Chapter 43. Suspect No. 1: The Psychic Dreamer

17.4K 412 7
                                    

Third POV



"Uy!" Umilag si Chokie nang batuhin ko siya ng ash tray. Mabuti na lang at hindi iyon nabasag. Alas singko na ng hapon kaya bumalik kaming lahat dito. Nakakabsiwit kasi ang ngisis niya.

"Relax ka lang Third, talo mo pa si Xien eh" Aba't nang-aasar pa ang gago.


"Tama na ayan. Sabihin mo na ang report mo Chokie" Tumigil kaming dalawa ng magsalita si Xien. Kalmante itong nakaupo at kaharap  mismo ni Chokie. May isang projector sa harapan namin kung saan ididiscuss ni Chokie ang report niya tungkol sa Black Mafia.


"Napasok ko na ang website nila ngunit ang top information na naroron ay tungkol kay Shadow. Walang ni isang hacker mula sa ibang Mafia ang may impormasyon tungkol kay Black King. Ibig sabihin, kung nais natin malaman ang opersayon ng Black mafia, kay Shadow tayo mag-uumpisa"

Lahat kami ay taimtim na nakikinig kay Chokie. May inabot itong puting folders sa amin at nagpatuloy siya sa pagreport.


"Buksan nyo ang folders at makikita nyo dito ang operasyon ng Black Mafia sa kanilang mga produkto. Halos lahat ng bagay na pwedeng ibenta sa black society ay pinasukan nila. Kung specialty ng Jang Mafia ang ninja weapons at traditional ammunitions ay specialty naman ng Black Mafia ang high tech weapons at armored vehicles. May mga larawan dyan ng mga ito at kung mapapansin ninyo ay wala pa yan dito sa Pilipinas"


"Kaya pala sisiw lang sa kanilang patumbahihn ang Dark Ground at Dark Street" Napalingon ako kay Fritz. Tama nga siya. Gawa sa matibay na konkreto ang Dark Ground ngunit mga tatlong bomba lang ay nawasak na iyon ng Black Mafia.


"Ano ba ang motibo nila bakit bumalik sila dito? Sa pagkakaalam ko ay sa US lang nakafocus ang operation nila" Kay Xien naman kami nakatingin nagyon. Napaisip nga ako sa kanyang sinabi, ano nga ba talaga ang motibo ng Black Mafia?


"IIsa lang ang nakikita kong motibo nila, paghihiganti" Natigilan kaming lahat sa sinabi ni Chokie.

"Sa page ten ay mababasa ninyo dyan ang history nila pero mamaya na ninyo yan gawin."


Lahat uli kami ay napatingin kay Chokie.

"Umpisahan na natin mag-imbistiga. Mabagsik ang Black Mafia at wala pa rin tayong alam sa pinaplano ng mga ito" Tumingin siya sa aming pinuno. "Xien, kay Hannister tayo kukuha ng impormasyon. Siya ang taong pinakamalapit kay Shadow."


Walang reaksyon ang mukha ni Xien kaya nagpatuloy si Chokie.


"May bestfriend siyang nagngangalang  Dea Aldeguer" Hindi naituloy ni Chokie ang sasabihin dahil sumingit agad si Fritz.


"Ako na ang bahala sa kanya" Seryoso ang mukha ng gago at mukhang interesado talaga kay Dea. Sabagay cute din naman yun pero hindi ko type.


"Yue, ikaw ang bahala kay Aiushta o Angelica Marie Marquez sa totoong buhay" tumango lang si Yue bilang sagot.


"At ikaw Third ang bahala kay Erma Bautista o Scarlet ng Dark Street. Ako naman ay mananatili dito para maghanap pa ng mga impormasyon tungkol sa Black mafia" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Chokie.

When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)Where stories live. Discover now