CHAPTER 18

13.5K 670 133
                                    

Official

NAPAUNGOT ako nang maramdaman kong may nakahawak at humahalik sa kaliwang kamay ko. Sino kaya'ng salarin ang nang-iistorbo ng tulog ko? Marahan akong nagmulat ng mga mata, at gano'n na lang ang pagkagulat ko nang bumalandra sa paningin ko ang pagmumukha ni Señorito Gaston.

"Señorito?"

Nagliwanag ang mukha niya nang magtagpo ang paningin namin.

"You're awake."

Nailibot ko ang paningin ko. Nandito ako sa kuwarto. Hindi ba may pasok ako?

Napabangon ako bigla kaya muntik na kaming magkauntugan ng ulo ni Señorito Gaston.

"Hala! Anong oras na po? Bakit ako nakatulog?"

Bababa na sana ako sa kama ngunit pinigilan ako ni Señorito sa kamay.

"The doctor said you lack sleep. Then, you... you hyperventilated. That's why you fainted earlier. You got me scared."

Nanlaki ang mga mata ko. "Hala! Baka magalit si Sir Joefel!"

"Get some more sleep. It's too late for you to go back to the office. It's already almost 6PM," ani Señorito sabay tingin sa pambisig niyang relo.

Napatampal ako sa noo.

"Bakit hindi n'yo po ako ginising? First day ko pa naman ngayon." Napanguso ako.

Nagulat ako nang hinawakan ni Señorito Gaston ang mga kamay ko.

"Hindi ka ba nakatulog kagabi?" aniya.

Umiling ako. Paano naman kasi ako makakatulog pagkatapos niya akong halikan kagabi at sinabi niyang kami na raw. Kaya pumasok ako kaninang umaga na bangag.

Teka... kami na raw?

"Señorito..."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang biglang sumagi sa isip ko ang pangyayari kanina bago ako nawalan ng malay.

"Sleep some more. We'll talk once you wake up."

Mabilis akong umiling. "Hindi na po ako inaantok."

Paano naman ako makakatulog ulit gayong nawiwindang na ako sa pangyayari? Bigla kasi akong nahiya. Totoo kaya ang mga sinabi niya kanina?

"Are you sure?"

Tumango ako sa kanya.

"Are you hungry?"

"Hindi rin po—aww!"

Bigla niya akong kinaltukan sa noo.

"Don't ever come to work again without getting a decent sleep."

"Paano naman ako makakatulog kagabi pagkatapos n'yo akong—"

Namilog ako nang biglang ngumiti si Señorito Gaston. Tumayo siya saka umupo sa kama para tabihan ako sa pag-upo. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang niyakap niya ako at hinalikan sa gilid ng ulo.

"I'm sorry for making you stay awake the whole night last night. But I never regret drunkenly kissing you."

"Señorito..."

Napasinghap ako nang bigla niya akong pinaharap sa kanya saka hinalikan. Ang lambot ng labi niya at kay sarap halikan kaya natagpuan ko na lang ang sarili kong tumutugon habang napapikit. Ibig bang sabihin no'n ay official na talaga kami mula pa kagabi?

Nag-init ang pisngi ko nang pagdilat ko ay nakangiti siyang nakatitig sa mukha ko. Halos magdikit ang mga noo namin dahil nakakulong sa mga palad niya ang mukha ko.

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon