Chapter 38

1.1K 43 7
                                    

CHAPTER 38

"PAPI" may pinaghalong inis at pag aalala sa boses ng dalaga ng tawagin niya ang papi niya. Ang kulit kasi nito. Sabing huwag muna itong maggagalaw pero hayan, kainis.

Tinawanan lang ng papi niya ang pag aalala niya. Hayst, bakit ba ang kulit nito. Hindi man lang nakinig sakaniya. Sa Ganda niyang 'to binabalewala lang. So unforgivable.

Namaywang siya. Tinaliman din niya ng tingin ang papi niya. Ewan niya nalang kung hindi pa ito susunod sa kaniya.

"PAPI, BALIK! HIGA SA KAMA!" Sasakyan kita.. Gusto niya sanang idagdag kaso huwag nalang pala. Muntik niya ng kaltukan ang sarili niya, puro kademonyohan na naman ang laman ng utak niya.

Seryoso na seryoso na. Kailangan niyang mapabalik sa pagkakahiga sa kama ang papi niya. Ang likot kasi nito, hindi ba nito alam na hindi pa magaling ang mga sugat nito. Maaari kayang magbukas ang nga sugat nito sa likod na tinahi niya.

"Chill, I can manage."

Umingos ang dalaga. Aba naman talaga, uminglesh English pa, akala nito hah. Kaya niya din yan.

"I don't care, go to our bed and lay down! Rest! NOW!"

Walang epekto ang pag sugaw niya. Umalis padin ang papi niya kahit ayaw niya. Balak manghuli ng isda sa malapit na ilog.

Isinama pa nito ang anak anakan nilang si Colty. Hayst, mana talaga sa ama, palibhasa mukha at ugaling lion din ang tatay.

Natampal ng dalaga ang noo niya. Kinapa niya ang cellphone niya sa bulsa niya saka tiningnan ang natanggap na mensahe.

Napangisi siya sa nabasa niya. At talaga nga namang nagkakasiraan na sila. Napatango tango ang dalaga. Mabuti kung ganuon, hindi na siya mahihirapan pa.

From: Ma'pwend

Devine got it.

Ibinalik niya ang cellphone niya sa bulsa niya saka siya nagbihis. Oras na para kitain ang kaniyang butihing kaibigan. Matagal tagal na din ng huli silang nag kita.

"Get ready to face me and your problems, Justine."

______

NAKA higa sa kama, parehas na hubo't hubad ang dalawang nilalang na buong gabing nag niig habang sa pinto ay matatagpuan ang babaeng nagpupuyos sa galit.

Kuyom na kuyom ang kamao niyang, ang kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa seradura ng pinto. Ang nga mata niyang nagaalpasan na ang luha.

Sabi na nga ba niya, sabi na nga ba niya at wala ng pag asang mag bago ang asawa niya. Naniwala siya na magbabago ito, na hindi na ito uulit. Na aayusin nila ag pamilya nila, na magiging buo at larawan ulit sila ng masayang pamilya.

Kung ganun, ano ito? Bakit may ganito? Nakayakap ang asawa niya sa katawan ng babaeng kahit kailan ay hinding hindi niya malilimutan.

Ang babaeng dahilan ng kamuntikan ng pagkawala sa kanuya ng unico ijo niya ng nasa sinapupunan pa lamang niya ito.

Marahas na pinahiran niya ang luhang umaagos sa kaniyang pisngi. Namumula ang kaniyang mga mata sa galit, ang tigas din ng ekspresyon ng kanuyang mukha.

Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon