Chapter 46: Wren Wolf's Blood

53.2K 1.1K 80
                                    

Chapter 46: Wren Wolf's Blood

"Ano?!" Napatayo ang mga balahibo ko sa sigaw ni Syn. I can feel that she's mad. Alam ko namang magagalit siya but I have no other choice. Kaya ko nga siya pinatawag rito ay para may mapagsabihan ako ng gagawin ko. Expected ko na rin naman ito.

"I'm sorry, Syn. Pero nararamdaman ko talagang matutulungan tayo ng librong 'yun para matalo sila." I said pertaining to the vampire book. Mas nakita ko lang na sumimangot ang mukha niya sa sobrang galit kaya napayuko nalang ako.

"Zy, I don't care about that book kung pati yang kaligtasan mo, isasaalang-alang mo! Ni hindi mo pa nga kayang gamitin ng maayos yang kapangyarihan mo e!" Nakita ko kung paano niya sinunog yung invitation sa mismong kamay niya nang dahil sa sobrang galit.

I gasped and immediately grabbed the invitation on her hand. Agad ko iyong itinapon sa sahig at tinapakan para mawala yung apoy. "What the heaven, Syn! Bakit mo sinunog?!" I asked her. Naiinis na ako sa inaakto niya.

"Syempre para hindi ka makapunta sa party na 'yon!" Kanina pa kami nagsisigawan dito dahil ayaw niyang pumunta ako sa party sa Arunafeltz. Pero ayokong sundin siya. 'Yun lang ang tanging paraan para makapasok ako sa Arunafeltz nang walang hirap. Sigurado akong bukas para sa lahat ng vampires ang kaharian nila bukas. Isa pa, kaya ko lang naman pinatawag si Syn ay para humingi ng tulong sa kanya para makalabas ako ng palasyo pero mukhang hindi niya naman ako tutulungan.

"I'm still going, Syn! Whether you like it or not. I'm going to that party." Matigas na sabi ko. Agad kong kinuha yung cloak ko na pwedeng pagstore-an ng mga bagay at saka nilagay yung invitation dun. I, then, sat on my bed.

Napansin kong napasabunot si Syn sa buhok niya sa sobrang frustration. "Are you really that stupid, Zeira?! Ni hindi mo nga alam kung patibong lang 'yan ng kalaban! Isa pa, kay Mishie 'yan naka-pangalan! Imposibleng nagkamali lang ng padala yan dito! Sinadya iyan! And do you really think na makakapasok ka dun?!"

Tinignan ko siya at tumango. "I'm a half-vampire, Syn. Nakalimutan mo na ba? Isa pa, that's a Masquerade Party. Hindi nila ako makikilala." Confident na sabi ko.

Napapailing siyang naglakad palabas sa kwarto ko. "Bahala ka nga!"

"Syn." Marahang tawag ko sa kanya bago pa siya tuluyang makalabas ng kwarto. Napahinto naman siya pero hindi siya tumingin sa'kin. "Kung ayaw mo akong tulungan, ako nalang mag-isa ang bahalang tumulong sa sarili ko. But please don't tell the other Welshes about this matter." Pakiusap ko sa kanya. I trust Syn. Pero mukhang nagkamali yata ako na siya ang nilapitan ko ngayon.

Finally, she looked at me. "Ewan ko sayo, Zeira." At saka siya tuluyang umalis. Nakaramdam ako ng kaba nang dahil sa reaksyon niya. Pero kahit anong mangyari, pupunta pa rin ako sa Arunafeltz Kingdom. Kailangan kong bawiin kung ano ang kinuha nila mula sa'kin.

Nahiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame ng kwarto ko na tanaw ang langit sa mortal world. It was bewitched. Pinagawa ko ito kila Jae Kyline para naman hindi ako masyadong malungkot. Medyo kumalma ang buong katawan ko dahil sa mga stars don.

I sighed. Kailangan kong makaisip ng plano para bukas.

The day of the Grand Blood Feast Celebration

Pagkagising na pagkagising ko, naligo agad ako at nag-ayos at saka pumunta sa Library dito sa tuktok ng palasyo. May mga libro kasi ako sa kwarto pero puro tungkol lang iyon sa Sorcery. Kailangan ko kasing humanap ng mapa ng buong otherworld. Magbabasa rin muna ako ng tungkol sa mga vampires.

Malawak ang Library na 'to pero parang kagaya Lang rin ng ibang library sa mortal world. Ang pinagkaiba lang, parang kasing tataas ng building ang mga bookshelves kaya hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisang maghanap. Ang dami pa. Buti nalang at wala akong training ngayong araw kaya madami akong oras. At buti walang tao dito sa loob kaya hindi ko na kailangang mag-imbento ng sagot kapag tinanong ako.

Nag-umpisa akong maghanap ng mapa at hindi naman ako masyadong nahirapan. Inilagay ko iyon sa isang table na nakita ko dito sa loob at naghanap pa ng ibang kailangan ko. Naglalakad ako habang nakatingin sa bawat aisle na dinadaanan ko pero parang hindi ko rin naman makikita kaya huminto muna ako.

Huminga ako ng malalim at ibinukas ang dalawa kong palad. "Sielo Vampire Book!" I casted. Naghintay ako ng libro na kusang bababa papunta sa'kin pero wala namang nangyari. Kumunot agad ang noo ko. Baka wala talagang Vampire Book dito? E kung Vampress book kaya? "Sielo Vampress Book!" I casted again but to my luck, nothing happened.

Napapakamot nalang ako sa ulo ko na bumalik sa table na pinaglagyan ko ng mapa at saka iyon tinignan. Namangha ako sa nakita ko. Napakalaki pala talaga ng Otherwold. Nasa gitna nito ang Lairhart habang nasa bandang North nito ang Arunafeltz Kingdom. May ibang mga nakita pa akong maliliit na bayan sa paligid ng dalawang kaharian. Doon rin siguro nakatira ang ibang mga Welshes.

Maraming mga bayan sa gitna ng Lairhart at Arunafeltz pero halos malapit lang yun sa Lairhart. Nabura na yata sa mapa ang malalapit na bayan sa Arunafeltz. O baka sinadya nilang burahin sa mapa?

Hindi ko pa alam kung paano ang gagawin kong paglalakbay papunta sa Arunafeltz. Kaya nga rin gusto kong tulungan ako ni Syn para magamit ko yung broomstick niya. Pero ngayon, wala na akong choice kung hindi ang gumamit ng ibang pamamaraan.

Itiniklop ko na yung mapa at tangkang aalis na nang may isang librong malakas na bumagsak sa harap ko. O sinadya talagang itapon dun?

Nakakunot ang noo kong napatingin sa taong 'yun.

"Hinahanap mo? Sorry. Kinailangan kong kunin." Cold na sabi ni Wren. Napalunok ako ng ilang beses dahil sa tingin na ipinupukol niya sa'kin kaya minabuti ko nalang na kunin yung librong ibinato niya. Ilang araw ko rin kasi siyang hindi nakita at hindi ko rin alam kung ano'ng sasabihin ko.

Binasa ko yung title ng librong sinabi niyang kinuha niya. Vampire-Sorcerer Hybrid

Nagtataka akong tumingin sa kanya. Kinailangan niyang kunin? Bakit? "Bakit mo kinuha 'to?" I asked, seriously. Nakatingin lang rin siya sa'kin at dahil sa pagtataka, hindi ako masyadong naconscious.

"Malamang binasa ko. Ano'ng gagawin ko dyan?"

I rolled my eyes at him. Hindi talaga makakausap ng matino 'to. Lagi nalang pabalang ang sagot. "I'm serious, Wren. Bakit nasa iyo ito?"

"Nauna ako sayo dito. Hinanap ko 'yan. At binasa." He's looking at me with those green seriour orbs. I've never seen him this serious, seriously. Like he's up to something. Uh. This green-eyed monster.

"At bakit mo naman to babasahin?"

"To learn everything about you."

Tinalikuran ko na siya dahil hindi ko na alam kung saan pa pupunta ang usapang ito. Ayoko ng mga ganoong banat niya. Parang hindi maganda ang kutob ko. Pero rinig ko pa rin ang pagsunod niya sa'kin. Nakakainis. Hindi nalang kita papansinin.

"Kung may binabalak ka man, Zeira, wag mo nang ituloy. Pinapahamak mo lang ang sarili mo." Sabi niya habang nakasunod. Kaya ko gustong makuha yung vampress book ay dahil baka may makuha ako dun na pwede kong magamit kung sakaling macorner ako ng vampires. I was also looking for a vampire book to learn more about them pero mukhang iisa lang yata ang vampire book na nabili ko dati sa NBS sa buong Mortal at Otherworld. Ibig sabihin, kailangan ko talagang makuha yung librong 'yun.

"Wala akong binabalak." Simpleng sabi ko pero nagulat ako nang hatakin niya ako paharap sa kanya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko pero hindi ako nasasaktan. Tinignan ko lang siya na walang emosyon sa mga mata.

"Hindi ka pupunta sa Arunafeltz." Matigas na sabi niya. Nabigla ako. Akala ko kasi, hinuhuli niya lang ako kanina. I should've known that he knows something.

"A-ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko habang tinatry na alisin ang kamay niya sa braso ko. Pero mas lalo lang humigpit 'yon.

"Your Alistair told me. And you're not going to that party." Geez, Syn.

Tinignan ko siya ng masama. "I am. Whether you like it or not. Wag mo akong diktahan, Wren. Ako ang namumuno sa kahariang ito. I'm just doing what I think is best for them." I don't want to be that crybaby Zeira anymore. Gusto ko nang maging malakas. Mas malakas kesa sa mahinang ako dati. Ayokong mapahamak ang mga nasasakupan ko dahil sa pagiging mahina ko.

Napabitaw siya sa'kin at natatawang umiling. A sarcastic one. "And what do you think is the best for them? Ang ipahamak ang sarili mo? Hindi mo ba naiisip 'yun? Ilang araw ka palang nagti-training. Sa tingin mo ba, maililigtas mo ang sarili mo kung mismong hari na ang makalaban mo?" Halata ang inis sa boses niya pero hindi ko iyon pinansin. "No, Zeira. Nilalamon ka lang ng galit mo kaya mo nasasabi 'yan." Hindi ako nakakibo nang dahil sa huli niyang sinabi.

Tinalikuran ko nalang siya dahil ayoko nang makipagtalo. Sigurado namang hindi ako mananalo sa kanya.

"Ano? Hindi ka makakibo ngayon?" Ramdam ko pa rin ang pagsunod niya. Pero hindi niya mababago ang isip ko. Desidido na ako. Kahit ano pang mangyari.

"Pupunta pa rin ako, Wren. Kahit ano pang sabihin mo."

"Fine!" He shrieked. Nakalabas na kami ng Library at buti nalang hindi masyadong matao dito sa tuktok. "Let's have a deal, then."

Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo ko. "No." Sagot ko agad. I have no time for playing. Marami pa akong gagawin ngayong araw bago ako umalis.

"No? Sige. Sasabihin ko sa Senior Leaders ang balak mo." He said and started to walk towards the other direction. Napahinto naman ako at napatingin sa likod niya. Is he serious?!

"Wait!" I called. Huminto naman siya nang nakangiti at mabilis na bumalik sa dati niyang pwesto.

"Ano? Payag ka na?"

Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Nakakainis. Mas sumasakit ang ulo ko nang dahil sa asong 'to. "Oo na! Ano ba 'yang deal na 'yan?" Inis na tanong ko sa kanya. Oras lang talaga na makahanap ako ng tyempo, gagawin kong puppy ang isang 'to.

"Simple lang. Tatalunin mo lang ako sa isang laban."

"At ano namang mapapala ko kung tatalunin kita?"

"Kapag natalo mo ako, papayagan kitang umalis at tutulungan pa kita--"

"Hindi ko kailangan ng tulong mo."

"Pwede bang patapusin mo muna ako? Tss."

"Fine. Continue."

"Tutulungan kita sa ayaw at sa gusto mo. At kapag natalo kita, hindi ka aalis ng palasyo. Maliwanag ba?" Tinignan ko siya ng masama. "Wag mo akong tignan ng masama. Hindi ako natatakot. Mas naiinlove lang ako."

Nasamid ako nang dahil sa sinabi niya pero tinawanan lang niya ako. Pakiramdam ko, lahat ng dugo ko, pumunta sa mukha ko. Kainis! Wren!

"Payag ka na ba?" Tanong niya ulit. Napilitan nalang akong tumango. "Tara." Sabi niya at nagsimulang maglakad. Sumunod nalang ako. Parang gusto kong batukan mula sa likod ang isang ito.

--

Pumunta kami sa likod ng palasyo kung saan maraming puno. Liblib na liblib ang parteng ito kaya kahit maliwanag pa sa labas, madilim na kapag nandito sa loob.

"Ano bang mechanics nyang laban na sinasabi mo?" Tanong ko agad sa kanya. Gusto ko nang matapos agad ang laban na 'to nang makapaghanda na ako sa pag-alis.

"Maghahanapan lang tayo sa gubat na 'to. Ang unang maka-atake ang panalo." He said seriously. Kumunot ang noo ko.

"Ang dali naman masyado niyan." Seryosong sabi ko. Hindi naman sa humihingi ako nang mas mahirap. Okay na rin siguro 'yon. Siguradong ako naman ang mananalo. Kahit medyo kinakabahan ako nang biglang nagsmirk si Wren. Mukhang wala talaga siyang balak na panalunin ako.

"Let's see." Sabi nya at mukhang aalis na pero pinigilan ko siya. "Ano? Scared?"

"Of course not!" Natawa siya bigla. "Kahit ano bang klase ng light ang pwedeng gamitin?" Tanong ko sa kanya. He shrugged.

"Bahala ka." He said and started to walk away. Napailing ako at saka naglakad para humanap ng pwede kong taguan.

Nang makakita ako ng isang malaking puno ay mabilis akong umakyat dun hanggang sa makarating ako sa pinakatuktok. Pumikit ako at nagconcentrate para marinig ko kung may parating ba dito sa pwesto ko. Ilang ulit ko iyong ginawa pero wala akong marinig na ibang kaluskos. Puro paggalaw lang ng mga puno sa loob ng gubat na ito ang naririnig ko.

Geez! Napalingon ako sa paligid nang may marinig akong napakaliit na kaluskos mula sa likod ko. Napalunok ako agad at tumingin sa buong paligid. Dun ko lang narealize na kaya pala confident si Wren na makipagdeal sa'kin. Nung naglalakbay kami dati at may nakasalubong na vampire, ni hindi ko namalayan na nagtransform si Wren. Hindi ko rin namalayan ang kada paggalaw niya! Nung bigla nalang siya sumulpot sa kwarto ko, ni hindi ko rin siya narinig hanggang sa makapasok siya sa kwarto. Ibig sabihin, hindi gumagana ang pagiging alerto ko sa kanya! At hindi ko siya mate-trace.

Mabilis niya akong sinugod pero nagulat siya nang mabasag ako. And that moment, parang kusang bumalik sa totoong ako ang isip ko. Napangiti ako habang nakatayo sa punong hindi ko naman talaga inalisan kanina. "Ferious!" I chanted. Isang malakas na hangin ang bumulusok papunta sa kanya na naging dahilan ng malakas na pagkakahiga niya sa sahig. Hanggang sa bumalik ulit siya sa pagiging tao.

Nagmamadali akong bumaba sa puno na una kong inakyat at pumunta sa kinahihigaan niya. Lumuhod ako agad para macheck kung okay lang siya. "Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko. Ang nakita niya kasi kaninang bumaba sa puno at pumunta sa katapat ng punong una kong inakyat ay isa lamang salamin. Mas nagmukha lang iyong totoo dahil nasa Zeira na 'yun ang utak at puso ko. Hindi naman literal pero mas may tibok ang puso ng clone na yun kesa sakin. Sinadya ko 'yun para hindi ako ang atakihin niya.

Nagtaka ako nang makitang nakangiti siya at napailing. "Tangna. Ang utak mo talaga." Sabi niya at saka tumayo. Natawa nalang rin ako. Kasi kahit halata namang nahihirapan siya, pinilit niya pa ring tumayo.

"Sandali. Gagamutin kita." Sabi ko at itinapat sa braso niya ang kamay ko. May sugat kasi siya dun. Naramdaman ko ang pagdaloy ang energy palabas sa kamay ko at papunta sa sugat niya. Napangiti ako nang mabilis na maghilom yung sugat na nagawa ko sa kanya dahil sa Air Blade na pinakawalan ko kanina.

Ngumiti siya sa'kin. It was one of the most sincere smile I've even seen. "You won. And you did great. Hindi ko inaasahan na ganun ang gagawin mo."

I smiled back at him and helped him to stand. "Thank you, Wren." Naglakad lang kami palabas sa gubat na 'yun pero bago pa man kami makalabas ng tuluyan, huminto siya sa lakad kaya napahinto rin ako. "Bakit? May masakit pa ba?" Concerned na tanong ko.

Umiling siya. "Sasamahan kita sa party." Diretsong sabi niya.

Halata ang pagtutol sa mukha ko. Hindi ko alam pero nang sabihin niya 'yon, nakaramdam ako ng takot at kaba. Natatakot rin ako para sa sarili ko pero ayoko namang madamay sila. "Wren. Hindi pwede. Siguradong malalaman nilang hindi ka vampire." I said.

Nararamdaman ko paglalim ng paghinga niya pero seryoso pa rin siyang nakatingin sa'kin. "Don't worry, they won't notice." Confident na sabi niya.

"What do you mean?"

"Nandoon rin naman ang ibang Wolves." Napansin ko bigla ang paglungkot ng boses niya. Nagulat ako pero hindi ako nagreact. Hinintay ko lang na magsalita siya ulit. "Hindi naman sila talaga namatay. Noong sakupin kami ng mga Vampires, mas pinili nilang magpasakop sa paniniwalang mas mapapabuti sila. They didn't believe us. Hindi sila naniwalang makikita ka pa. Nawalan sila ng pag-asa." Nakangiti siya pero halata namang nasasaktan siya. Bakit ba ganito si Wren? Bakit mas pinipili niyang itago kung ano yung tunay niyang nararamdaman?

Napayuko ako dahil pakiramdam ko, kasalanan ko kung bakit sila nagkawatak-watak. Alam kong hindi lang isang race ang turingan nila. They're a family. Sa lahat ng race, sila yung kahit hindi halata, alam kong importante sila sa isa't isa. "I'm sorry, Wren." I said, sincerely.

He chuckled. Naramdaman ko nalang rin bigla ang mga labi niya sa ulo ko. "Don't be. Wala ka namang kasalanan. Sila lang talaga itong mahina."

Nag-angat ako ng paningin at nakita na nakangiti pa rin siya. I hugged him tightly. Ayoko talagang nakikitang nasasaktan si Wren dahil nasasaktan rin ako. Hindi ko rin naman kasi alam kung paano ko siya icocomfort kaya niyakap ko nalang siya.

Naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik. "Tsk. Dapat nireserve mo yang yakap kapag nandun na tayo sa party. Sigurado akong maiinis si Viex kapag nakita tayo." Naiiling niyang sabi. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at saka siya binatukan.

"Wag ka ngang nag-iimbento!" Naiinis na sabi ko sa kanya. Nakakainis. Sa lahat naman ng pwedeng sabihin, yun pa talaga? Mabilis akong naglakad palayo sa kanya.

"Huy, mangkukulam! Joke lang naman 'yun." Tawag nya sakin habang nakasunod. Hindi ko siya nililingon.

"Hindi nakakatawa yung joke mo, Wren." Inis pa rin na sabi ko.

"Sorry na."

Hindi ko pa rin siya pinansin. Nakakainis naman kasi. Hindi ko na nga siya iniisip at tinatry ko na siyang kalimutan tapos bigla naman niyang ipapaalala. Baliw ba 'tong asong ito?

"Sorry na, Zeira." Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko at ang bahagya niyang paghila sakin. Niyakap niya ulit ako. "See you later." Kinilabutan ako nang bigla siyang bumulong sa tenga ko at mabilis na naglakad palayo. Geez.

--

"Salamat talaga, Yumi at Yuki." Pasalamat ko sa kanila habang nakatingin sa dress na binigay nila sa'kin. It's a white dress na sleeveless. Ang sabi nila, magiging black daw ito oras na lumabas ako ng palasyo. Sinuot ko rin yung cloak ko at inilagay dun yung mask na kulay black. Hinihintay na siguro ako ni Wren sa labas ng palasyo.

"Walang anuman, Missy. Basta po mag-iingat kayo ni Leader Wren." Yumi said.

Tumango ako sa kanilang dalawa at saka sila niyakap. "I promise." Alam na nila ang balak namin ni Wren. Hindi ko rin naman pwedeng hindi sabihin dahil sila lang ang nagbibigay sakin ng dress. "Sige, aalis na ako." Sabi ko pagkahiwalay ko sa kanila. Tumango sila pero lalabas na sana ako sa kwarto nila nang bigla namang may pumasok. Si Syn.

"Syn? Ano'ng ginagawa mo rito?" Seryoso ang mukha niya kaya kinabahan ako. Nasa kwarto ako nila Yumi at Yuki simula kanina dahil kung magsi-stay ako sa kwarto ko at bigla akong lumabas ng nakadress ng magara, iisipin ng mga kawal na aalis ako. Kaya hindi muna ako bumalik sa kwarto ko simula nung lumabas ako kanina para pumunta sa Library.

"I'm sorry, Zy." Seryoso pa rin ang mukha ni Syn kaya nagtaka ako. Nagdala ba siya ng mga kawal dito para hindi ako makaalis? "Kung tumanggi ako sa hinihingi mong tulong. Pero tutulong na ako ngayon." She sighed. Imbis na mainis ay lumapit ako sa kanya para yumakap. Kailangan ko talaga ng tulong niya!

"Salamat, Syn."

"Ano bang gagawin ko?" Tanong nya habang nakayakap pa rin ako sa kanya.

Humiwalay ako sa pagkakayakap at ngumiti lang sa kanya.

--

Nakalubog na ang araw nang makarating kami sa isang tagong bayan na malapit sa Arunafeltz Kingdom. Buti nalang at walang Welsh dito. Mukha kasing sirang bayan na ito.

Ginamit namin yung mga White Dragons na nasa palasyo para mas mabilis makarating dito. Si Syn ang pinag-asikaso ko nun dahil may mga kawal ring nagbabantay dun. Nagkita-kita kami kanina sa likod ng palasyo kung saan kami naglaban ni Wren at saka pumunta dito.

Maiiwan si Syn dito para bantayan yung mga White Dragons habang kami naman ni Wren ang pupunta sa palasyo. Hindi rin naman kasi siya makakapasok dun. Mula dito sa kinatatayuan namin, kitang kita na namin ang isang mataas na gusali na napalilibutan ng maiitim na ulap. May kakunting ilaw pero hindi na makita dito dahil sa sobrang onti nun.

"Sigurado kang magiging okay ka lang dito?" Tanong ko kay Syn habang itinatali namin sa mga puno yung White Dragons.

Tumango siya. "I can handle myself. Basta dapat makabalik kayo dito agad bago pa man sumikat ang araw." Paalala niya. Tumango kami ni Wren.

"Take care, okay?" I said. Tumango rin si Syn.
Aalis na sana kami nang bigla akong pigilan ni Wren. Napalingon ako sa kanya. "Why?"
Bigla niyang itinuro yung leeg niya. Mas lalo akong nagtaka. "Ano'ng gagawin ko sa leeg mo?"

"Uminom ka ng dugo ko." Diretsong sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at saka marahan na lumayo sa kanya.

"Geez, Wren! Alam mo ba ang sinasabi mo?"
Napaiwas ako ng tingin nang unti-unti siyang lumapit sa'kin.

"Hoy lalaki! Ano'ng ginagawa mo?!" Sumugod na rin samin si Syn at pinipigilan niya si Wren.

He tsk-ed. "Hindi natin masisiguro kung ano'ng mangyayari mamaya kaya kailangan handa tayo. Hindi ka pa rin naman ganoon kasanay gumamit ng Light. Kailangan mong uminom ng dugo. At isa pa, nabasa ko kanina na mas malaki yung mareretrieve mong memory kapag sa isang taong malaki ang parte sa alaala mo ikaw uminom ng dugo. And whether you admit it or not, Zeira. Ako 'yun." Dire-diretsong sabi niya. So kaya pala nasa kanya yung libro kanina ng Vampress?

"Ano? Ano'ng ibig sabihin ng siraulong ito, Zy?" Nagtatakang tanong ni Syn. Hindi niya nga pala alam ang tungkol sa past namin ni Wren. Wala naman kasi talagang ibang nakakaalam. Hindi ko muna siya pinansin dahil hindi ngayon ang tamang oras para magpaliwanag.

"P-paano kapag naadik ako sa dugo pagkatapos nito?" Tanong ko na naman.
Umiling siya. "Nagbabalanse ang dugo mo dahil Vampress ka na. Kaya kahit maadik ka sa dugo pagkatapos nito, hindi ka magiging isa sa kanila. You'll still have the control on yourself, Zeira."
"P-paano kapag hindi ko napigilan? Mapapatay kita, Wren!" Natatakot na sabi ko. Mas lumapit pa siya sa'kin.

"Alam kong kaya mong pigilan. May tiwala ako sayo." Nakangiting sabi niya. Nanginginig ang buo kong katawan habang nakatingin sa kanya hanggang sa tuluyan siyang makalapit sa'kin. Bumaba ang tingin ko sa leeg niya at unti-unting  inilapit ang bibig ko dun.

I gulped hard. Ang bango niya pati na rin ng dugo niya. Napapikit ako at niyakap siya. Nararamdaman ko ang paglabas ng mga pangil ko at ang desire na makainom sa dugo niya. Hanggang sa hindi ko na namalayan na iniinom ko na pala ang dugo niya. Tahimik lang si Wren habang ako naman, enjoy na enjoy.

Hindi ko alam pero parang nawala sa isip ko lahat ng problema. Ni hindi ko na yata matandaan kung bakit ako nandito. Parang-- parang nakalimutan ko na rin yatang tumigil.
I'm still sucking the blood out of his body nang maalala ko yung sinabi niya. May tiwala siya sa'kin. Alam niyang mapipigilan ko ang sarili ko.

Nagulat ako nang biglang kusang gumalaw ang katawan ko palayo sa kanya. Umiwas ako ng tingin at tumalikod sa kanilang dalawa ni Syn. Narinig ko nalang ang mahinang mura ni Wren na halatang medyo nanghina dahil sa ginawa ko. At ang paggamot ni Syn sa sugat niya.

"I-I'm sorry!" Sabi ko habang nakatalikod pa rin. Pinunasan ko yung bibig kong may dugo rin.

"It's okay, Zy. Kakaunti lang naman yung nakuha mo sa kanya." She said. Kaya napatingin ako sa kanilang dalawa.

Nakangiti silang parehas sa'kin kaya napangiti rin ako. Hanggang sa maramdaman ko ang pagtindi ng sakit ng ulo ko. And the next thing I knew, I'm hearing voices again. So many voices.

*****
Add me for updates! :)

FB: AleexJin Stories
Twitter: @aleexjin
FB Page: The Heiress

Love,
Jin

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon