Chapter 34

382K 18.7K 28.4K
                                    


Chapter 34

Puno ng gulat ang mukha niya. Sa likod ng salamin ay kita ko ang pamimilog ng mga mata niya, para bang hindi makapaniwala sa narinig sa akin.

Seeing that look on his face was priceless to me because I'd always known that only a few people get to see that side of him.

"You'll let me take you home?" he asked weakly like I wasn't supposed to hear that.

Parang may tanikalang sumakal sa dibdib ko. He was that . . . shocked? I wonder what he'd look like if I started opening up to him again.

Tumango ako. "Ayaw mo ba? Sabihin mo lang. I can take a cab from here."

"Hindi." Agad siyang umiling. "I mean . . . ihahatid kita."

I pursed my lips when he quickly got his things together, as if he was in a rush. Nalaglag pa ang ballpen niya sa ilalim ng mesa sa bilis ng pagkilos niya.

"Take your time," hindi napigilang saad ko. "Hindi naman ako aalis."

Lumingon siya sa akin. His chest moved as he took a deep breath. Hindi ko alam kung bakit parang wala na siyang pakialam sa mababasa kong emosyon sa mukha niya. His expression gave away his feelings. Gulat, takot, saya . . . they were all painted in his eyes.

"I said you can take your time . . . pero hindi ko sinabing tumigil ka." I swallowed hard to get the lump out of my throat. "Bakit ka ba natutulala?"

Isang buntong-hininga at tuluyan na siyang lumapit sa akin. He took my laptop bag and carried it himself. Kahit maraming bitbit ay dinala niya rin ang mga librong hiniram ko.

Ngumuso ako. I'm a strong, capable woman who doesn't need a man to help me carry my belongings! Hindi niya kailangang gawin 'to para sa 'kin!

Isa pa, may mga dala rin siya! Kagagaling niya lang sa pagtuturo tapos magpapagod siya sa mga ganitong bagay! He hadn't changed at all. Feeling niya ay si Superman pa rin siya.

"May kamay ako," pagrereklamo ko nang magsimula kaming maglakad palabas ng library. "Kaya ko rin 'yan . . ."

"I know," he muttered, glancing at me. "I just don't want my hands to be free because I might hold something I'm not allowed to."

Mabilis na nag-init ang mukha ko. I shouldn't assume he was talking about my hands, right?! There were a lot of things he couldn't hold! Like . . . like his penis! Because we were out in public! It would be weird to hold . . . it.

I let out an exasperated sigh. What the fuck are you thinking again, Amari?

Nang makarating kami sa kotse niya ay binuksan lang niya ang backseat para doon ilagay ang mga gamit namin. He also opened the door for me, and as I slid myself into his car, I noticed him putting his hand over the top of my head, as if to keep it from hitting anything.

Hindi naman ako makapagsalita dahil sa pagwawala ng puso ko. I watched him get into the driver's seat, and as soon as he did, his scent invaded the inside of the car.

I breathed deeply. Paano niya nagagawang maging mabango pa rin kahit na galing siya sa trabaho?

Inilagay niya ang cellphone sa phone holder at nang umilaw iyon ay nanlaki ang mata ko nang makitang ang homescreen wallpaper niya ay ang picture namin noong graduation. Mukha namang nataranta siya dahil agad niyang kinuha ang cellphone at inilapit iyon sa kanya.

"Address . . ." bulong niya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi. God . . . he was all over me! Talagang hindi siya makaka-move on kung sa lahat ng gamit niya ay nandoon ako! I was in his picture frame at work, and now I am even a wallpaper on his cellphone!

Mistakes We Can't Laugh About (Loser #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon