Chapter 68

774 13 6
                                    

Jewel POV

Halos hindi ako makagalaw sa aking nakita, pati ang ingay sa loob ng bar ay biglang nawala. Kitang kita ko ang takot sa mga mata ng aking asawa at ang babae naman ay nakayuko na wari'y nahihiya dahil sa nangyari. Base sa mga bulungan ng ibang mga empleyado ay mukhang baguhan lang ito dahil hindi yata alam na may asawa na ang kanyang kinakalantari.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil sa nasaksihan. Hindi ko lubos maisip na magagawa pang magtaksil ni Thunder sa akin matapos ng mga pinagdaanan namin. Napangiti na lang ako ng mapait.

"Bakit tumahimik kayo bigla? Com'on continue the party. Dumaan lang ako para tingnan kung ayos lang ba ang asawa ko at mukhang maayos naman siya kaya makakatulog na ako ng mahimbing," saad ko at senenyasan ang dj na muling iplay ang music.

"Hon, let me explain," saad ni Thunder habang papalapit sa akin pero hindi ko na siya hinintay pa at tumalikod na ako para maglakas palabas.

Lakad takbo ang ginawa ko para lang makarating agad sa sasakyan ko bago ko lumandas ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Papasok na sana ako sa sasakyan ko ng may humila sa braso ko. "Hon, it's not what you think it is. Please hear me out," pagmamakaawa niya.

"Nakita ko na ang dapat ko makita Thunder kaya wala kana pang dapat ipaliwanag. Tama na ang nakita ko. Hindi ka man lang ba nahiya sa mga empleyado mo na alam nilang may asawa ka pero nakipaglandian ka pa." madiin na turan ko.

"Hindi ako nakikipaglandian, nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinalikan." frustration is written in his face.

"Save your explaination to your son. I thought sapat na kami ng anak mo para sa'yo pero mukhang hindi pa. I know we have our misunderstanding pero hindi ko alam na sa ibang babae mo ilalabas 'yang frustration mo," panunuya ko at hindi ko na siya hinintay pang makasagot at pumasok na ako sa sasakyan at nilock 'yon.

Ilang beses niya pa akong kinatok pero wala akong planong buksan, sunod sunod na tumulo ang mga luha sa aking mga mata, kanina ko pa pinipigilan ang hindi maiyak sa harap nila.

Inistart ko na ang sasakyan at pinaharurot ito, kita ko pa ang pagsakay din ni Thunder sa kanyang kotse pero hindi ko na 'yon binigyan pa ng pansin.

Patuloy lang sa pagdaloy ang mga luha sa aking mga mata habang nagdadrive ako. Hindi ko na alam kung ano pa ang mararamdaman ko ngayon dahil isa lang ang alam ko at 'yon ay ang nasasaktan ako ng sobra.

I know I did my best for our family at hindi ko alam na magiging ganito na naman kami ulit.

Sa sobrang pag iisip ko ay hindi ko man lang namalayan na wala na pala ako sa line ng kalsada at huli na ng makapreno ako dahil naramdaman ko na lang ang pagsalpok ko sa sasakyan na kasalubong ko. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng impact sa aking katawan na halos mapapikit na lang ako. Marami pa akong narinig na mga boses pero hindi ko na magawa pang imulat ang aking mga mata. Bago ako mawalan ng malay ay ramdam ko pa ang bisig ng isang lalakina bumuhat sa akin.

Thunder POV

Sinusundan ko ngayon ang aking asawa matapos siyang umalis sa bar at hindi man lang pinakinggan ang paliwanag ko. Pakiramdam ko ay biglang nawala ang ispirito ng alak sa aking sistema dahil sa nangyari.

Habang nakasunod ako sa kanya ay napansin ko ang pagkawala niya sa linya kaya bigla ako nakaramdam ng takot dahil do'n. Maya maya pa ay nakita kung may sasakyan na pasalubong sa kanya, ang akala ko ay maiiwasan niya ito pero nagkamali ako.

Kitang kita ko kung paano sumalpok ang kotse ng asawa ko dito, dali dali akong bumaba sa aking sasakyan at mabilis na naglakad papunta sa kotse ng asawa ko. Agad kung binuksan ang pinto ng kotse niya at saka siya binuhat papalabas, kitang kita ko ang paliligo nito sa kanyang sarili dugo at wala na rin itong malay marahil ay dahil sa lakas ng pagkakabangga nito.

Wala na akong sinayang na sandali at mabilis ko siyang isinakay sa aking sasakyan at nagdrive ako papunta sa malapit na hospital kung nasaan kami.

Habang nagdadrive ako ay hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng takot para sa aking asawa kaasabay no'n ay ang pagtulo ng luha ko. Wala pang sampung minuto ay nakarating na kami sa hospital at mabilis ko siyang ibinaba.

Naging mabilis ang kilos ng doctor at mga nurse ng ipasok nila ang asawa ko sa emergency room. Naiwan naman akong mag isa sa labas dahil bawal ang pumasok.

Ilang beses akong naglakad pabalik balik dahil sa kaba na nararamdaman, ilang beses din akong nagdasal para makaligtas lang ang asawa ko.

Umupo muna ako para tawaagn sina Cain para ipaalam ang nangyari.

"Cain," panimula ko

"Hoy Thunder nasaan ka? Nakapag usap ba kayo ni Jewel?

"I'm here in the hospital. Magkasama ba kayo ni Dark? Pumunta na lang kayo dito," ani ko

"T-teka, bakit ka nandiyan? Anong nangyari?"

"Naaksidente si Jewel, pumunta na lang kayo dito," saad ko at ibinaba na ang tawag.

Halos mag iisang oras na ang nakalilipas pero wala pa ring lumalabas galing sa loob ng emergency room kaya hindi ko mapigilan ang mangamba sa kalagayan ng asawa ko.

Napayuko na lang ako habang nagdadasal muli.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto at lumabas ang doctor kaya dali dali akong tumayo at lumapit dito.

"Kamusta ang asawa ko doc?" kinakabahang tanong.

"Nakuha na namin ang ibang bubog sa kanyang katawan Mr. Alcantara, pero maraming dugo ang nawala sa kanya kaya kailangan namin siyang salinan ng dugo bago pa siya maubusan." paliwanag nito.

"Gawin niyo po ang lahat para mailigtas ang asawa ko," wika ko at tumango naman ang doctor

"We will do our best for your wife Mr. Alcantara, I need to go now." paalam nito at bumalik na ulit sa loob.

Pagkaalis ng doctor ay napasandal na lang ako sa dingding sa gilid ng emergency room. Pakiramdam ko ay naghalo halo ang lahat ng emosyon ko.

'Lord alam kung marami akong nagawang kasalanan pero nakikiusap ako iligtas mo ang asawa ko. Huwag mo muna siyang kunin sa akin dahil hindi ko kakayanin pag nawala siya,- bulong ko.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon