Chapter 71

800 10 2
                                    

Jewel POV

Halos ilang oras din nanatili ang mga kaibigan namin dito sa hospital at sa tagal ng oras na 'yon ay hindi man lang umiimik si Thunder, marahil ay sinisisi niya na naman ang sarili niya dahil sa nangyari sa akin.

Mayamaya pa ay nagpaalam na din ang mga ito na aalis na dahil may check up pa si Calliyah samantalang si Cain naman ay susunduin si Monique na pauwi dito dahil galing itong Paris para sa isang event.

"Paano alis na muna kami Mercyl ha? Magpagaling ka huwag matigas ang ulo." bulalas ni Calliyah at bumaling naman ito kay Thunder. "At ikaw naman umayos ka dahil baka sa susunod ay makakalbo na kita."

Natawa naman sina Cain at Dark dahil sa sinabi ni Calli, kahit kailan talaga ang babaeng ito ay hindi maipreno ang kanyang bunganga.

Naiwan kaming dalawa sa silid pero hindi pa rin kumikibo si Thunder, wala ang anak namin ngayon dahil nasa ibang bansa ito kasama ang mga lola niya. Hindi ko nga maintindihan ang mga 'yon kung bakit palagi na lang sinasama ang anak namin.

Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Wala ka bang balak kausapin ako?" anas ko.

Tumingin naman ito sa akin at yumuko ulit. At dahil mukhang wala siyang plano na magsalita ay dahan dahan akong bumangon sa pagkakasandal ko.

"What are you doing? Saan ka pupunta? Bawal pa sa'yo ang maggagalaw." inis na wika nito sa akin ng makalapit ito at pinigil ako sa pagtayo.

"Ayaw mo kasi akong kausapin at isa pa ang layo mo kaya ako na lang sana ang lalapit sa'yo," nakangusong turan ko.

Nakita ko naman ang pagbuntong hininga nito. "Hindi sa ayaw kitang kausapin, hindi ko lang alam kung paano ka pakikitungahan dahil sa nangyari." pag amin nito.

"Hindi mo naman kasalanan ang nangyari sa akin, ako 'yong may kasalanan dahil hindi ako tumingin ng maayos sa kalsada." kako.

"Kahit ano pa ang sabihin mo ay kasalanan ko pa din, ako ang dahilan kung bakit ka na aksidente. Miintindihan ko kung magalit ka sa akin o hindi ako kausapin, pero hon trust me hindi ko ginusto ang nakita mo."

"H-huwag na muna natin pag usapan ang bagay na 'yan." maiksing turan ko.

"Kailan pa? Gusto kung pag usapan ito ngayon Jew dahil ayaw kung mag isip ka ng kung ano ano. I married you twice at hindi ako gagawa ng bagay na ikakasira ng pamilya natin. I know I made a mistake in the past at hindi ko na hahayaan na maulit pa 'yon."

"I know, it's just that hindi mo maiaalis sa isip kp ang bagay na 'yon Thunder, hindi madali para sa akin 'yon lalo na sa tuwing ipinpikit ko ang mga mata ko ay nakikita ko ang scenario na 'yon at alam kung naiintindihan mo ako dahil kung sayo nangyari ang bagay na ito ay alam kung hindi mo din agad matatanggap." paliwanag ko.

Tumango naman ito at hindi na ulit binuksan pa ang topic na 'yon.

"Nagugutom ka ba? Anong gusto mong kainin?" tanong nito sa akin.

"Prutas na lang siguro." ani ko.

Tumaas naman ang kilay niya. "Hindi kapa kumakain ng kanin simula ng magising ka, kumain kana muna nito at ipagbabalat kita ng prutas."

Wala naman akong nagawa kung hindi ang kunin ang binigay niya at kainin dahil alam kung wala akong laban sa kanya. At dahil nakakaramdam na din ako ng gutom.

Halos mabilis kung maubos ang kanin at ulam, kanina akala ko ay hindi ako makakain ng maayos dahil hindi ako nakaramdam ng gutom pero ngayon ay ang dami kung nakain.

"Magdahan dahan ka sa pagkain at baka mabilaukan ka." suway nito sa akin.

"Eh nagugutom kasi ako,"

"Akala ko ba hindi ka gutom kaya prutas nga lang ang hiningi mo sa akin."

"Eh bigla akong nakaramdam ng gutom at isa pa ang sarap ng ulam." sabi ko sabay subo pa ng kanin ng bigla akong mabilaukan.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh, ayaw kasing magdahan dahan." inabot niya sa akin ang tubig at agad ko naman itong ininom.

Pagkatapos kung kumain at binigay niya sa akin ahg binalatan niyang prutas at naupo sa tabi ko.

"Ikaw ba kumain kana?" tanong ko.

"Kumain na ako kanina kasama ni Cain."

"Ang sabi ni Dark sa akin ay hindi kapa daw umuuwi simula ng dalhin mo ako dito." panimula ko.

"Paano naman ako uuwi kung nandito ka? Mas gusto kung bantayan ka dito. Natakot ako ng sobra ng makita kung duguan ka, hindi ko alam ang gagawin ko at sigurado ako na hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa'yo."

"Ang sabihin mo nakookonsensiya ka lang." biro ko dito.

Bigla namang sumeryoso ang mukha nito. "I'm serious Jewel, hindi dahil sa iniisip mo. Hindi ko kayang pamahamak ang asawa ko dahil sa kagagawan ko."

"Huwag mo ng isipin 'yon, okay na naman ako eh." ani ko sa kanya.

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit kaya ginantihan ko din ito ng yakap.

Someone POV

Nandito ako ngayon sa veranda ng condo ko kung saan kami nakatira ng anak ko, matagal kaming nanirahan sa US at bumalik lang ako para ipakilala ang anak ko sa kanyang ama. Hindi ako papayag na maging anak sa labas ang anak ko.

Tingnan natin ngayon Thunder kung ano ang gagawin mo oras na malama mo na may anak ka at paano ito tatanggapin ng asawa mo. Sigurado akong iiwan ka niya ng tuluyan kagaya ng ginawa niya sa'yo noon.

"Kung sa tingin niyo ay sasaya na kayo, pwes sisiguraduhin ko na hindi mangyayari 'yon. Bumalik ako para sirain ang maayos na buhay na meron ako. Hindi ako papayag na masaya at buo kayo habang kami ng anak ko ay nagdurusa. Ipaparamdam ko sa'yo ang sakit na dinanas ko."

Kinuha ko ang picture na nakapatong sa maliit na mesa na katabi ko, kitang kita ko sa larawan ang masayang litrato ni Jewel at Thunder.

"Ang ganda ng buhay mong babae ka, kung hindi ka lang sana pinakasalan ni Thunder ay wala akong magiging problema, pero sadyang humarang ka sa landas ko at hindi ako makakapayag na mapunta lang sayo si Thunder. Gagawin ko ang lahat para makuha lang siya sa'yo." wika ko sabay na pinunit ang litrato at itinapon ito sa basurahan.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon