Chapter 32

1.1K 41 3
                                    

CHAPTER 32

PILIT na tinatanggal ng dalaga ang mahigpit na nakayapos sa kaniyang kamay ng binata. Kanina pa siya nito hinahatak, hanggang sa marating nila ang pinagparadahan nito ng sasakyan nito.


Pilit siya nitong pinapasok. Nagpumiglas siya, hanggang sa makalayo nga siya dito. Napalunoj siya dahil sa sama ng tingin nito sa kaniya, pilit naman niyang tinatagan ang sarili niya.



"BAKIT KA BA NANGHIHILA!? HAH! INAANO BA KITA? KANINA KA PA HAH! HINDI NGA KITA KILALA TAPOS KUNG MAKAHILA KA AKALA MO NAMAN!"



Mas lalong sumama ang tingin sa kaniya ng binata. "Sakay!" mariin nitong sabi. Hindi siya nagpatalo. Namaywang siya saka mataray na nakipagtitigan sa binata.





"At bakit naman ako sasakay sa kotae ng hindi ko ka kilala? Hmp! Mamaya niyan rapist ka pala, mahirap na."




Hindi siya pinakinggan ng binata. Hinatak siya nito saka pinilit na pinapasok sa loob ng kotae nito. Nagpupumiglas naman siya.

Ayaw niyang magpatalo dito. Gusto niyang panindigan ang sinabi niyang hindi niya ito kilala.



" Sakay! "


Malakas na napabuntong hininga ang dalaga saka nag uusok ang ilong na sinamaan ng tingin ang binata.



"SABING AYOKO! HINDI KA BA MAKAINTINDI? HAH! NAKAKAINIS KA NA HAH! SINO KA BA?"



Konti nalang, konti nalang talaga tatakbo na siya. Paano ba naman kasi, sobrang talim ng tingin sa kaniya. Gusto na niyang maiyak. Kainis.



"Sakay!"



Ano ba naman yan. Paulit ulit naman itong binata. Naiinis na talaga siya. Wala na ba itong ibang alam na sabihin?



"Ayoko nga kasi sabi. Aalis na ako. Baliw ka."



Akmang tatalikuran na niya ito, pero naging maagap ang binata. Hinigut siya sa kamay saka itinulak hanggang sa mapasandal siya sa kotss nito.



Napaliyad naman siya ng ilapit ng binata ang katawan niya sa katawan niya. Sa sobrang lapit gusto na niyang mahimatay.


Ang mga mukha nila ay kulang nalang magkapalit. Ang labi nila ay kukang nalang ay magdikit.



"P....Papi" utal na pagbanggit niya sa tawag niya sa binata. Wala siya sa sarili. Kaya hindi niya na naisip na nagpapanggap pala siya na hindi niya ito kilala.

Napalunok siya ng makita niyang ngumisi ang papi niya. Inilapit nito ang labi nito sa may tenga niya saka bumulong.




"Papi, pala, hah!" mapang uyam na bulong nito. Medyo nakiliti pa siya dahil sa ramdam niya ang pagdampi ng hangin na nagmumula sa paghinga nito sa leeg niya. "You don't know me yet you call me, papi? Isn't that suspicious? Hm? Night."




Kahit na nanghihina, buong lakas na itinulak niya ang papi niya. Hindi niya man ito naitulak ng sobrang layo sa kaniya, at least kahit pa paano nailayo layo niya ang distansya nila sa isa't isa.


Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon