Chapter 2

590 26 250
                                    

Thank you again @lamellar for all the comments. Sobrang nakaka-inspire ang pagiging active reader mo 😭💗 I love you!

_____

"Chanel!" Nilingon ko si Allen na humahangos palapit sa akin. "O, bakit ikaw lang ang nagdadala niyan?" tukoy niya sa handouts ng MolBio na dala-dala ko. "Nasaan si Chloe?"

"Sumakit ang tiyan, ayun tumakbo papunta sa CR. Kaya ako na lang muna ang kumuha nito." Hindi naman gaanong mabigat. "Kaya ko naman." Kinuha niya ang handouts sa mga kamay ko. "Hati tayo!" angal ko pero inilingan niya lang ako.

"Kuya Yancy!" napaiwas agad ako ng tingin at bahagyang umatras palikod ni Allen upang hindi niya ako mapansin. "Mag-isa ka lang, nasaan si Ate Mariz?"

"Kausap 'yung isa naming professor. Hi Chanel!" Maingat akong nag-angat ng tingin sa kanya. Saglit nagtagpo ang mga mata. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya. It feels illegal.

"Hi Kuya Yancy!" I tried to give the same energy but I failed. Pumiyok ako! Nakakahiya!

"Nagdadalaga na." He chuckled and tapped my shoulder a little. "Bro, sabay na tayong umuwi sa mansyon, ang kulit ni Lyla, hinahanap daw tayo." Aniya bago tuluyang naglakad palayo sa amin, tanging likod niya na lang ang natanaw ko.

"Kuya's trying to be friendly. He's really nice." Ngumiti lang ako kay Allen. "Tara na, baka ma-late pa tayo." Yaya niya sa akin.

"Kapag na-late si Chloe, sasabihin ko na lang na sumakit ang tiyan niya."

"Ano bang nakain nun?"

"Wala naman, baka magkaka-period na."

"Baka nga."

"Allen! Chanel!" Sumabay si Riva sa paglalakad namin. Himala na hindi niya kasama si Mish at Aya.

"Mag-isa ka lang?" puna ni Allen nang mapansin din ang iniisip ko. "Sina Mish and Aya?"

"I don't know." Pilit siyang ngumiti tsaka nagkibit-balikat.

"Nag-lunch na ba kayo?"

"Hindi pa. After na lang ng MolBio." Sagot ko sa kanya.

"Pwedeng sumabay ako sa inyo?" Napakunot ako ng noo. Nagkatinginan kami ni Allen. "If that's okay with you two, and your group I guess... if not, okay lang naman."

"Okay lang naman. Lalabas nga lang kami mamaya, sa karinderya kami kakain. Okay lang ba 'yun sa'yo?"

"What's karinderya?"

Napatingin sa akin si Allen, habang nangingiti. Noong unang beses kasi naming makasabay kumain sina Allen, Kyler at Omar, hindi rin nila alam 'yung karinderya. Hindi na rin naman ako nagulat dahil laki sila sa yaman, mayroon nga akong naging ka-grupo noong first year na hindi alam iyong kinakain kong fishball.

"Lutong-bahay 'yung mga sine-serve nilang pagkain. Kaso baka iba 'yun sa pagkain na mayroon sa inyo."

"I'd love to try it."

"Masarap 'yung kinakainan naming karinderya. Malapit lang iyon sa dorm nila Chanel." Si Allen.

"Really? I'm super excited na! Wala naman na tayong class after MolBio. I think we can bond sa dorm nila Chanel." Suhestiyon ni Riva na halatang-halata ang excitement sa boses.

"Naku!" Umiling-iling ako. "Maliit lang ang dorm namin ni Chloe, actually kaming dalawa lang ang kasya roon."

"Hmm, why not sa condo ko na lang? It's not that far naman here sa univ eh. Remember I told you Chanel na it's the top floor lang of Allen's unit." Tumango ako. "So, sa condo ko na lang? Sunday tomorrow, we can have the rest of the day to just chill and relax away from acads!"

Never Mine To Lose [#1 - ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon