Chapter Two

3K 97 2
                                        

• enjoy reading, mga unnoticed baby😚!

ALYESHIA





Alam ko namang masyado akong nonchalant as Ashleigh but I never wish to be in a situation where I feel awkward. Sigaw na sigaw sa katawan ko ang awkwardness ng paligid. Imagine, kakagising ko lang tapos may limang tao sa harap mo ang nakatingin lang sa'yo tapos you don't even know them. Sige nga, matutuwa ka ba? Malay mo may muta or panis na laway pa ako sa mukha. But seriously, why am I stuck in this place?






"I told you Dad, she's fine. No need to worry about her, paniguradong ginawa niya lang ulit 'yan to get some attention from us." napakunot ang noo ko mula sa narinig kaya napatingin ako dito. Her face is kinda mataray but wala pa s'ya sa kalingkingan ko. Pinagmasdan ko lang 'yung babae pero inangatan lang ako nito ng kilay at inirapan. Lalong nangunot ang noo ko sa ginawa ni'yo. Aluh s'ya, hindi ko naman s'ya inaano ah.





"Maddieson was right, dad. I think Alyeshia is fine. Baka isa lang ito sa mga pakulo niya para makaagaw ng atensyon sa atin. Lagi pa naman niyang ginagawa 'yan," napalingon naman ako sa sunod na nagsalita. Pinagmasdan ko naman ito mula ulo hanggang paa, in fairness, pogi. Ayos sana s'ya but ayoko sa ugali niya, nararamdaman ko ang bad aura dito kagaya nung babaeng hindi pantay ang kilay kung makataray.





"Stop bullying Ate Shia! Can't you see that she's really hurt? Look at her head, she has an injury," napalingon naman ako uli sa isa pang babae na mukhang nagaalala sa kung sino mang pinaguusapan nila.







"Tss, stop protecting her Hanely. E' halata namang pinepeke lang ulit ng babaeng 'yan ang sitwasyon niya ngayon eh," mataray ulit na sambit nung babae kaya lumungkot ang itsura nung babae habang nakatingin ng may pag aalala sa akin. Nakaramdam naman ako ng awa sa pinaguusapan nila dahil ramdam agad sa mga ito ang walang pake sa pinaguusapan. Agad namang nabaling ang tingin ko sa babaeng sopistikada ang dating pero makikita sa mga mata ang pagaalala habang nakatingin sa akin. Wait, bakit s'ya nakatingin sa akin?






"Alyeshia, are you really hurt or are you just faking it again like the last time you do?," napalingon ako sa lalaking nakakatakot ang aura ng marinig ang malalim na boses nito. Napatulala naman ako ng mapagmasdan ito. Bakit ganon, napapalibutan ‘ata ako ng mga pogi at magaganda pero mukhang hindi mababait?





"Huh, ako ba?" pag imik ko at tinuro ang sarili. Sa'kin kasi sila nakatingin kaya umimik ako.






"Of course, sino pa ba ang Alyeshia dito eh ikaw lang naman." napatingin ulit ako doon sa babaeng mataray ang mukha dahil sa sinabi nito. Anong ako, eh hindi naman ako si Alyeshia. I'm Ashleigh kaya!






"Uh, I don't even know you guys. Sino ba kayo at bakit kayo nandito, wrong room ata kayo." kalmadong sabi ko bago inalis ang pagkakakumot sa aking katawan. Mukhang natigilan naman sila sa sinabi ko pero mukhang nakabawi agad 'yung mataray na babae, Maddieson ata ang name.






"Look, stop pretending that you've got amnesia Alyeshia. Dalang dala na kami sa mga palusot mo, hindi mo na kami maloloko!" agad namang tumaas ang kilay ko sa sinabi nito, ano bang sinasabi ng babaeng 'to? Eh sa hindi ko naman sila kilala tapos pagbibintangan ako. Napakagat ako ng labi sa inis.







"Can you please shut up? Look miss, I don't have any energy right now to fight you and talk about something with you that I know to myself that I will never do it. Sumasakit lang lalo ang ulo ko sa mga pinagsasabi ni'yo. Besides, sino ba kayo? Why are you here in this room and talk nonsense about me?" malamig na saad ko bago ito tingnan ng seryoso. Ang ayoko pa naman sa lahat ay surahin ako pagkagising.






Transmigrated as a Weakest Daughter of Duke FormenteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon