21st Haunted

36.5K 1.4K 952
                                    

Haunted

Accident

How foolish of you to cry with your cousin's achievement you selfish bitch! Kinagat ko ang aking labi at gustong pigilan na iyakan ang isang bagay na dapat ay masaya ako ngunit hindi ko magawa.

It's frustrating. Hindi ba pwedeng... bigyan nila ako ng tsansa? I mean yes. Naia's features is way more superior compared to mine but I can work on it! Kaya ko naman. I can even try daring shots. Showing skin isn't a problem! Wala silang magiging problema sa akin!

Ngunit bakit... bakit hindi ako? Oo at masaya ako para kay Naia ngunit bakit... hindi ako?

I cried my frustrations while driving. Ni hindi ko na namalayang hindi na pala papunta sa school ang tinatahak kong daan. Right. Ayokong pumasok na ganito.

Isang lugar agad ang naisip kong puntahan. Bumabaha sa aking isip ang balita at hindi ko alam kung paano iyon tatanggapin agad. Kung paano ako magiging masaya agad.

I parked my car recklessly. Lumabas ako at kinuha ang aking bag saka padabog iyong isinara. Natanaw ko ang paglabas ni Roche sa garahe, nag-aambang may sasabihin at medyo irita ngunit nang makita ang mga mata ko, nang matanaw na umiiyak ako, natutop ang kanyang bibig.

"Goddamn it!" irita kong tapon sa aking bag sa kung saan at mas humikbi.

"Nakakainis naman eh! Masaya dapat ako! Hindi dapat ganito!" halos punasan ko ang luha habang nagpalakad lakad sa loob ng warehouse.

Pinulot ni Roche ang aking bag at tiningnan ako. Humingos ako.

"Ako ang nauna eh! It was my own idea! Bakit ayaw akong piliin!" labas ko sa aking saloobin.

"Bakit naman ganito lagi! Pangarap ko 'yon! Inalagaan ko nang maigi ang katawan ko para lang maghanda! Pero bakit naman ganito!"

Sa gilid ng aking mga mata, humalukipkip si Roche at sumandal sa likod ng Fortuner habang pinapanood akong nagpalakad lakad sa kanyang harapan.

"Masaya naman ako sa pinsan ko! Susuportahan ko naman siya! Kung siya ang pinili bilang modelo ng Calvin Klein, kung siya ang mas gusto, kung para sa kanila ay mas deserving si Naia, matutuwa ak0! But fuck it, I'm jealous! Naiinggit ako! At naiinis ako kung bakit ganito ang nararamdaman ko!" I cried dramatically while wiping my tears.

Umalis si Roche. Hindi ko na inisip pa kung narindi ba siya o ano. Gusto kong magdabog kaso maalikabok ang ilang parte at ayokong paghahampasin iyon. I stomped my foot and bite the nail of my thumb.

"Lagi nalang akong nagpaparaya! Simula ata noong nabuhay ako, wala akong ibang ginawa kundi ang magparaya! Kaya ko namang sumuporta pero palagi bang dapat ganoon?!"

Muling nagpakita si Roche. Ngayon ay may dalang box ng chocolate na gusto ko. Alam ko bago iyon lalo na't noong huli niyang bili sa akin, inubos ko.

Tumigil ako sa paglalakad. Ipinatong niya iyon sa itaas ng fortuner at kumuha ng isa. Binuksan niya at ibinigay sa akin.

"This is not the right time to eat! At ayoko!" iyak ko at frustrated na pinunasan ang aking mga luha.

Nag-amba siyang isubo kaya irita akong lumapit at pinigilan siya. Kinuha ko iyon sa kanyang kamay at kinagatan. The sweet taste of my favorite chocolate slowly calmed me down. Nagpalakad lakad akong muli ngunit mabagal na.

I wanted to talk ngunit dahil may kinakain, inubos ko muna iyon. At noong matapos, muli akong naglabas ng hinaing.

"Oo maganda ang pinsan ko. She's frigging sexy and definitely hot because of her fierce eyes and cold personality, pero kaya ko rin namang maging fierce sa camera! Kahit naked shots ay kaya ko!"

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon