Kabanata 12

77K 2.7K 2.3K
                                    

***




"Ikaw iyong bali-balitang sinabunutan?"




Hindi ko inimikan ang nurse. Ang bilis naman kumalat, sabagay sa dami ba naman kasi ng estudyanteng nanood kanina ay siguradong kalat na ito sa buong University.




"Ikaw, ma'am Zahi. What happened to your hand? Do you want me to check it?" Napadpad ang tingin ng nurse kay Zahira na ngayon ay nasa tabi ko lang, nakakrus ang dalawang braso sa isa't isa at matamang nakatingin lang sa akin.





"No, ma'am. Hindi ako pumunta rito para ipatingin ang kamay ko. September's hand is bleeding, pakitignan at pakilinis na rin." Tila nag-uutos lang siya. Ang bossy niya, lagi naman.




Napatingin ako sa nurse na simpleng napangiti, tila kinikilig dahil sa pagtawag sa kaniya ni Zahira ng ma'am. Bakit ba halos lahat ay kinikilig kay Zahira? Mapababae man o lalaki. Kahit nga wala pa siyang ginagawa ah napapangiti na ang mga nakamasid sa kaniya.





"S-sure, ma'am Zahi," ngiting-ngiti pa rin ang nurse bago napunta sa akin ang atensyon niya. "Ba't ba kasi pumatol ka pa ro'n, eh, may girlfriend na pala—"




"Watch your words, Miss."




Naputol ang sinasabi ng nurse dahil kay Zahira. Isa pa, saan galing iyon? Ni hindi ko nga gusto si Clarence tapos sasabihing pumatol ako sa kaniya.




"Fake news 'yan, ma'am," sambit ko, hindi na nakapagpigil. "Nandito na nga ako sa harap niyo hindi pa kayo nagtanong kung ano talagang nangyari. Hilig niyo sa chismis."




Natahimik ang nurse sa sinabi ko. Hindi makapagreact dahil siguro nandito si Zahira. Malamang kung wala siya ay baka inaway na ako nitong nurse na 'to.




"Okay na. Hindi naman malaki iyong sugat. Nalinisan ko na rin," anito matapos niyang magamot ang sugat sa kamay ko. "Sure kang hindi mo ipapalinis 'yang kamay mo, ma'am Zahi?"




Hindi nagsalita si Zahira, tanging tango lang ang sinagot niya.





"Ipacheck mo na rin kaya at ipalinis?" Mahinang sambit ko pero mukhang narinig ng nurse kaya natigil ito at napatingin sa amin. "M-Ma'am Zahi, hindi mo talaga ipapalinis?" Dagdag ko na lang para hindi ito magtaka.





"Nalinisan mo na 'to kanina sa bahay, September. Ipapalinis ko ba ulit?"




Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, maging ang nurse ay tila nagulat. Samantalang si Zahira ay parang wala lang sa kaniya iyon.





"T-tapos na po ba, nurse? Pwede na po ba akong umalis?" Pakamut-kamot sa ulong tanong ko sa nurse.




"Yes, tapos na. H'wag mo na lang munang basahin tapos mamayang gabi ay linisan mo para hindi na mamaga. Heto bandaid, gamitin mong pamalit mamaya." May ibinigay sa akin ang nurse na tatlong bandaid na agad ko namang kinuha.




"Thank you, nurse. M-ma'am Zahi, una na po ako," hindi ko na siya hinintay pa at nauna nang lumabas ng clinic, baka kasi kung ano na naman ang masabi niya habang nandoon ko.



Habang naglalakad papuntang canteen ay nakatingin lang ang mga estudyante sa akin. Hindi ako sanay sa mga atensyong nakukuha ko ngayon. Kung kailan malapit-lapit ng matapos ang college life ko ay saka ako sumikat, at sa ganoong paraan pa. Hindi ko ito pinangarap!




"Hoy, Ember. Nabalitaan namin iyong nangyari. Akala namin kalbo ka na pero mukhang ayos pa naman 'yang buhok mo."




"Gago!" Bulalas ko kay Pam na ngayon ay natatawa habang nakatingin sa akin.



Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon