CHAPTER 28

1.2K 33 0
                                    


28th Chapter

 

Ashmiya Michaella


Hindi na ko magkanda-ugaga sa pagdala nitong mga stuff toys na 'to. Kanina pagkababa ko pa lang ng bus, may sumalubong na agad sakin at nagbigay ng isang maliit na stuff toy. Nasa may Business Administration building na ko at di na ko magkanda-ugaga. Sana may makita akong kakilala ko. Nasaan ba kasi si—ayun si Layner!


"LAYNER!"


Napatingin siya sakin. Pinaningkitan pa nga niya ako ng mata, eh. Pero di siya lumapit sakin, dire-diretso lang siya sa paglalakad, di niya ko pinansin. Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita. May galit ba sakin yung tao na 'yon?


"Ella?" napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Earl. Nginitian ko siya bilang pagbati.


"Earl, favor naman, oh. Pwede bang tulungan mo ko sa dala ko? Hindi na kasi ako magkanda-ugaga, eh."


"Hahaha, sige. Langya si Finnley. Matindi!"


Napangiti na lang ako sa sinabi niya.


After nang kaunting paglalakad, natatanaw ko na ang building namin. Kinuha ko na kay Earl ang pinahawak ko sakanya, nagpasalamat ako at umalis na rin siya pagkatapos.


"Ella, may nagpapabigay nito, oh," napatingin ako kay Fea na may hawak na paper bag. Tinulungan niya kong ilagay yung mga maliliit na stuff toys sa loob non.


Bago naman kami dumating sa classroom, may nakita kaming human sized teddy bear. Tumingin lang ako kay Fea, pero isang ngiti lang binigay niya sakin. Ibinaba ko muna ang dala-dala ko at lumapit ako sa human sized teddy bear. Literal na kasing size talaga siya ng isang tao. Niyakap ko ito nang mahigpit.


"Ashmiya Michaella Cortez Esteban, Happy Monthsary!" lumuwag ang pagkakayakap ko sa human sized teddy bear. Sakanya ba galing yung boses na 'yon kanina?


You're a falling star, you're the get away car.

You're the line in the sand when I go too far.

You're the swimming pool, on an August day.

And you're the perfect thing to say.


Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Napangiti ako bigla. Nakita ko si Calyx sa may dulo ng hallway, malayo siya sa kinaroroonan ko pero alam kong siya yun dahil sa boses niya. He is singing while dancing. Hahaha, how cute!


And you play it coy but it's kinda cute.

Ah, when you smile at me you know exactly what you do.

Baby don't pretend that you don't know it's true.

'cause you can see it when I look at you.


Sa bawat lyrics ng kanta, napapangiti ako lalo. Kinikilig ako, pakshet. Bakit ang daming alam ni Calyx?!

Her First and Last Love (Completed)Where stories live. Discover now