Chapter 70

862 14 0
                                    

Jewel POV

Nagising ako ng maraming mga boses na narinig, kanina ay naalala kung may itinurok sa akin ang doctor ng nagising ako kaya nakatulog ako ulit. Hindi naman talaga totoong hindi ako nakakaalala sadyang 'yon lang talaga sana ang plano kung gawin kahit ilang mga araw lang dahil ayaw kung makita o makausap si Thunder kaso ayaw ko naman na magsinungaling.

Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa isipan ko ang nakita ko no'ng gabing 'yon at sa tuwing nakikita ko siya o kahit marinig lang ang boses niya ay nasasaktan ako. Alam kung hindi niya ginusto ang nangyari pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi isipin.

Idinilat ko na ang aking mga mata dahil mukhang hindi nila napapansin na gising na ako, unang nakapansin sa akin ay si Calli kaya mabilis itong lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Mercyl! Mabuti naman at nagising kana, kamusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa'yo? Naalala mo pa ba ako?" sunod sunod na tanong nito sa akin.

Agad naman na lumapit si Dark sa kanya para pigilan. "Ano ka ba naman babe, dahan dahan lang at kagigising lang ni Jewel." suway niya sa kaibigan ko.

Hindi ko naman mapigilan ang matawa dahil sa dalawa, bagay talaga silang dalawa pagsamahin.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain? tanong naman ni Cain sa akin, hindi ko man lang namalayan ang paglapit nito sa akin.

"Can I have water Cain?" anas ko at nakita ko naman siyang tumango at kumuha ng tubig at ibinigay ito sa akin.

Mabilis ko naman itong kinuha at ininom dahil pakiramdam ko ay sobrang uhaw na uhaw ako. "Thank you," wika ko at ipinatong ang baso sa gilid ng maliit na mesa.

Narinig ko naman na bumukas ang pinto at nawala ang ngiti sa labi ko ng mapagtanto kung sino ang pumasok.

"Gising kana pala, kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito sa akin.

"Anong ginawa mo dito? I don't need you here." matigas na turan ko.

"Jew let me expain, alam mong hindi ko ginusto 'yon!" bulalas naman nito.

"Kahit ano pang sasabihin mo ay hindi na ako maniniwala, so please get out!" ilang beses niya pang tinangka na hawakan ako pero iwinawakli ko lang ang kamay niya.

"Please get out Thunder, ayaw kitang makita." pakiusap ko.

Nilapitan naman siya ni Cain at parang may binubulong dito at lumabas na sila sa silid kung saan ako naka comfine. Agad naman na nagpaalam si Dark para puntahan ang dalawa samantalang si Calli naman ay naiwan dito sa tabi ko.

Hinila naman niya ang upuan sa tabi ko. "Are you okay bes?" She asked.

Agad naman akong tumango. "Ayos lang ako Calli, medyo masakit lang 'yong mga sugat ko." mahinang sagot ko.

"Hindi ka kasi nag iingat, alam mo naman na nasa kalsada ka tapos hindi ka pa tumitingin ng maayos sa daan. Paano kung hindi lang 'yan ang inabot mo at mas worst pa? Sa susunod huwag kang shunga sa daan." anas nito at inirapan pa ako.

"Oo na po nay, ayusin mo 'yang mukha mo ang panget mo." biro ko dito na ikinataas naman ng kanyang kilay.

"Baka naman na apektuhan na 'yang mata mo dahil sa aksidente? Sa ganda kung ito tapos sasabihin mo lang ng panget? Hustisya naman Mercyl!" saad nito na nakapagpatawa sa akin.

"Pero maiba nga tayo bes, tungkol sa inyo ni Thunder." dagdag pa nito.

Bumuntong hininga naman ako. "I know Calli, pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi masaktan." pag amin ko.

"I get your point bes, valid ang reason at feelings mo. Pero huwag mong hayaan na masira lang ang magandang samahan na meron na kayo ngayon lalo na't nagsisimula na kayo sa pamilya niyo."

Tumango naman ako. "I know bes and I will not let that happen." sambit ko.

"Huwag mo ng isipin 'yon. Magpagaling kana muna at saka kayo mag usap."

Sa kabilang banda naman ay nakaupo na nakayuko si Thunder sa upuan sa gilid ng silid ni Jewel, kasama niya ngayon sina Cain at Dark.

Thunder POV

"She hates me," paulit ulit na sinasabi nito.

"Let her think pre, magkakaayos din kayo." pangungumbinsi ni Cain.

"Tama si Cain bro, nabigla lang si Jewel kaya gano'n, pero kilala mo naman 'yang asawa mo at mahal ka no'n." segunda naman ni Dark.

"I know, it's just I am afraid na magkaroon na naman kami ng problema sa pamilya namin lalo na't maaayos na kami ngayon."

"Huwag kang panghinaan ng loob at malalampasan niyo din 'yan. Ang dami niyo ng napagdaanan ngayon pa ba kayo susuko?" anas ni Cain.

"Nandito lang kaming mga kaibigan mo kung kailangan mo ng makakausap at masasandalan. Sa ngayon hayaan mo muna si Jewel na makapagpahinga." dagdag pa nito.

Nagtagal pa sila ng ilang minuto bago bumalik ulit sa loob at naabutan nila ang dalawa na nag uusap. Dumiretso naman si Thunder sa isang upuan na medyo malayo sa kama ni Jewel dahil baka paalisin na naman siya nito.

"Mukhang seryoso 'yang pinag uusapan niyo ah," tanong ni Dark sa dalawa.

"Hindi naman babe, pinupukpok ko lang itong ulo ng kaibigan ko para masiguradong walang damage," natatawa naman na sagot ni Calli.

Mabilis naman siyang hinampas ni Jewel dahil sa kanyang sinabi.

"Kahit kailan talaga napakaingrata mong babae ka, hindi na ako magtataka kung isang araw ay iiwan ka ni Dark," usal ni Jewel

"Edi iwan niya at ng hindi niya na masilayan ang anak niya." sagot naman ni Calli.

Napuno naman ng tawanan ang buong silid dahil sa kagagawan ni Calliyah at Dark.

"Bakit ang tahimik mo?" narinig namin na tanong ni Jewel kay Thunder kaya pareho kaming napatigil sa pagtatawanan.

"Anong tanong 'yan Jewel? Matapos mong sabihin na ayaw mo siyang makita o makausap tapos ngayon tatanungin mo kung bakit tahimik siya. Nasisiraan kana ba talaga ng ulo?" bulalas naman ni Calliyah.

"Takot lang sa'yo niyan Jew, baka ma outside the kulambo siya." segunda naman ni Cain.

"Puro talaga kayo kalokohan, huwag kayong ganyan sa kaibigan natin baka mamaya wala silang sexy time ni Jewel." natatawang sambit naman ni Dark.

"Tangina niyo!" sigaw naman ni Thunder na ikinatawa nilang lahat.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon