Chapter 1

802 25 219
                                    

Thank you so much @lamellar for leaving a lot of comments! You know how much I love comments. This chapter is dedicated to you! I love you 🥹🫶🏻

_____

A familiar car stopped in front of me. "Chanel! Sabay na tayong pumunta sa condo ni Allen." Offer ni Riva matapos niyang ibaba ang bintana ng kanyang kotse.

"Okay lang ba? Magko-commute sana ako." She smiled at me and slightly opened the passenger's door for me.

"Thank you ah."

"No worries!" magiliw niyang tugon bago iliko ang kanyang kotse nang makasakay ako.

Hindi kami close ni Riva kahit nasa block section kami. She's just nice to everyone, iyon ang alam ko. Matalino rin siya at maganda pa. Nilakasan niya nang bahagya ang music mula sa kanyang phone na naka-konekta sa speakers ng kanyang kotse.

"Is it too loud? Okay lang ba 'yung music sa'yo?" She asked, giving me a short glance.

"Okay lang," sagot ko. I don't think I should complain too. Siya na nga ang nagmagandang-loob na isabay ako tapos magrereklamo pa ako. Totoo nga ang sabi ng iba, na mabait siya.

"First time mo sa condo ni Allen?" She asked not looking at me this time. Focus siya sa pagmamaneho, ang galing niya ngang magmaneho, pangarap ko ring magkaroon ng sariling kotse balang-araw.

"Oo. Hindi ako gaanong pamilyar sa ibang pasikot-sikot ng Maynila. Sa Cavite kasi talaga ako nakatira."

"You have a dorm here?"

"Oo, iyong malapit lang sa university. Diretso uwi ako sa dorm kapag tapos na ang klase." Nahihiya rin akong makihalubilo sa iba dahil may mga bagay silang pinag-uusapan na madalas hindi ako maka-relate. Ang madalas ko namang nakakasama ay 'yung mga tulad ko ring scholar at ka-dorm ko na si Chloe.

"Ikaw. Taga-saan ka?" subok kong ituloy ang pag-uusap namin.

"Top floor ng unit ni Allen. I'm staying there for one whole academic year. Then I'll go back home during sem-break. Sa Bulacan." Ngumiti siya sa akin. "Scholar ka rin right?"

"Oo. Ikaw din diba?"

"Yes, pinilit lang akong mag-apply for that ng friends ko. Ayaw ko sana so I can give the slot to another student, na hindi financially stable. My parents can pay for my tuition fee naman. It's their responsibility." Malumanay niyang wika. "It's just that there's someone that needs it more than I do. So I decided to apply for academic scholarship and then 'yung tuition from my parents, I donated it to a foundation for elderly and kids." Napatitig ako sa kanya sa pagkamangha. I have heard about it but I didn't know it is true.

"Ang bait mo." Wala sa sariling sabi ko sa kanya. She laughed a little.

"I always believe it's not that hard to be kind." Wika niya habang nililiko ang kotse papasok sa parking lot ng isang matayog na gusali. Ito na siguro ang condo building kung saan sila nakatira.

"I texted Allen that we're almost there." Aniya habang nakatingin sa kanyang phone. Sumunod lang ako sa kanya patungong elevator. She pressed the 40th floor button of the elevator.

"Nandoon na kaya iyong iba nating ka-grupo?"

"Mish and Aya, male-late raw. Kyler and Omar were there already."

Mukhang sanay naman na rito si Riva kaya hinayaan ko nang siya ang mag-ring ng doorbell. "Oh my! Nakalimutan ko 'yung iPad ko sa car. Wait here na lang Chanel, pagbubuksan ka naman ng pinto ni Allen. Or press the doorbell again, if he doesn't come out."

Napakamot ako ng ulo nang mabilisan siyang umalis. Hindi kami gaanong close ni Allen! Ang awkward naman nito.

Wala pa ring nagbubukas ilang minuto na ang nakakalipas kaya ni-ring ko ulit ang doorbell. Hindi kalaunan ay bumukas ang pinto. Napasinghap ako nang makita ang isang lalaking topless, nakatapis ang tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan. Nag-iwas ako ng tingin. I blushed at the sudden realization that I boldly look at him from head to toe. His abs are too fine not to notice!

Never Mine To Lose [#1 - ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon