Kabanata 68

792 28 1
                                    

Three days later.

"Ma'am, ayos ka lang? Lately parang pagod na pagod po kayo, ah," aniya ni Faye nang makita ang itsura ng amo. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin sinasabi kay Henrietta ang problema niya at ang pag-spy rito. Dahil wala s'yang sinasabi na kahit ano kay Santi ay pinarusahan siya nito kaya dalawang araw na na nakasuot siya ng long sleeve na damit. Mabuti na lamang at hindi nito pinuntirya ang mukha niya dahil siguradong halata iyon.

Her brother. He was still in their captive. Kailangan niya na ba ng tulong? Pero may nakabantay rin sa mga kilos niya kaya hindi dapat siya magpahalata. Isa pa may nilagay na ang mga ito ng sound recorder sa kanya kaya dapat lang na maiba niya ang pinag-uusapan nila ng amo.

"I'm okay, Faye. Kulang lang ako sa tulog. Anyway, ngayon daw ba ang dating ng mga publish books na pipirmahan ko?" Henrietta pinched her legs. Alangan naman sabihin niya na ginabi-gabi siya ni Vincenzo. That damn man have so much strength na hanggang four rounds sila sa gabi. Kung hindi pa siya magtampo rito ay hindi siya nito titigilan. Masakit pa rin ang gitna niya kaya as much as possible ayaw n'yang gumalaw-galaw at maglakad-lakad.

"According po sa date ay ngayon nga po. Idiretso ko na po ba rito or doon na lang po sa bahay ninyo?" Pre-order pa lang kasi ang ginawa nila at hindi nila inaasahan na aabot ng 250,000 copies ang libro sa tagalog version nito. What more kung tapos na ang translation nito sa English? Marami ang fans ni Miss V internationally and in a span of two weeks ang naging million ang sold copy nito sa kauna-unahang libro na nai-publish nito. Gusto pa sanang i-adapt ng isang sikat na network ang libro kaso hindi pumayag ang amo dahil sa tingin nito'y walang makaka-portray ng characters nito sa totoong buhay. It was a fantasy book anyway.

"Dito na lang 'yong dalawang box. Tapos 'yong iba ipadala mo roon sa bahay. Doon ko na lang pipirmahan. Wala naman siguro akong sched ngayon?"

Tiningnan ni Faye ang tablet bago tumingin sa amo. "Meron po. A lunch date with Mr. Vincenzo." Unti-unting sumilay ang ngiti ni Faye at kumikinang-kinang na tumingin sa amo.

Napabuga ng hangin si Henrietta at napaayos ng buhok dahil sa nabanggit. Does Vincenzo have so much free time? Hindi rin ba ito napapagod katulad niya?

"Hindi 'yan kasali sa sched ko, Faye."

"Pinalagay po ni Sir, eh," katwiran naman ng dalaga at bumingisngis.

Henrietta shook her head. "Fine. Iyon lang ba?"

"Yes. Mauna na po ako, Ma'am. Kung may kailangan pa kayo ay tumawag lang kayo." Tumalikod si Faye at lumabas ng opisina. Henrietta squinted her eyes when she saw something. Lumihis hasi ang loose nitong long sleeve na damit at nakita niya ang nagva-violet na wrist nito. What happened to Faye? May hindi ba ito sinasabi? Napapansin niya rin na nag-iiba ang kilos nito.

Kinuha niya ang mobile phone at may tinawagan.

-----

Yros was standing in front of his boss na tahimik na binabasa ang nakalap nilang impormasyon tungkol kay Vicencio. He admits na nahirapan sila sa paghahanap dahil ang impormasyon nito ang confidential at kailangan nilang i-hack ang system para makakuha nito. The other person got an alarm and they immediately erased their trace and exited the system.

"Garcia? What's their relationship with Vicencio and Reynold?" Vincencio's brow was knitted together as he read the information listed on the paper. Iisa lang ang tumutulong sa dalawa ayon sa dokumento na hawak niya. He has no idea who Garcia is.

"Iyon rin po ang kinataka namin ngunit nakahanap rin po kami ng karagdagang impormasyon kung sino sila," sagot ni Yros at ibinaba ang isang folder sa lamesa ng amo. "Reynold's second wife, Santi's mother's last name was Garcia. Her real name was Olivia Garcia Davis. Ginamit lang nito ang surname ng ina ngunit alam iyon ni Reynold."

"And what's her connection to Vincencio?"

"Nothing, Sir. Mukhang gusto lang nito tulungan ang kapatid niyo dahil sa inyo o kay Henrietta. Mukhang konektado po ang gusto nilang mangyari. Maaaring gusto nilang mapabagsak si Henrietta at makuha ang yaman nito at makuha sa'yo ang asawa niyo."

"Nakahanap siya ng kakampi. Too bad, my wife is smart," nakangising sambit ni Vincenzo.

"Monitor them and report to me their daily activities," utos niya kay Yros. The man was hesitant and wanted to say something. Vincenzo lifted his brow. "Spill it, Yros."

"Sir, wala kaming makalap na impormasyon tungkol sa magulang ni Olivia. Mukhang sinadya na alisin ang details sa kanila. Wala rin nakalagay na pangalan at date g kapanganakan o kung patay na ba ito. Posible kayang malaki ang kahaharapin natin, boss?" Mukhang hindi ordinaryong pamilya ang mga ito. Ano ba ang tinatago nila?

"Hmm. Let's play their game."

-----

"Luciel..." tawag ni Santi sa asawa na kanina pa hindi siya iniimik dahil hawak-hawak ang phone nito. Irritation flashed on Santi's face before grabbing his phone.

"What the? Ano 'yon, baby?" malambing na tanong ng binata at hinawakan ang bewang ng asawa.

Tiningnan ni Santi ang phone nito at nakitang nagbabasa ito ng email. Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya may mini-message iyong babae o ini-stalk since naging busy siya sa sched biya bilang artista.

She smiled and kissed his lips.

"Kanina pa kita tinatawag. Masyado kang abala d'yan sa phone mo. Sasabihin ko sanang kakain na," malambing n'yang turan.

Lucian smiled and grabbed his phone back.

"Sorry, baby. Sige na ime-message ko lang ang assistant ko at susunod na rin ako," aniya nito at hinalikan rin sa labi ang asawa.

"Okay. May pag-uusapan tayo mamaya, ah. I know ma gusto mo na rin gawin 'yon at inaabala na tayo ng magulang mo."

Luciel already caught what she means to say kaya lumaki ang ngiti nito sa mukha.

"Huwag mo akong tuksuhin, baby. Baka ikaw ang kainin ko sa hapagkainan."

Pinalo naman ni Santi ang lalaki sa dibdib nito at tumawa ng marahan.

"Ikaw talaga, but I'm excited. Sige na. Para makapunta na tayo sa kwarto."

Naunang pumunta ng kusina si Santi. Luciel sighed and immediately turn on his phone 'tsaka pumunta sa inbox.

[So, game ka ba mamaya? I will book a room.]

Napakagat sa labi si Luciel bago nagtipa.

[Not now. Maybe tomorrow or next week. I'll just text you again.]

He pressed the send button before following his wife.

-----

© _eysteambun

Henrietta's BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon