CHAPTER 17

13.1K 669 162
                                    

DTR: What Are We?

NAGKATINGINAN kami ni Vanessa. Maging siya ay nagulat sa pagdagundong ng boses ni Señorito. Sabay pa kaming napalunok. Dala ko naman ang cellphone kong luma, pero nang tingnan ko ay wala namang missed calls at text galing sa kanya.

Nasapo ko ang noo ko. May ibinigay pala siyang cellphone kanina, kaso naiwan ko sa lamesa sa itaas. Nawala sa isip kong gamitin iyon dahil sa dami ng instructions na kailangan kong tandaan. Ni hindi ko nga nabuksan iyon at matingnan ang laman.

"Eh, pasensya na po. Naiwan ko po sa itaas ang cellphone."

Lumapit siya sa lamesa namin saka hinila ang upuan ko, pagkatapos ay hinawakan niya ako sa kamay.

Awtomatikong napatingin ako kina Vanessa at Sir Joefel. Maging sa dalawa pang staff na kumakain sa kabilang lamesa. Paano kasi lahat sila ay nakatingin sa magkahugpong na kamay namin ni Señorito.

"Chill. Divine is eating with us. Besides, lunch break naman talaga," kalmadong sabi ni Sir Joefel.

Tinapunan siya ni Señorito Gaston ng malamig na tingin.

"That was why I've been calling her," seryosong sabi ni Señorito sabay hila sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at napasunod sa kanya. Nilingon ko sina Vanessa, nakanganga silang lahat sa amin. Bakit parang bigla akong tinubuan ng hiya? Halos takpan ko na ang pagmumukha ko. Hindi ko man lang magawang magprotesta kasi parang galit talaga si Señorito.

Nakarating kami sa kabilang building kung nasaan ang penthouse niya. Maging ang mga guard na nadadaanan namin ay nagpatay-malisya lang habang nakatingin sa amin. Hindi niya binitiwan ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa elevator.

Parang hinahabol ako sa sobrang lakas at bilis ng pagtambol ng puso ko. Galit ba talaga siya? Parang 'yon lang, e. Wala ba akong karapatang makalimot sa ibinigay niyang cellphone? Isa pa ay hindi ko naman sinasadya. Sana kasi sinabi niyang tatawag siya.

Nasapo ko ang noo ko. Oo nga pala, kabilin-bilinan niya kanina na sagutin ko ang mga text at tawag niya.

Sa bilis ng paglalakad niya ay hindi ko namalayang nasa loob na pala kami ng unit. Natauhan lang ako kasi bigla na siyang humarap sa akin. Pero hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko.

"Didn't I tell you to answer my calls and texts?"

Napanguso ako.

"Sorry na, Señorito. Nawala po sa isip ko, e. Ang dami kasing instructions ni Vanessa. Siyempre, ayaw ko pong magkamali. Baka magkaproblema pa sila nang dahil sa 'kin."

Umalon ang lalamunan niya habang titig na titig sa mukha ko—ay hindi, sa mga labi ko?

"Señorito?"

Pumitik ako sa ere. Napakurap naman siya na tila natauhan. Ang kaninang galit sa mga mata niya ay napalitan ng hindi ko mabasang emosyon.

"Forget it. I just thought something happened. Kasi hindi mo sinasagot ang mga tawag ko."

"Sorry po ulit." Napayuko ako. Sobrang lapit na naman kasi ng mukha niya sa akin. Mabuti na lang at mas matangkad siya kaya hindi ko nakakasalubong ang mga mata niya.

Bumuntonghininga siya.

"But starting tomorrow you should be eating lunch with me."

"Po? Hindi po puwedeng makisabay kina Sir Joefel? Mababait naman—aw!"

Napanguso ako nang pinitik niya ako sa noo.

"Who's your boss?"

"Kayo po."

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon