Chapter 89

768 6 0
                                    

Jewel POV

Mabilis akong pumasok sa kwarto matapos kung talikuran si Thunder, ang totoo niyan ang nabigla talaga siya dito sa bahay. Hindi ako galit sa ginawa ni Marga alam kung iniisip niya lang ako dahil madalas niya akong nakikitang umiiyak.

Hindi ko lang alam kung paano matatagalan ang pakikipag usap sa asawa ko dahil hanggang ngayon ay nandito pa din ang sakit. Oo alam kung may punto siya dahil hindi ko muna siya tinanong pero hindi naman niya ako masisisi dahil kung siya din ang nasa lugar ko ay baka ito din ang gagawin niya.

Namimiss ko na ang anak ko pero hindi naman ako pwedeng humarap sa kanya ng ganito ang sitwasyon namin ng daddy niya. At ayaw ko na pati siya ay maapektuhan. Habang nakaupo ako sa kama ko ay nakarinig ako ng katok at pumasok si Nanang.

"Iha pwede ba tayong mag usap?" tanong niya sa akin.

Tumango naman ako bilang tugon at umayos ng upo.

"Alam ko na asawa mo ang nandito kanina at umalis na siya. Hindi sa nakikialam ako anak ha, pero hindi ba dapat ay nag uusap kayo ng maayos?" ani niya.

"Hindi naman sa ayaw ko makipag usap Nang pero masakit pa din kasi ang nangyari sa amin." pag amin ko.

"Nando'n na tayo sa masakit pero parte 'yon ng pagmamahal ang masakit. Nasaktan ka sa nalaman mo? Nasasaktan ka sa nangyayari sa inyo? Edi dapat mag isip ka kung paano mawawala ang sakit diba? Mawawala lang ang sakit kung makakapag usap kayo ng maayos ng taong dahilan kung bakit ka nasasaktan. Isipin mo na iisang pamilya kayo kaya dapat kayo din ang magkakampihan. Huwag mong hayaan na tuluyan kayong masira ng ibang tao."

"Iyon din naman ang iniisip ko Nang, hindi porket lumayo ako ay isinuko ko na ang pamilya ko sa babaeng 'yon. Kaya lang ako umalis para makapag isip isip, hindi naman pwede na makipag usap ako na galit o may sama pa ng loob dahil hindi lang kami magkakaayos. Hindi ko hahayaan na masira ng iba ang pamilya namin." wika ko.

"Mabuti naman kung gan'on. Ipaglaban mo ang kung ano ang sa'yo, tandaan mo ikaw ang legal kaya ikaw ang mas may karapatan. Laban lang! Lalo na ngayon na may dadagdag na sa pamilya niyo, sigurado akong matutuwa ang asawa mo kapag nalaman na buntis ka."

Ngumiti naman ako sa kanya. Kung inaakala ng Jhazzy na 'yon na tatalikuran ko ang pamilya ko dahil lang sa nalaman ko pwes nagkakamali siya. Hangga't kami ang pinipili at inuuwian ni Thunder ay kami pa din ang may karapatan. Ako ang legal at walang pwedeng pumalit do'n. Kung may anak man siya pwede naman 'yon suportahan.

Hindi naman nagtagal si Nanang at nagpaalam na din na lalabas dahil inaantok na siya, ng makaalis naman ito ay humiga na din ako dahil gabi na. Alam kung hindi titigil si Thunder sa kakasuyo sa akin.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, nakalimutan ko pa lang isara ang bintana ko kagabi dahil nakatulog ako agad ng mahiga ako. Bumangon na ako at saka lumabas para tingnan kung gising na si Marga dahil alam kung si Nanang ay maaga talagang nagigising.

Habang papalapit ako sa kusina ay naamoy ko ang mabangong pagkain na mukhang niluluto pa, bigla naman akong nakaramdam ng pagkatakam dahil dito.

"Ang bango naman niyan Nang." anas ko ng makapasok sa kusina pero laking gulat ko na lang na mukha ni Thunder ang bumungad sa akin.

"A-anong ginagawa mo dito? At paano ka nakapasok?" tanong ko sa kanya na busy sa pagluluto.

"Maaga akong pumunta dito at si Nanang ang nagpapasok sa akin kanina, umalis sila dahil may pupuntahan daw muna sila kaya hinayaan na lang muna nila ako at ipinagluto na lang kita ng almusal. Umupo kana at tapos na din 'to." sagot niya naman.

Hindi na lang ako nagsalita pa at umupo na dahil gutom na din ako at isa pa mukhang masarap naman ang hinandang pagkain ng asawa ko. Hinintay ko siyang matapos ihain ang niluto niya at saka kumain, niyaya ko na din siya dahil mukhang wala pa din itong kain.

Ng matapos kaming kumain ay ililigpit ko na sana ito pero inagaw niya lang ito sa akin at siya na ang nagligpit. Kaya wala na akong nagawa kung hindi ang hayaan na lang siya at lumabas na ako ng kusina para tumambay sa veranda,

Mayamaya pa ay napansin ko siyang nasa likurn ko na, hindi na ako nagulat ng niyakap niya ako. Hindi ko alam kung makakaya ko naman pag usapan ang nangyari pero kagaya nga ng sabi ni Nanang hindi ko naman ito matatakasan at hangga't hindi ko ito hinaharap ay hindi mawawala ang sakit.

"Talk." maiksing sambit ko sapat lang para maintindihan niya.

"What do you mean? Are you ready to listen now?" he ask.

Minsan talaga sarap din nitong sampalin, kasasabi ko nga lang tapos magtatanong pa. Naglakad ako papasok ulit sa bahay at naupo sa sala, nakasunod naman ito sa akin at umupo din.

"Diba ang sabi mo I need to hear your explanation? So?" pagtataray ko. Siguro kung ako pa ang dating Jewel ay hindi ako makakaganito kay Thunder.

Bumuntong hininga naman siya bago magsimulang ikwento ang lahat ng nangyari. Simula ng pumunta si Jhazzy sa opisina niya at sinabi ang tungkol sa bata.

"So bakit hindi mo sinabi? Bakit pinili mong ilihim sa akin kung alam mo naman pala sa sarili mo na hindi sayo ang bata?" inis na tanong ko sa kanya matapos siyang magkwento.

"Alam kung mali na tinago ko sa'yo, napangunahan lang ako ng takot na baka magalit ka. Kaya ang plano ko sana sabihin na lang sa'yo kapag napatunayan ko na hindi talaga sa akin 'yon."

"Paano kung sa'yo pala? Wala kang balak sabihin?" saad ko.

"Syempre sasabihin ko naman 'yon sayo."

"Kaya pala halos isang buwan kang balisa at mukhang may problma tapos madalas ka pang umaalis. Akala mo ba hindi ko alam na minsan hindi ka naman sa opisina pumupunta? Iniisip ko lang na baka may meeting ka sa labas kaya wala ka do'n." Iyon pala ay sa babae na 'yon ka lang napapadpad!" anas ko.

"Pinakisasamahan ko lang siya para hindi niya malaman na nagpapaimbetiga ako. Kaya nga nandito ako para mag sorry sa'yo kasi alam kung ako ang mali dito. Napangunahan lang talaga ako ng takot at ayaw kung masira ang pamilya natin."

"So daan ka dinala ng takot mo ngayon? You are thinking na magagalit ako kapag sinabi mo sa akin pero hindi mo inisip na mas magagalit ako kapag nalaman ko sa iba? Hindi ko alam kung gaano kasakit 'yon sa akin. Marami kang oras para sabihin pero hindi mo ginawa. Alam kung naiintindihan mo ako dahil kung ikaw ang nasa posisyon ko ay gano'n din ang mararamdaman mo. Mas masisira ang isang pamilya kapag walang tiwala ang isa't isa at higit sa lahat kapag naglilihiman!" mahabang litanya ko.

Hindi ko talaga maiwasan ang hindi manumbat sa kanya dahil sa nangyayari sa amin, marahil ay dahil sa buntis ako kaya nauuna ang emosyon ko.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon