Chapter 66

842 10 0
                                    

Isang buwan na ang nakalipas ng mangyari ang lahat. Nalaman din nila Dark ang nangyari at sobra ang pag aalala ni Calli sa kaibigan pero hindi pa siya makakauwi ng mga oras na 'yon dahil kabuwanan niya. Samantalang sina Cain at Monique naman ay pumunta na ng ibang bansa, hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakahanap ng donor pero tiwala silang makakahanap din sila.

Nandito ngayon sina Jewel sa New York kasama ang kanyang mag ama, halos isang linggo na rin silang nandito at sobrang saya ni Jewel dahil sa wakas ay naging maayos na ang relasyon ni Storm sa kanyang ama.

Kasalukuyan silang nasa isang resort dahil may meeting daw dito si Thunder, hindi maintindihan ni Jewel kung bakit kailangan pati sila ay isama ng asawa gayong meeting lang naman 'yon. Sinubukan tanungin ng dalaga ang kanyang anak ngunit hindi din ito sumasagot. Nakakaramdam tuloy siya ng kakaibang kaba. Pasado ala sais na ng gabi kaya nagbihis na si Jewel, simula kaninang umaga ay hindi niya pa nakikita ang kanyang asawa.

"Mom are you done? Can you make it fast daddy is waiting for us." tanong ng anak

Minsan talaga gusto ngtumaas ang kanyang mga kilay dahil sa anak, manang mana talaga ito sa kanyang ama na ayaw ng naghihintay ng matagal.

"Let's go na, nasaan naba 'yang daddy mo? Kanina ko pa siya hindi nakikita." tanong nito

"Magkikita din akayo mamaya mom," sagot ng anak

Sumakay sila sa sasakyan na inutusan ni Thunder para sunduin sila, wala siyang kamalay malay na may supresang naghihintay sa kanya sa gabing 'yon.

Nakarating sila sa isang resort kung saan ang sinasabi ni Thunder na may meeting, pero nagtataka di Jewel na parang wala siyang makitang tao. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at maya maya pa ay namatay ang mga ilaw, napasigaw siya dahil sa gulat at mabilis na kinapa si Storm ngunit hindi niya ito makita.

"Storm? Anak nasaan ka?" sigaw niya

Kahit ilang beses niyang tinawag ang pangalan ng anak ay hindi ito sumasagot kaya nakramdam na naman siya ng kaba, maya maya pa ay may mga narinig syiyang yapak pero wala naman siyang nakikita.

Hindi alam ni Jewel kung ano ang gagawin niya, gusto niyang tunakbo at umalis sa lugar na 'yon ngunit hindi niya alam kung saan pupunta dahil hindi niya kabisado ang resort na 'yon at masyado ding madilim dahil walang ilaw.

"Mapapatay talaga kita Thunder!" sigaw niya na halos gusto niya ng maiyak dahil sa takot.

Nakarinig naman siya ng mga mahihinang tawa kaya napatigil siya sa pag ngawa dhil sa hiya ng mapagtantong hindi lang siya nag iisa, iniisip niya na baka may meeting talaga dito ang asawa at namatay lang talaga ang ilaw. 'Jusko nakakahiya ka Jewel!' isip nito

Maya maya pa ay umilaw sa gilid at nagsilabasan ang iba't ibang litrato, merong no'ng kasal nila, merong no'ng bakasyon nila, litrato nilang dalawa ni Thunder, litrato nilang tatlo ng kanilang anak.

Hindi mapigilan ni Jewel ang hindi maiyak, kahit na naguguluhan pa rin siya kung bakit may mga gano'n.

Maya maya pa ay nakita niya ang kanyang asawa na nakatayo sa maliit na stage habang nakangiting nakatingin ito sa kanya habang may hawak hawak na mikropyona.

"Hon, alam kung madami akong kasalanan na nagawa sayo noon pa. Hindi kita natrato bilang asawa at ilang beses kitang nasaktan, nagawan din kita ng isang malaking kasalanan dahilan para umalis ka at iwan ako at labis ko 'yong pinagsisihan." panimula nito

"Noong nalaman kung nakabalik kana ay sobrang saya ko dahil nasa isip ko na makakahingi na ako ng tawad sayo at magagawa ko na ang bagay na dapat ay noon ko pa ginawa. Nalaman ko din na may anak tayo kaya mas lalo akong nagpursige na mabawi kayo pero kagaya ng iba hindi naging gano'n kadali, galit sa akin si Storm at naiintindihan ko 'yon dahil kasalanan ko naman ang lahat and I said to myself that I deserve it."

Bumaba ito sa stage at unti unting naglakad papunta sa kanya habang siya naman ay walang tigil ang paglandas ng mga luha sa kanyang mga mata.

Nang makalapit sa kanya ang binata ay hinawakan nito ang kanyang kamay. "Hon, I know you've suffered big time at 'yon lahat ay dahil sa akin. Alam kung hindi naging maganada ang pagsasama natin bilang mag asawa. At ngayon gusto kung itama ang lahat ng pagkakamali na nagawa ko, gusto kung magsimula tayong muli bilang isang masayang pamilya na walang sakitan."

Nagulat si Jewel ng lumuhod ito sa kanya at may kinuhang pulang maliit na box sa bulsa nito. "Will you marry me again? Will you be Mrs. Alcantara for the rest of our lives?" tanong nito

Halos hindi agad makasagot si Jewel dahil sa pinaghalong saya at gulat na nararamdaman niya. Hindi niya lubos maisip na magpopropose ito ulit sa kanya ng kasal.

Bago pa siya makasagot ay biglang may isang boses na nagsalita sa likuran nila. "Can you answer daddy na mommy? Ang tagal mo namang sumagot, nagugutom na ako." aniya ni Storm.

Nagsitawanan naman ang mga tao na nasa gilid nila kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Jewel kung sino sino ang mga ito.

"Y-yes! I will marry you and be Mrs. Alcantara again." nakangiting sagot ni Jewel habang patuloy pa rin sa pagtulo ang kanyang mga luha

Mabilis na tumayo si Thunder at isinuot sa kanya ang singsing at niyakap niya ng may buong pagmamahal. Ito ang matagal ng pangarap ni jewel ang maikasal sa taong mahal niya at mahal din siya at ngayon ay sobrang saya niya dahil natupad na ito.

Biglang bumukas ang mga ilaw at sabay na nagpalakpakan ang mga taong nakasaksi sa ginawa ni Thunder. Guat na gulat si Jewel na makita ang mga ito. Nandito ang kanyang mga magulang, magulang ni Thunder, sina Dark, Calli pati na rin ang kanilang anak at nandito rin sina Cain na inaalalayan si Monique.

Wala ng mahihiling pa si Jewel dahil masaya siyang makitang nandito lahat ng mga importanteng tao sa kanyang buhay at alam niya hanggang sa huli ay makakasama niya.

Nagsilapitan ang mga ito para magbigay ng kanilang pagbati sa dalawa.

"Congrats! Finally nauntog na rin ng tuluyan si Thunder." wika ni Cain habang nakahawak kay Monique na nakangiti rin. "Congrats sis!" bati niya din sa dalawa

"Oy ang sama mo talaga Cain, matagal naman ng nagbago ang asawa ko and thank you Monique, mabuti at nakapunta kayo kamusta kana pala?."

"Paano ba naman na hindi pupunta kung makapanakot ang asawa mo wagas!" natatawang saad ni Monique.

"At isa pa may goodnews din kami, nakakita na kami ng donor at next week na ang schedule ni ni Monique para sa kanyang operaasyon." masayang balita ni Cain

Lumapit naman sin Calli at mahigpit na niyakap ang matalik na kaibigan. " Congrats Mercyl! I'm so happy for you, you deserve all the happiness in life. Ito na ang hinihiling mo natupad na. Sana lang hindi na maging gago 'tong asawa mo!" baling naman nito kay Thunder na ikinatawa ng lahat.

Matapos ng batiian ay agad na silang nagsalo salo sa pagkain.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon