Epilogue

2.2K 28 15
                                    

Ngayon ang araw ng libing nina Thunder at Jewel, limang araw lang ang ginawang burol dahil ayaw ng patagalin pa ng kanilang mga magulang at naiintidihan naman ng lahat 'yon dahil hindi madali mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung anak mo pa. Wala ng mas sasakit pa sa isang ina at ama na maglilibing ng sariling mga anak.

Simula ng mamatay ang mag asawa ay nagkaroon ito ng malaking epekto sa kanilang panganay na anak na si Storm, madalas na itong tahimik at nakikita na lang nilang umiiyak ito kapag nasa kwarto ng kanyang mga magulang. Sa loob ng limang araw ay hindi umaalis si Storm sa kabaong ng dalawa, palagi siyang nakaupo do'n sa tabi at pinagmamasdan ang kanyang ama at ina na payapa ng natutulog.

Alam ng mga kaibigan ng mag asawa na mahihirapan si Storm na tanggapin ang nangyari lalo na't malapit ito sa kanyang mga magulang, hindi tulad ng bunsong kapatid niyang si Kiara na bata pa at hindi pa alam kung ano ang nangyayari.

At ngayon ay magkakasama na sila para ihatid ang dalawa sa kanilang huling hantungan. Puro iyakan lang ang maririnig mo sa paligid dahil sa hinagpis at sakit na nararamdaman ng kanilang pamilya. Nando'n din ang kanilang iba pang mga kamag anak at pati sina Margaux ay nado'n din.

Unang nagbigay ng huling mensahe ang kanilang mga magulang na labis tumagos sa mga taong nando'n. Ika nga nila hindi mo malalaman kung gaano kasakit ang nararamdaman ng mga magulang kung wala ka sa kanilang posisyon.

lumapit para magbigay ng bulaklak sina Calliyah at Dark na kapwa lumuluha. "Best I don't know what to say, h-hindi ganito ang paalam na gusto kung sabihin but I want to say see you again. You have done many things to me, you are not only my bestfriend but for me you are my sister. Ang sakit lang, ang sakit isipin na dito na tayo magkakahiwalay na hindi na kita makakausap, makakabiruan at mahahawakan. I will always treasure all the moments we have shared. Mahal na mahal kita hanggang sa kabilang buhay." Calliyah hurtful words.

"Alam mo Thunder ang daya daya mo pre, umattend ako sa kasal mo pero hindi ka aattend sa kasal ko? Ang unfair mo alam mo ba 'yon? We are best friend since we are kids at hindi ako handa sa ganitong pangyayari. Ang hirap tanggapin dahil biglaan eh, parang isang araw lang magkakasama tayong lahat ng di namin alam na 'yon na ang magiging huli. Huwag kayong mag alala at hindi namin pababayaan ang mga anak niyo. Fly high both of you." umiiyak na turan ni Dark.

Lumapit naman si Cain sa kabaong habang hawak hawak ang bunsong anak ng mag asawa na si Kiara. Masakit para sa kanya ang nangyari sa dalawang kaibigan lalo na't alam niya ang buong kwento ng dalawang ito.

"Hoy ano na! May oras pa kayong bumangon diyan! Tangina naman eh, sa aksidente lang pala kayo mamamatay! Pinatunayan niyo talaga ang till death do us part dahil sabay talaga kayong aalis. Isa ako sa naging witness ng pagmamahalan niyo kahit no'ng mga panahon na nagkakasakitan pa kayo ang masakit dahil hindi kayo nagkaroon ng pagkakataon na manatili dito ng matagal. Some will say na hindi kayo nagkaroon ng happy ending pero para sa akin ay meron kayo no'n dahil naging masaya kayong pamilya dito hanggang sa huli ay masaya niyong lilisanin ang mundo na magkasama. Proud ako sa inyong dalawa, you have the best love story it's like a roller coaster to me. Mahal na mahal ko kayong dalawa at huwag na kayong mag alala dahil nandito kami palagi para kay Storm at Kiara, hinding hindi namin sila pababayaan." mahabang litanya ni Cain habang umaagos ang kanyang luha, nagsimula na ding umiyak ang bunsong anak nina Jewel at Thunder na animo'y naiintindihan ang nangyayari.

At ang huling lumapit ay ang panganay nilang anak na si Storm na kakikitaan ng labis na hinagpis at kalungkutan. Nagtatangis ang mga luha sa mga mata nito, alam nilang nakuha nito ang mukha at ugali ng ama sa ganitong sitwasyon ay kitang kita nila ang pag breakdown ng isang batang Thunder.

Ng makalapit na si Storm ay pareho niyang hinawakan ang kamay ng kanyang mga magulang, base sa kanyang pagkakahawak ay mahigpit ito na parang ayaw niyang bitawan dahil alam niyang kapag ginawa niya 'yon ay hindi niya na ulit pa itong magagawa.

"D-dad, M-mom honestly I want to hate you because you are the two person who break my heart into pieces first. Y-you are the person who makes me feel so much pain. I h-hate you because you didn't fulfill your promise that no matter what you will never leave us. I want to hate both of you but I love you so much that's why I can't. Hindi ko alam kung paano gigising sa umaga na hindi nakikita ang maganda mong mukha M-mommy, hindi ko alam kung paano ako makakatagal sa bahay na hindi maririnig ang boses at mga sermon mo D-daddy. Hindi ko alam kung paano mabubuhay ng wala ang dalawang pinakaimportanteng tao sa buhay ko na naging dahilan kung bakit ko nasilayan ang kagandahan ng mundo. Hindi ko alam kung paano magsisimula at magpapatuloy ng wala kayo sa buhay ko. I am nothing without you. I am not Storm Alcantara without my p-parents. Hindi ko alam kung hanggang kailan mawawala ang sakit ng pagkawala niyo sa buhay ko pero kakayanin ko para sa kapatid ko. I will protect her at all cost, I will not only be her brother but also a mother and a father to Kiara. I will make you proud, you dpn't need to worry about us cause I will try to be strong for my sister. I promise I will never fail you. F-fly high and be happy both of you up there. A-always guide and watch us. If may mga mali akong nagagawa okay lang sa akin kung bisitahin niyo ko. I love mom and dad always and forever."

Pagkatapos ng ilan pang minuto ay tuluyan ng nailibing ang mag asawang Alcantara, labis ang kalungkutan na bumabalot sa kanila dahil sa pagkawala ng dalawa. Pakiramdam nila ay nawalan sila ng kalahating parte ng buhay nila. Hindi na sila magiging kompleto kahit na kailan. Kung alam lang nila na 'yon na ang huling araw na magkakasama sila ng buo ay sana sinulit na nila.

Pero kagaya nga ng sabi ng nakakarami hindi natin hawak ang buhay natin at hiram lang natin 'yon sa Panginoon at kaya niyang bawiin 'yon kung kailan niya gusto. Handa man tayo o hindi ay wala tayong magagawa dahil kapag oras na natin ay wala ng extention pa. Kaya habang kasama pa natin ang mga mahal natin sa buhay ay pahalagahan natin at ipakita kung gaano natin sila ka mahal para wala tayong pagsisihan sa huli.

Life is short, we must live it to the fullest!

_____________

Maraming maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa kwento nina Thunder at Jewel dito sa wattpad. Sa pagtatapos ng kwentong ito ay siya namang magbubukas ng pahina ng buhay ng mga anak na maagang naulila. Sana suportahan niyo ang kwento ng anak nila.

Princess Kiara Alcantara titled "Beautiful Bastard"

Storm Kyzer Alcantara titled "Tempted By Trouble"
-----

Kung napapansin niyo ay maraming mga errors pa sa story, inuulit ko po isa lang akong beginner writer kaya hindi maiwasan na magkaroon ng pagkakamali. Unedited ang story dito sa wattpad.

Maraming salamat sa muli! Godbless everyone.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon