Chapter 55

2K 37 5
                                    


Hello! This is the last chapter of The Burning Desire. I wrote this story around 2020 and only finished it now. It was a long journey but I hope that everyone was able to have joy while reading Jordan and Reign's story. Happy New Year, everyone!


--------


"Hi! Is Mr. El Viejo inside?" I approached the person at the front desk of Jordan's office.

Saglit na kumunot ang noo ng babae. Medyo may katandaan na ito at nakasuot na ng salamin. Ngumiti siya.

"Mr. El Viejo is still on a meeting with a business partner. Would you mind waiting ma'am?" Aniya at iginaya ang sofa sa gilid.

Ngumuso ako at tinignan si Xanley na mayroong hawak na isang paper bag, take out mula sa isang restaurant na aming pinanggalingan bago pumarito.

Tumango ako sa babae at dumiretso na sa sofa habang hawak ang mumunting kamay ni Xanley.

"Mama, where's Papa?"

"He is still on a meeting, Xanley. Hintayin nalang natin siya na matapos, okay?" Hinawi ko ang kaniyang buhok.

Tumango siya at nilaro ang dala-dalang maliit na kotse sa kaniyang kamay.

Inaliw ko na lamang ang aking sarili sa pagbabasa ng mga magazine sa harap habang si Xanley ay naglalaro.

Napangisi ako ng makita ang front page ng isang magazine, National Rising Business Bachelor Tycoons. Si Jordan iyon, nakasuot siya ng isang corporate attire.

Mangha kong binasa ang laman ng magazine na 'yon. Alam ko naman na magaling talaga si Jordan sa business, hindi ko lang inakala na ganito, 'yung tipong mapi-feature pa siya sa isang magazine.

Well, he deserves it.

Napakibit-balikat na lamang ako. Kinagat ko ang aking labi at tinignan ang suot na relos.

Medyo matagal, ah? Ano kaya ang pinagmi-meeting-an nila doon? Halos trenta minutos na kami ni Xanley dito.

Mabuti na lamang at hindi nagta-trantums si Xanley.

Napabuntong-hininga na lamang ako at pinagtuunan ng pansin si Xanley habang naglalaro.

"Reign?" Napatingin ako sa pinaggalingan ng boses.

"Ate Trixie!" Gulat kong bigkas nang makita ang nakatatandang kapatid ni Jordan.

"Sabi na nga ba at ikaw 'yan e!" Tumawa siya at nakipagbeso sa akin.

Lumapit naman si Xanley at nagmano sa kaniya.

"O? Bakit ka nasa labas? Pumasok ka na sa office ni Jordan!" Aniya at itinuro ang pinto papasok sa office ni Jordan.

"Ah! Naku! His secretary said that he is still in a meeting eh. I don't want to impose."

Ngumisi siya.

"Trust me, Jordan won't mind. Pumasok ka na at baka mamaya pa matapos 'yung meeting na 'yon." Binigyan niya ako ng isang makahulugang tingin.

Tumawa na lamang ako.

"'Wag na! Hihintayin na lang namin siya ni Xanley dito." Pagtanggi ko.

"No, Reign! Pumasok ka na, tara at sasamahan kita hanggang sa pinto." Bago pa man ako makaangal ay hinigit niya na ang walang kamalay-malay na si Xanley upang makalapit sa office.

Nanlaki ang mata nang secretary ni Jordan habang nakikita ang nangyayari.

Hinawakan kong mabuti ang paper bag na dala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Burning Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon