26th Haunted

41.8K 1.3K 285
                                    

Haunted

Plans

"You're throwing a party again?" Naia asked while I'm busy with my phone to look for a nice theme.

Nasa pool kami ng aming bahay. Nakahiga ako sa lounger at abala sa aking iPad, si Chey na lumalangoy, si Naia na nasa kabilang lounger at sumisilip ng kaonti sa pinagkakaabalahan ko.

"Yes. And correction, couz... Our graduation party," I smirked and winked at her.

She looked at me blankly. I giggled. She's not excited but I know she's gonna love it!

Naninimbang ang tingin niya sa akin. I can sense it. Alam ko naman na madalang akong magkwento lately. Ni hindi ko pa nasasabi ang tungkol kay Roche ngunit may plano ako na pagkatapos ng party, sa mismong dinner, susurpresahin ko sila.

But I'm not sure if it's a surprise? Lagi naman silang sanay na may pinapakilala ako?

Pinagmasdan ko ang pag-ahon ni Chey sa pool. Pinasadahan niya paatras ang basang buhok at naglakad sa kanyang lounger. Pinulot niya ang towel habang nakatingin ako sa kanyang pwetan.

Chey cupped the one cheek of her butt when she noticed my eyes. She glared at me.

"Anong kabastusan na naman 'yang nasa utak mo, Cassey?" saway niya na ikinagulat ko.

"Wala pa nga! I'm just thinking about something and it has nothing to do with your butt. Ano ako, si Grey?"

She glared at me. Pairap akong natawa at binalikan ang screen ng aking iPad. Tirik na tirik na ang araw ng bagong pasok na Summer. It was a reminder that I need to make a long list of plans not just for myself, but also for Roche and Naia.

I want to focus with Roche this Summer but how about my responsibility as Naia's manager?! Yes she's independent but when it comes to parties, wala siyang ideya kung paano magplano ng ganoon. Oh she'd rather sleep!

"This!" pakita ko kay Roche sa mahaba kong plano nang magawi naman ako sa Warehouse.

Nakaupo ako habang siya ay yumuyuko sa aking likuran. Ang isang kamay ay nakahawak sa aking baywang, ang isa naman ay nakatukod sa gilid ng lamesa kung saan ko inilapag ang aking iPad.

"You're busy..." he lifted his brow.

"We're," I corrected.

Napabaling siya sa akin.

"Marami akong plano sa atin like picnic, go to the beach, travel... Tapos dinner with my parents. Ito 'yung first. The rest ay pwede na kahit anong month after Naia's photoshoot since I don't have school anymore," I smirked confidently.

"But you're not free on August?"

"Yup! May photoshoot si Naia sa Calvin Klein at sasama ako. Why? Mamimiss mo ako?" ngisi ko.

He crouched a bit and planted a small kiss on my exposed shoulder.

"As long as you'll come back to me..." he whispered.

Pairap akong natawa. Wala na sana akong balak sagutin ngunit biglang inikot ni Roche ang swivel chair. I chuckled more when I saw him crouching a bit while his both hands rested on each sides of the chair.

"Of course I'll come back!" mabilis kong sagot lalo na't nagbabanta agad ang kanyang tingin.

"Kailan ulit? Months?" he said playfully.

Ngumuso ako at napapatingin sa sumisilip niyang biceps. Hinawakan ko iyon at pinisil pisil. Tumingin siya saglit doon ngunit ibinalik din agad sa akin.

"Hindi 'no. We have a long list of plans for the remaining months!" sabi ko habang marahang kinakalmot ang kanyang braso pababa at paakyat.

"Set the dinner with your family first before leaving..." parang naninigurado pa ang isang 'to.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon