Chapter 72

710 10 1
                                    

Thunder POV

Isang buwan na ang nakalipas ng mangyari ang aksidente at masaya ako dahil naging maayos naman kami ng asawa ko at hindi na nagkaroon pa ng away sa pagitan namin dahil sa pangyayaring 'yon.

Nagising ako ng wala na sa tabi ko si Jewel kaya alam kung nasa baba na ito, tumayo na ako at bumaba para puntahan ang mag ina ko. Himala at isang buwan na rin naming nakakasama ang anak namin ng hindi hinihiram ng kanyang mga lola at lolo.

Nang makababa ako ay dumiretso na ako agad sa dining table at naabutan ko silang dalawa do'n.

"Good morning daddy." bati ng anak kung si Storm habang kumakain ng cereal.

"Good morning buddy." pabalik na bati ko sa anak ko at ginulo pa ang buhok nito.

Lumapit naman ako kay Jewel at hinalikan ito sa pisngi. "Good morning wife."

Ngumit naman ito sa akin. "Good morning hubby. Umupo kana at ng makakain na tayo." wika niya naman.

Umupo na ako at sabay sabay na kaming kumain ng almusal.

"How's the restaurant?" tanong ko sa asawa ko.

"Okay naman so far, wala namang nagiging problema mas dumadami pa ang mga client."

"Good to hear that, baka naman masyado mong pinapagod ang sarili mo." anas ko.

"Hindi naman eh, yung branch sa ibang bansa namamanage naman ng sekretarya ko at 'yong branch naman dito ay lumalago na din. Ikaw kamusta ang company?"

"Maayos naman mas tumataas pa ang sales kada buwan, parami ng parami na din ang mga nagiging investors natin." sagot ko naman.

"You deserve it hubby cause you are a good ceo, pero huwag mo masyadong isagad ang sarili mo at baka magkasakiy ka pa."

"Diba dapat sayo ko 'yan sabihin? Ikaw ang dapat na kailangan ng pahinga."

"Are you two fighting?" singit ng anak namin.

"No,son."

"Hindi anak,"

Sabay na sagot naman, nagpalipat lipat pa ito ng tingin saming dalawa na animo'y sinisipat kung nagsasabi kami ng totoo ng mommy, minsan talaga hindi mo maiisip na apat na taon pa lang si Storm dahil sa pagiging mature nito mag isip.

Hindi din nagtagal ay natapos na din kami ng pagkain kaya nauna na akong bumalik sa kwarto para makaligo dahil papasok pa ako sa opisina habang si Storm naman ay dumiretso na sa sala para magbasa ng bagong mga libro niya.

Mabilis din ang nakatapos maligo at bihis para makapasok na ako ng maaga at matapos ko na ang mga naiwan ko pang gawain para wala na akong ibang iisipin pa.

Bumaba na ako para hanapin ang asawa ko na naasa tabi lang pala ng anak namin. "Wife I'll go ahead na." tumingin naman ito sa akin at lumapit.

"Ang tanda mo na hindi mo pa rin magawa ng maayos ang pagsusuot ng neck tie mo." wika niya at inayos ito.

"Nagmamadali lang kasi ako kaya hindi ko na naayos pa." sagot ko naman.

Nang matapos na siya ay hinalikan ko na sa labi ang asawa ko at tinapik ang anak ko para magpaalam na. Sumakay na ako sa kotse at nagdrive papuntang opisina.

Nang makarating ako sa opisina ay sinimulan ko ng gawin ang mga naiwan sa mesa ko, nasa kalagitnaan ako ng pagpirma ng mga papeles ng magbukas ang pinto at iniluwa nito ang sekretarya ko.

"Sir may naghahanap po sa inyong babae, kailangan niya daw kayong makausap importante lang." anas nito.

"Let her in." sagot ko naman na hindi inaalis ang titig sa mga papeles.

Narinig ko naman na nagsara at bukas ang pinto. Tumikhim naman ang babae dahilan para mapatingin ako sa kanya, muntik na mawala sa isip ko na may tao pala.

"Who are you Miss? And what do you need?" tanong ko.

"I need to talk to you for some important matter Thunder."

Kumunot naman ang noo ko. "Just direct to the point. I have lots of works to do at isa pa wala anong matatandaan na schedule ko ngayon na may kakausapin ako. So please huwag mong sayangin ang oras ko." diretsong turan ko.

Tumawa naman ito. "Hindi ka pa rin nagbabago, alam kung hindi mo ako natatandaan dahil sa daming babae ang dumaan na sa buhay mo. Let me introduce myself first I'm Jhazzy Villegas isa ako sa naging ka fling mo noon." pagpapakilala niya.

"So nagpunta ka lang dito for that? You are wasting my time." ani ko.

"Hindi lang dahil diyan Thunder, may mas mahalagang dahilan ako kung bakit ako nandito at 'yon ay dahil sa anak ko!" madiin niyang saad.

"You need help or money? Is that what you want?" saad ko.

"No! I need tha father of my daughter Thunder! Ang tagal kung nagpakalayo layo at ngayon na lumalaki na ang naka ko ay naghahanap na siya ng ama."

"What do you mean woman?"

"Ikaw ang ama ng anak ko Thunder, nabuo ang mga gabing pinagsaluhan natin noon." seryosong saad niya.

"And you think maniniwala ako? Miss kung wala kang magawa sa buhay mo huwag mong idamay ang iba, mas magandang hanapin mo na lang ang ama niyan." bulalas ko, hindi na nakakatuwa ang mga sinasabi nito.

Inilapa niya sa akin ang envelop na naglalaman ng DNA result at ng basahin ko 'yon ay positive ang nakalagay. "At sa tingin mo pupunta ako dito sayo kung hindi ikaw ang ama ni Light? o baka naman gusto mong sabihin ko pa sa asawa mo ang tungkol dito."

Nagpintig naman ang tenga ko dahil sa narinig. "Huwag mong isasali sa usapang ito ang asawa ko, huwag mong sirain ang pamilyang meron ako. What do you need? Magkano at ibibigay ko." madiin na wika ko.

"Hindi ko kailangan ng pera mo, ang kailangan ng anak ko ay ang ama niya kaya panindigan mo ang anak ko Thunder dahil anak mo din siya kung ayaw mong malaman ng asawa mo na may anak ka sa labas. This is the address kung saan kami nakatira." aniya at may nilapag na papel at umalis na.

Napahilamos naman ako ng mga palad ko sa mukha ko, how come na nakabuntis ako ng iba gayo'ng maingat naman ako noon at palagi akong gumagamit ng proteksyon? Kung akala ng babaeng 'yon ay mapapaniwala niya ako ng basta basta dahil lang dito sa papel na pinakita niya pwes nagkakamali siya.

Sa tingin niya ba ay tanga ako para paniwalaan ang dala niyang DNA? Lalo na't hindi ko alam kung kanino ito at saan ito galing, sa ngayon ay hahayaan kita sa mga ilusyon mo pati bata idadamay mo pa pero isa lang ang nasisigurado ko 'yon ay wala akong ibang naanakan.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang pinagkakatiwalaan ko.

"Hello Thunder." boses sa kabilang linya.

"I need you to investigate this Jhazzy Villegas at I need the sample of DNA ng anak niya at ng sa akin." utos ko.

"W-what? May naanakan kang iba maliban kay Jewel?"

"Sa tingin mo ba papaimbestigahan ko 'yan sayo kung alam ko?"

Pagkatapos naming mag usap ay ibinaba ko na agad ang tawag, mas nakakastress pa ang araw na ito dahil sa babaeng 'yon. Kung kailan maayos na ang pamilyang meron ako may darating na namang sisira. At hindi ko hahayaan na mangyari 'yon.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon