Chapter 35

1.1K 45 2
                                    

CHAPTER 35



"ANO BA!? BITAW!" inis na sabi ng dalaga sa kuya Angel niya na sobrang kulit. Kanina pa kasi niya sinusubukan na tumayo pero ang kuya niya pinipilit siyang pahigain sa kama.





Umalis saglit ang dad nila, ang kuya Belight naman niya ay inutusan ng kuya Angel niya. Ewan niya kung ano ang inutos nito. Basta nakita niya lang kanina na may binulobg ang kuya Angel niya sa kuya Bae Lhat niya.






Pinitik ng kuya niya ang noo niya. Nahimas niya ang noo niyang natitiyak niya na namumula dahil sa pagpitik nito. Sinamaan niya ng tingin ang kuya niya.





"Bakit ka ba namimitik ng noo? Hah! Hindi mo ba alam na masakit yun? E kung ikaw kaya ang ganunin ko? Gusto mo? Hah! Kuya!"






Napabuntong hininga ang kuya niya. Napapikit din ito ng mariin. Hinilot hilot ang noo nito. Sumasakit ang ulo niya. Na comatose lang ang kapatid niya pagkagising naging ganito na kakulit. Ni hindi masabihan.





Hindi nga siya namomroblema sa anak niya, namomroblema naman siya sa kapatid niya. Speaking of anak, naalala na niya ang dapat na itatanong niya dito bago ito ma coma.






Napabuga ng hangin ang binata ng sinubukan na namang tumayo ng dalaga. Inis na tumayo siya saka inalalayan ng may pag iingat ang kapatid pahiga sa kama nito.




Nang subukan nitong tumayo, duon na siya gumamit ng kapangyarihan niya. Ang dalawang kamay ng dalaga ay ikinandado niya sa sa mag kabilang gilid ng kama nito.





Nagpupumiglas ang kapatid niya. Napaiking iling nalang siya , ang kulit talaga. Parang gusto niyang ibalik ulit sa tiyan ng nanay nila.






Tiningnan niya ng masama ang kapatid niya. Sumasakit na kasi talaga ang ulo niya ng dahil sa kakulitan ng kapatid niya.






"Kung ayaw mong ibitin kita patiwarik at ibalik sa tiyan ng nanay natin umayos ka diyan, sumasakit na ang ulo ko sayo. Ang kulit kulit mo."




Nginusuan niya ang kuya niya. Nangingilid na din ang luha niya. "Galit ka, kuya? Sinisigawan mo ako? Galit ka?"





Nakonsensya naman ang kuya niya. Napabuntong hininga ulit ito saka nanghihinang naupo sa upuan na nasa tabi lang ng kama ng dalaga.




Sa tanang buhay ng anak niya hindi siya nag hirap. Hindi din naman ito makulit, kaugaling kaugali niya. Pero ang kapatid niya, daig pa ang anak niya sa kakulitan. Kung may bumibili lang ng makulit na bata, ibinenta na niya ito.




Napailing iling si Angel, pakiramdam niya magsisimula ng mag silabasan ang puting buhok niya. Iisa lang ang dahilan niyon, walang iba kundi ang makulit na bunso nila na ang pangalan ay Nightmare. She really is his Nightmare.






Nang sinubukang alisin ni Nightmare ang posas na nakakabit sa mag kabilang kamay niya gamit ang kakayahan niya.






"Night, enough. Magpagaling ka muna. Pag magaling ka na, you can do what ever you wanted to do. Hindi kuta pakekeelaman. Just... Just stay there okay and stop giving me pain in the *ss."





Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon