit sa anong paraan at ako ang sisingil no'n sayo hindi akp makakapayag na mabuhay kang masaya samantalang ako nawalan ng mahal sa buhay!" madiin na wika niya

Halos nawawalan na ng pag asa si Jewel dahil mukhang desidido na talaga ang kausap. At dahil wala na siyang ibang maisip na paraan ay inagaw niya ang manibela kay Marga, nag agawan silang dalawa na hindi nila namalayan na may isang truck na makakasalubong sila at dahil sa bigla ni Marga ay mabilis niyang naikabig ang manibela dahilan para mapunta sila sa bangin. Halos kalahati ng sasakyan ay nasa bangin na at konting galaw lang nito ay mahulog na sila, nakarinig din sila ng isa pang malakas na salpok ng sasakyan sa gilid nila.

Lingid sa kaalaman nila na si Monique pala ang dalagang yon dahil nakabuntot lang pala sa kanila ang sasakyan nito at hindi niya inaasahan ang mangyayari kaya hindi siya nakapreno. Mabilis ang malakas ang pagkakasalpot ng sasakyan ng dalaga kaya bigla itong nawalan ng malay.

Samantalang ramdam na ramdam ng dalawang dalaga ang panghihina at pananakit ng katawan nila, ngunit ang mas ikinakatakot nila ngayon ay ang posisyon nila na maaaring maging dahilan ng kamatayan nilang dalawa.

"M-marga, are you okay?" nag aalalang tanong niya rito, ngunit wala siyang nakuhang sagot dahil nanatili lang itong nakayuko.

"Kaya mo bang lumabas? Dahan dahan tayong lalabas para hindi gumalaw ang kotse, kailangan nating makaalis dito bago pa ito malaglag." dagdag niya ngunit hindi pa rin ito nagtataas ng ulo.

Pilit na inaabot ni Jewel ang kamay ng dalaga, kahit na nakagawa ito ng masama sa kanya ay naiintindihan niya kung saan nanggagaling ang galit ng dalaga at ayaw niyang may mangyaring masama dito. Kailangan niyang iligtas ito sa abot ng kanyang makakaya kahit hindi niya alam kung makakalabas pa ba sila ng buhay ngayon.

Iniisip ni Jewel na hindi sila pwedeng basta basta na lang mamatay, gusto niya pang makasama ang kanyang mag ama at mabuo ang pamilya nila kaya kailangan niyang lumaban para mabuhay.

"You can go now, iwan mo na ako dito," biglang salita ni Marga

"H-hindi kita pwedeng iwan dito Marg. pareho tayong lalabas sa sasakyan na ito."

Tumingin sa kanya ang dalaga. "Paano mong naiisip ang bagay na 'yan? Alam mong kaya ka nandito sa sitwasyon na ito ng dahil sa akin."

"D-dahil mahalaga ka sa akin! Dahil kapatid ka ni Daven! Hindi ko hahayaan na mapahamak ka."

Biglang tumulo ang mga kuha sa mata ni Margaux, hindi niya lubos maisip na ganito kabait ang dalaga na kahit nasa ganitong sitwasyon sila ay ayaw siya nitong iiwan kahit na hindi maganda ang ginawa niya sa pamilya nito. Ngayon naiintindihan niya na kung bakit nagawang isakripisyo ng kapatid niya ang buhay nito para mailigtas lang ang dalaga, si Jewel ang taong gugustuhin na maging kaibigan ng lahat kaya alam niya na ngayon kung bakit naging matalik na magkaibigan ang dalaga at kuya niya.

Too bad at ngayon niya lang na realized ang lahat ng 'yon kung kailan na nasa panganib na sila at pati si Monique na hindi siya nagawang iwan simula noong mamatay si Daven ay nagawa niyang saktan. Alam niya sa sarili niya na baka hindi na siya makaligtas sa araw na ito.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon