Chapter 83

638 11 0
                                    

Thunder POV

Nasa gano'ng pwesto kami ni Dark ng lumapit sa amin ang isa sa mga katulong namin. "Sir may naghahanap po sa inyo." magalang na turan niya.

Agad naman ako napalingon sa taong nasa likuran niya at nakita ko ang private investigator na inutusan ko na alamin lahat ng tungkol kay Jhazzy.

"Good afternoon Sir, ilang beses ako tumawg sa inyo pero hindi kayo sumasagot kaya nagpunta ako sa opisina mo pero ang sabi ng sekretarya niyo ay umuwi na kayo. Kaya dito na lang ako nagpunta."

"May balita na ba sa pinapagawa ko sayo?" tanong ko ng makaupo na kami.

Iniabot niya naman sa akin ang envelop. "Nandiyan po ang tungkol kay Jhazzy Villegas at kasama na din ang DNA result Sir."

Mabilis ko naman kinuha ito at binuksan, ng mabasa ko ang nakalagay dito ay nagsimula ng manginig ang mga kamay ko sa labis na galit. Mapapatay ko talaga ang babaeng 'yon!

"This is bullshit! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, sinungaling talaga ang babaeng 'yon!" galit na sigaw ko. Kinuha naman ni Dark ang papel na hawak ko at binasa ang laman nito.

"Ilalagay ko na lang sa bank account mo ang bayad. Thank you for your help." anas ko sa inutusan ko at mayamaya pa ay nagpaalam na din siya.

Mabilis kung kinuha ang enevelop at lumabas ng bahay samantalang si Dark ay nakasunod lang sa akin, hindi ko mapapalampas ang ginawa ng babaeng 'yon sa pamilya ko. Ng dahil sa kanya ay umalis ang asawa ko na may sama ng loob sa akin.

Nagdrive ako ng mabilis habang ang kaibigan ko ay tahimik lang, hindi din nagtagal ay nakarating na kami sa condo kung saan nakatira si Jhazyy, kanina pa ako gigil na gigil sa kanya at hindi ako magsisising masaktan ko siya.

Mabilis akong bumaba sa kotse at nagtuloy tuloy sa loob ng building at pinindot ang elevator para makasakay na kami agad.

Pag tunog ng elevator senyales na nakarating na kami sa floor kung nasaan ang unit ni Jhazzy ay mabilis akong lumabas at halos takbuhin ko na ang unit nito.

Ng nasa harap na ako ng pinto ay kumatok ako agad, halos gusto ko ng gibain ang pinto. Agad din naman itong nagbukas at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Jhazzy.

"T-thunder, hindi ka naman nagpasabi na pupunta ka." wika nito.

Agad ko siyang sinakal dahil sa sobrang gigil ko sa kanya. "Hayop kang babae ka! Sinira ko ang pamilya ko! Ng dahil sayo ay nawawala ang asawa ko ngayon!"

"L-let me go T-thunder, nasasaktan ako." ani niya.

"Talagang masasaktan ka sa akin na babae ka! Napakasinungaling mo! Akala mo ba hindi ko malalaman ang totoo? Tangina ka!" sigaw ko sa kanya at marahas siyang binitawan.

Halos habol habol niya ang kanyang hininga habang hawak hawak ang kanyang leeg. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Wala akong kinalaman sa pag alis ng asaw mo!"

"Wala? Talagang wala? Nakita kayo ni Dark na magkasama bago mawala ang asawa ko kaya huwag mo akong gawing tanga Jhazzy! Tapos na ang kalokohan mo dahil alam ko na ang totoo!" gigil na saad ko.

"W-what do you mean?"

"Hindi ako ama niyang anak mo!" madiin na wika ko.

"W-what? Nakita ko naman na ang DNA diba? Bakit hindi mo na lang tanggapin? Ganyan ka ba ka walang puso na pati sarili mong anak ay itatakwil mo? Alam kung may pamilya ka at hindi ko naman ipinipilit sa'yo na maging pamilya mo din kami." pagpapaawa niya sa akin.

At dahil hindi ko na mapigilan ang galit ko ay sinampal ko siya ng malaka." Kung akala mo tanga ako na maniniwala sa sinasabi at pruweba na meron ka pwes nagkakamali ka! Mali ka ng taong niloko mo Jhazzy Villegas!" hinagis ko sa kanya ang envelop na ibinigay sa akin ng binayaran ko.

Halos maiyak siya ng makita ang laman nito.

"T-thunder I can aexplain, m-mali 'yang nandiyan sa envelop."

"Huwag mo ng ipilit ang sa'yo dahil alam ko na ang ama ng anak mo ay ang pinsan ko at tinawagan ko na siya para ipaalam ang totoo." ani ko.

"No! Hindi totoo 'yan mali ka ng inaakala ko." pagpupumilit niya pa kaya nilapitan ko siya at pinisil ang kanyang baba.

"Huli kana nga magsisinungaling ka pa!" sigaw ko at agad naman akong inawat ni Dark.

Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang pinsan kung si Dane. Kaya binitawan ko na si Jhazzy dahil baka mapatay ko pa siya.

"D-dane." takot na sambit niya sa pangalan ng pinsan ko na nasa harapan niya na ngayon,

"How dare you! Pati pinsan ko ginago mo? ATt balak mo pang sirain ang pamilya niya!" walang sabi sabi na sinampal ito ni Dane.

"Hindi pa ba sapat sa'yo na nilayo mo ang anak ko at talagang sa pinsan ko pa ipapaako mo? Ang kapal ng mukha mong babae ka! Sisiguraduhin ko na hindi hindi mo na makikita ang anak ko!" dagdag pa ni Dane.

[agkatapos no'n ay tumingin naman ito sa akin ."Thunder pasensiya kana sa ginawa ng babaeng 'to sa pamilya mo. Ako na ang bahala sa kanya, hanapin mo na si Jewel mas mahalaga pa ang asawa mo kaysa sa babae na 'to." anas nito sa akin.

Tumango na lang ako sa sinabi ni Dane kahit na ang totoo ay gusto ko pang saktan ang babaeng 'to pero dahil sa pinsan ko na ang nagsabi sa akin na siya na ang bahala dito ay hahayaan ko na.

Nagpaalam na ako at umalis na, nakasunod pa din sa akin si Dark. Mabuti na lang at kasama ko siya dahil kung hindi ay baka kung ano na ang nagawa ko kay Jhazzy dahil sa galit ko sa kanya.

Mabilis na kaming sumakay ni Dark sa kotse ko at bumalik na sa bahay. Siya na lang ang nagprisenta na magdadrive dahil halata niyang hindi ako okay. Hindi talaga ako magiging okay hangga't hindi ko alam kung nasaan ang asawa ko, hindi pwedeng hindi ko siya makita dahil paniguradong hahanapin siya ng anak namin.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon