45

8.3K 114 36
                                    

TATLONG araw na ang nakalipas simula nang nalaman kung buntis ako, Yah, Buntis ako at si kairo ang ama, Nilihim namin ni Liam ito sa kanya at kaming dalawa lang ang nakakaalam, Siya ang gumagastos nang mga pampa-Check up ko at ang mga gamot, Imbis na si kairo dapat ang kasama ko sa mga ganitong gawain pero mas pinili naming ilihim.

Nahihiya na nga ako sa kanya eh pero sinasabi niyang Ayos lang. Alam ko may pinag iiponan siya na gusto niyang makuha pero imbis na madagdagan ay Nababawasan dahil siya lahat nagbabayad.

Napapadalas na din ang away namin ni Allyson sa mga araw na yun, At ang nakakatawa lang ay Sinisisi niya ako kung bakit Siya na e-stress, Bakit siya lang ba?. Siya nga ang unang Bumubunganga e, Kaya ang ending nakakarating kay kairo lahat nang mga pinag-gagagawa ni Allyson sa akin.

Ganun na ba ako kasama para pag buntonan nang galit? Bakit ako ang mag a-adjust na wag siyang patulan sa sumbatan? Sabagay buntis siya kaya siya ang kinakampihan nasa sa kanya lahat nang Atensyon ni kairo habang ako dito ay nasasaktan, Iniisip ko na lang na sana ako na lang, Ako na lang si allyson para maramdaman ko din ang matatamis niyang salita sa Tuwing kinakausap niya ang bata sa sinapupunan ni Allyson. Pero si Liam ang gumagawa nun, Siya ang nagsabing tumayo bilang ama sa dinadala ko.

Hating gabi na nang Makaramdam ako nang uhaw kaya bumangon ako at Lumabas nang Kwarto ko, Napasulyap muna ako sa Pinto nang kwarto ni Kairo na nakasara bago dahan dahan akong bumaba nang hagdan, Hinaplos ko ang tiyan ko na hindi pa malaki.

Maliwanag ang Sala pero sa Kusina ay madilim dahil nakapatay na ang ilaw dito, Kaya hinanap ko ang Switch-an Nang ilaw, Binuksan ko ang Ref. At kinuha ang malamig na tubig doon muli kung sinara ang ref. At inilapag ang Isang pitchel na Cold water sa Lamesa upang kumuha nang Baso.

Nag salin na ako doon at Tinungga yun Gumuhit ang malamig na tubig sa lalamunan ko, Napapikit naman ako at Inilagay ulit ang Pitchel sa loob nang Ref.

Lalabas na sana ako nang makitang may nanonood pala sa akin, Gulat akong napatingin sa kanya, Anong ginagawa niya dito? Dapat nakay allyson siya di ba?

Nakasandal ito sa pader malapit sa nakabukas na pinto nang kusina, Nakacross ang binti niya pati na rin ang kanyang matipunong braso sa kanyang dibdib, Naka White T-shirt ito at Kulay Black Short, Gulo gulo ang buhok nito.

Tumikhim ako at Naglakad na palabas na nang kusina, Pero di pa naman ako nakakalabas nang tuloyan nang nag salita ito.

"Ashe...Let's Talk please..."

Napatigil ako at hinarap siya, Ang kanyang mata ay Malungkot at halatang pagod na sa mga ginagawa niya.

Napatiim bagang ako."What?" Yun lang ang tanging sinabi ko.

Tumayo ito nang tuwid at Hinarap ako, Napabuntong hininga naman ito bago magsalita."Sana pag bigyan mo ako sa gusto kung sabihin sayo Ash--"

"Mahal ang oras ko kairo sabihin mo na lang."Walang emosyong sabi ko dito.

Humugot ulit ito nang isang malalim na buntong hininga."Gusto kung Sa Condo ko muna ikaw Tumira para hindi napapadalas ang pag aaway niyo dito ni Ally. Please kahit hanggang sa manganak lang siy-"

"Stop it kairo!" Tuloyan nang Bumuhos ang luha ko dahil sa Sinabi niya. Why? Bakit ba ginagawa sa akin ito? Wala naman akong ginawang Mali pero sa akin binibigay itong ganitong paghihirap.Agad ko naman pinahid yun at Tinignan ko siya sa mata sa mata."Alam mo kairo, Ang sarap mong mag mahal, Alam mo ba yun? Bakit mo ginagawa sa akin ito? Bakit pa ako kairo! Bakit pa ako bakit hindi na lang siy--"

"Kasi iyon ang gusto niya!"Nanlaki ang mata ko sa hindi inaasahang pagtaas nang boses niya, Para akong sinasaksak nang paulit ulit."Dahil ayaw niya kaya gusto niya ikaw na ang mag adjust, Buntis siya kaya sino ang mag aalag--"

"Wala ba siyang pamilya ha?! Bakit Mo ba ako pinapahirapan nang ganito? Naging hubby mo na ba na saktan ako?"Tumawa pa ako nang mapakla."Oh Oo nga pala hindi mo na iniisip ang nararamdaman ko dahil sa babaeng yun? Ganyan ka na ba talaga kairo nagbago ka na!"Natigilan ito sa sinabi ko."Kairo Please pagod na pago--"

"Ako din pagod na pagod na ako, I'm tired for you Ashe, Ngayon pinapalayas na kita sa pamamahay na ito."

Tumawa ako nang mapakla, Para na akong baliw dito sa Harap niya habang umiiyak.

"Talaga ba Kairo? Ano bang nakita mo sa babaeng yun? Mahal mo na ba siya? Oh! Hindi ko na pwedeng itanong sa kanya yan dahil hindi lang sa sanggol na sinapupunan niya ang mahal mo pati na rin ang ina."Hindi ito nakapagsalita at nanlaki ang mata nito."Basura na ang tingin mo sa akin right? Nagsawa ka na sa akin di ba kaya mo ako pinapahirapan?"Ngumiti ako nang malungkot dito.

Umiling ito, Napalitan ang kislap nang mata nito, Ang pagsisisi at lungkot.

Umiling naman ito akmang hahawakan ako nang Umatras ako."Don't Kairo, Please wag mo na akong pahirapan sa mga kinikilos mo, Alam ko nahulog ka na kay Allyson!"Wala akong pakialam kung marinig kami dito."Please Tell me Kai. Mahal mo na ba siya?"Mahinahong tanong ko dito.

Hindi ito nakapagsalita ngunit napayuko ito, Nakita ko na lang na Gumagalaw ang balikat nito.

"I'm sorry ash-"

"Wag kang mag Sorry kairo nagsasawa na akong marinig say--"

Umangat ang ulo nito at muling nagtama ang Mata namin."Yeah Tama ka...Nawala ang Feelings ko sayo dahil kay allys--"

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi niya. Tuloyan na akong nasira.

kailangan niya na siguro malaman.

"Tang Ina kairo! Ang sakit sakit!."Pinunasan ko ang luhang Walang tigil sa Pag agos sa aking mukha."Ang Sakit sakit Kairo." Napaluhod na ako sa harapan niya, Tiningala ko ito, Ngayon ko lang siya nakitang umiyak sa loob nang maraming taong pagsasama namin.

Umupo naman ito upang pantayan ako."Ashe...I'm sorry please Forgive me, Forgiv---"

Isang sampal ulit ang Binigay ko sa kanya."Ang daling manakit Pero ang hirap masaktan kairo..."Ngumiti ako dito na parang baliw."Nagsisisi akong minahal kita nagsisisi akong Nakilala kita, pinagsisisihan ko na ikaw ang unang umangkin sa akin! Lahat nang ginawa natin pinagsisihan ko! Sana Hindi na lang kita nakilala sana Si Liam na lang at Hindi ikaw!"

Kahit hinang hina ako tumayo ako para tumabo palabas nang mansyon, Tang ina ayaw ko nang mabuhay ayaw ko na pagod na ako, Pagod na pagod na ak-- Nanlaki ang mata ko nang may marinig akong nag busina at Isang Nakakasilaw na ilaw Galing sa malakimg Truck. Huli na para mapalingon ako dito.

"NO ASHE!"

Yun ang unang narinig ko kay Kairo bago ako tumilapon at Tuloyan nang nawalan nang malay.

Finally, Makakapag pahinga na din ako.

To Be Continued...

A/N: pasensya na Biglang sumanib si Owwsic sa katawan ko eh HAHAHAHAHA Charot.

Di kayo nag iisa, umiiyak din ako habang Nag tatype.

Peste...HAHAHAHA.

Next, Special Chapter, Pero POV ni Kairo yun.

 KAIRO SEBASTIAN RONSOM: Fuck Me Harder Uncle [Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon