KABANATA CCXXXI

5.5K 66 105
                                    

"Huwag kang mag alala Lily. Tatapusin ko ang pesteng ito sa lalong madaling panahon." Nakangiting sinabi ni Donoghue habang ikinakaway ang kaniyang kamay. "Kayong lahat, tapusin niyo na siya!"

Sa loob ng isang iglap, isang dosenang mga lalaki ang bumunot ng kanikanilang mga kutsilyo at sumugod papunta kay Dax.

Natakot dito si Dax kaya mabilis niyang binunot ang isang palakol para depensahan ang kaniyang sarili.

Pero paano magagawang talunin ng isang lalaki ang isang dosena niyang mga kalaban?

Clash!

Agad na nagkagulo ang lahat sa loob ng booth na ito.

Napuno na din ng tension ang magandang mukha ni Lily sa mga sandaling ito. Hindi pa siya nakakakita ng ganito kadugong eksena sa buong buhay niya.

Ngumiti naman si Donoghue at agad na kinomfront si Lily. "Huwag kang mag alala Lily. Tinatanggal lang nila ang pesteng iyon, magiging maayos din ang lahat maya maya."

Slice!

Isang kutsilyo ang bumaon sa likuran ni Dax na sinamahan ng isang malakas na ingay. Napunit ang kaniyang balat at laman habang sumisirit ang sariwa niyang dugo mula rito.

"Gah!" malakas na sumigaw si Dax nang dahil sa sakit na kaniyang tinamo mula sa tauhan ni Donoghue. Kahit sanay siya sa pakikipaglaban, hindi pa rin niya ito nagawang tapatan matapos siyang sugurin ng mga ito sa lahat ng direksyon!

Tiniis ni Dax ang sakit mula sa kaniyang mga sugat, isinwing ang kaniyang palakol at pinatulog ang mga lalaking iyon.

Pero muli siyang pinaligiran ng kalahating dosenang lalaki na gumamit sa kanilang mga kutsilyo para saksakin si Dax nang walang pag aalinlangan.

Slice! Slice!

Duguan na ang katawan ni Dax habang sinasaksak ng napakaraming beses. Kinalaunan ay dahan dahan na rin lumabo ang kaniyang paningin hanggang sa tuluyan na siyang tumumba. Walang sinuman ang nakakaalam kung buhay pa ba ito o hindi na.

Hindi nagtagal ay hinila ng ilang mga nakaitim na lalaki ang duguang katawan ni Dax at itinapon palabas ng bar.

...

Samantalang, hindi naman tumigil sa pagtawag sa ilang mga numero si Nancy habang nasa labas ng bar.

Gumawa siya ng ilang dosenang tawag pero wala kahit na isa sa mga ito ang sumagot sa kaniya. Dito na niya naalala na nagsasagawa pala ngayon ng isang family meeting ang nakakatandang Sanders kaya natural lang na magfocus doon ang lahat ng mga tauhan ni Dax.

Nag aalala na ng husto sa mga sandaling ito si Nancy. Dito na niya biglang naalala si Darryl at agad itong tinawagan.

Mabilis din naman siyang sinagot nito.

"Dalian mo Darryl, pumunta ka na rito! Nasa panganib ngayon si Dax!" nagawa nang sumigaw ni Nancy hanggang sa dulo ng kaniyang lalamunan bago pa man makasagot si Darryl.

Sa kabilang dulo ng tawag.

Kasalukuyang nakahiga at nagpapahinga si Darryl sa kaniyang office sofa. Agad siyang napatayo nang marinig niya ang mga salitang iyon. "ano ang nangyari? Kumalma ka at dahan dahan mo itong sabihin sa akin!"

"Pumunta ka na rito sa Dynasty Bar, inaatake nila si Dax kaya wala na siyang malay sa mga sandaling ito!" iyak ni Nancy.

Ano?

Agad na nagging seryoso ang mukha ni Darryl. Ibinaba niya ang tawag at mabilis na umalis sa kaniyang opisina.

9pm na kaya kanina pa umalis ang mga empleyado ng Platinum Corporation. Nabangga ni Darryl ang isang lalaki habang lumalabas sa main entrance ng kumpanya.

Pero nanatili sa kaniyang puwesto ang lalaking ito habang napatalsik naman ang buong katawan ni Darryl dahil sa nangyaring pagbangga niya rito.

Nagmamadali si Darryl kaya humingi na lang siya ng tawad at sinubukang dumaan sa gilid ng lalaki.

Sa mga sandaling ito, agad na dinakma ng lalaki si Darryl at sinabing. "Sapat na baa ng paghingi mo ng tawad para sa pagbanggang ginawa mo sa kahit na sino?"

Nagging kakaiba ang tono ng lalaking ito kaya agad na itinaas ni Darryl ang kaniyang ulo para makita nag mukha nito. Nakasuot ang lalaki ng isang itim na trench coat at isang cap na may brim na tumatakip sa kaniyang mga mata. Hindi masyadong nakita ni Darryl ang mukha ng lalaking ito.

"Pasensya na pero may emergency kasi ako. Mukhang is aka sa mga empleyado rito. Bibigyan kita ng promotion bukas." Sabi ni Darryl habang sinusubukang dumaan sa gilid ng lalaki.

Mahinang tumawa ang lalaki hanganbg ipinapakita nag intension niyang huwag padaanin si Darryl.

Huh?

Dito na kumunot ang noo ni Darryl habang sinasabi na. "Nagmamadali ako ngayon, puwede mo ba akong padaanin?"

Sa mga sandaling ito, nakaramdam si Darryl ng isang napakalakas na aurang nagmula sa lalaking ito! Kahit na pinigilan ito ng lalaki ay pasyado pa rin itong malakas.

"Tumabi ka nagmamadali ako!" dito na nahaluan ng pagkainis ang tono sa pagsasalita ni Darryl habang sinusubukang sumugod para tulungan si Dax.

Mahina muling tumawa ang lalaki habng sinasabing. "Huwag kang magpadalos dalos sa ginagawa mo, hinahanap ka ng aking master."

"Master?" bulong ni Darryl sa kaniyang sarili.

Agad na tinanggihan ni Daryl ang lalaki ng walang pag aalinlangan. "Hindi ako interaso. Mayroon pa akong mga importanteng bagay na dapat puntahan."

Hindi na inentertain ni Darryl ang lalaki at agad na umalis matapos sabihin ang mga salitang ito.

Habang paalis si Darryl, agad na bumunot ang lalaki ng isang malaking sako na bumalot sa buong katawan ni Darryl!

Buwisit, isa na naming sako!

Dito na umatake ang lalaki sa likuran ng ulo ni Darryl na nakapgpahilo at siya ring nakapag pawala ng malay nito.

Hindi alam ni Darryl kung gaano katagal siya nawalan ng malay. Ang tanging alam niya lang ay ang paggaan ng kaniyang ulo nang iminulat niya ang kaniyang mga mata.

"SInong hayop ang nagtali sa akin?" namula ang mga mata ni Darryl sa mga sandaling ito. Nasa bingit ngayon ng kamatayan si Dax hindi nagawang makapunta roon ni Darryl!

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now