CHAPTER 20

14K 592 47
                                    

LDR Blues

KANINA pa ako nakasunod sa bawat galaw ni Puppy. Ang bigat ng loob ko. Ilang araw pa nga lang kaming nagkasama pero magkakalayo na naman kami. Parang hindi na kasi ako sanay na hindi ko siya nakikita.

Sumandal ako sa sofa saka tumingala sa kisame. Maaga talaga akong nagising para lang maabutan ko siya. Aalis kasi siya ngayon. Luluwas siya ng Maynila dahil may emergency raw tungkol sa bunso nilang kapatid. At saka may aasikasuhin din daw tungkol sa negosyo.

Nasundan ko na lang ng tingin ang butler niya nang lumabas iyon ng unit bitbit ang maliit na maleta. Naka-pajama pa nga ako. Alas singko pa lang kasi ng umaga.

Napatayo ako nang marinig ang mga yabag ni Puppy pababa ng hagdan. Napakaguwapo niya sa suot niyang long-sleeved polo na nak-tuck in sa dark pants niya. Humuhulma ang mabato niyang dibdib.

"Why are you up so early?" tanong niya pagkababa niya sa huling baitang ng hagdan.

Napanguso ako. Kagabi lang kasi niya sinabing aalis siya ngayon. Kaya kahit antok na antok ako ay bumangon ako kanina. Nag-set kasi ako ng alarm bago natulog kagabi.

"Bakit? Ayaw mo ba akong makita bago ka umalis?"

Tumawa siya nang mahina.

"Silly. Of course, I want to see you all the time. Kung puwede ka lang itali sa katawan ko. What if sumama ka na lang kaya?"

Mabilis akong umiling.

"Baka makaabala lang ako sa 'yo lalo. Isa pa ay may trabaho ako rito. Hindi naman puwedeng um-absent ako para lang mag-chaperone sa 'yo."

Pinisil niya ako sa ilong saka hinila. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya nang niyakap niya ako.

"I'll be back after five days. Please take care of yourself while I'm away."

Hinalikan niya ako sa ulo. Naiiyak ako. Pakiramdam ko kasi hindi na siya babalik.

"I asked someone to cook for you. No fastfood," paalala niya.

"Hindi na kailangan. Marunong naman akong magluto kahit pa-itlog itlog lang, gano'n. Nakakahiya naman kung iaasa ko pa sa iba pati ang pagkain ko."

Napasinghot ako.

Kinalas ako ni Puppy sa katawan niya saka iniharap sa kanya. Ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya.

"I know you are trying to be independent, but I want to make sure you are safe all the time, especially when I am not around. Be good."

Ginawaran niya ako ng halik sa noo. Nagtagal iyon nang ilang segundo kaya napapikit ako.

"Answer my calls and texts. Call me when something happens, do you understand?"

Tumango-tango ako. "Opo."

Muli niya akong niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik. Parang ayaw ko na nga siyang pakawalan, e.

"Lastly, don't forget to miss me."

Pagkasabi niyon ay ginawaran niya ako ng halik sa labi na agad ko namang tinugon. Buti na lang nakapag-toothbrush ako bago ako bumaba kanina. Ang bango at ang lambot ng labi niya. Sa tuwing hahalikan niya ako ay pakiramdam ko first time pa rin namin.

Masuyo niya akong tinitigan pagkatapos ng halik.

"I really need to go. I will miss you."

Pinisil niya ako sa kamay.

"Ihatid na kita sa kahit sa lobby lang?"

"No. Just go back to sleep. You still have at least 2 hours. I don't want you to see me off because I might change my mind."

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon