Chapter 51

26K 772 145
                                    


It's been weeks ngunit hindi parin namin nahahanap si ma'am Vanessa. Isang lingon narin ako'ng walang tamang kain at tulog kakahanap sa kanya. Sumasama ako sa mga imbistigasyon na ginagawa nang private investigator ni dad at kahit ayaw nang tatay ko dahil dilikado dahil nakakatanggap din ako nang death threats ngunit hindi ako nagpapigil at patuloy akong naghahanap kay ma'am.

" Kumain ka muna at huwag puro alak ang ilagay mo sa sikmura mo hija." Malumanay na sabi sa akin ni nanay Adella.

Yes, dito ko sila pinatira dahil nag-aalala ako at baka pati sila ay pagbantaan din. Laking pasalamat ko nang pumayag sila dahil para rin naman ito sa kaligtasan nila. Kakauwi ko lang galing sa paghahanap kay ma'am at ito nga ay nadatnan ako ng mama niya na nagiinom mag isa sa counter.

Biglang tumulo ang luha ko nang makita ko siya. I saw how worried she was na'ng malaman niya ang nangyari kay ma'am at naiyak pa siya nu'n kaya lagi ko'ng sinisisi ang sarili ko. Na sana ay hindi ko nalang siya pinapunta at wala sana'ng nangyari sa kanya.

" I-I'm sorry nanay.... I-It was all my fault!" Napahikbi na ako nang tuluyan.

Agad siyang dumalo sa akin at hinagod ang likod ko bago niyakap. I cried in her arms and hugged her back dahil sobrang na miss ko na si maam.

" Sshh.. ayaw nag hilak, wala ka'ng kasalanan 'nak. Walang may gusto sa nangyari, ipagdasal nalang natin na makita na natin siya diba?" Anya at hinawakan ang magkabila ko'ng pisngi.

Pinunasan niya ang mga luha ko at pinatahan. Kinuha niya ako nang tubig at pinainom. Nilagok ko lahat 'yun at kinain ang pagkain na hinanda niya para sa akin.

Nang maubos ko iyon ay pina akyat na niya ako sa kwarto ko at pinagpahinga.  Naramdaman ko agad ang pagod nang lumapat na ang likod ko sa kama. Napapikit ako at tuluyan nang nilamon nang antok.

Nagising ako na nasa isang kakahuyan at hindi pamilyar na lugar. Iginala ko ang paningin ko at hindi ko makita ang buong paligid dahil napupuno ito nang  fogs.

"Kaia..."

Agad akong napalingon kung saan ko narinig ang familiar na boses ni ma'am, ngunit wala akong nakita kundi puro puno at mahahabang damo lang ang nakikita ko sa paligid.

" Kaia..."

Narinig ko ulit ang boses niya kaya agad akong naglakad sa unahan oara hanapin siya ngunit bigo parin ako at wala akong makita.

" Ma'am!" Tawa ko habang nililibot nang paningin ang buong lugar.

Lakad takbo ang ginawa ko sa napakalawak na kakahuyan habang patuloy na hinahanap at sinusundan ang boses ni ma'am. Napadpad ako sa isang malawak na patag at sa dulo noon ay may bangin.

Agad akong napatigil nang makita ko si ma'am Vanessa sa dulo at kinakawayan ako. Nakalugay ang mahaba at paalon niyang buhok, at nakasuot siya nang mahaba at puting damit. Hinahawi nang malamyos na hangin ang saya nang damit pati ang buhok niya.

Dahan-dahan ako'ng naglakad papalapit sa kanya. Nang malapit na ako sa kanya ay bigla siyang lumuha at bigla nalang ako'ng nakarinig nang putok nang baril sa paligid. Natigilan ako nang humawak siya sa may tiyan niya at nakatingin sa akin nang luhaan bago nagsalita.

" Help me Kaia...."

Huling sambit niya bago siya natumba patalikod at tuluyang nahulog sa malalim na bangin. I tried to grabbed her ngunit huli na ako....

" Vanessa!"

Malakas kong sigaw nang magising ako pagkakatulog. Basa ang buong katawan ki nang pawis at humahangos akong napaupo sa kama ko. Napasapo ako sa aking noo nang maalala ko ang napanaginipan ko.

My Hottest Sin (PROFXSTUD / INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon