Kabanata 18

79.6K 2.9K 3.6K
                                    

***





Ilang beses ko nang tinangkang tawagan sila mama at papa pero sa huli ay hindi ko rin nagawa. Ilang araw ko nang iniisip kung paano sila kakausapin, lalo na ang parents ni Zahira. Anong sasabihin ko? Makikipaghiwalay ako sa anak nila kasi nakita ko siyang kayakap niya ang kaibigan ko without any proof? Edi, sana pala I took a picture of them bago ako umalis noon?





"Tangina," mura ko at binato ang maliit na stick sa damuhan.




Nasa field ako ngayon. Maraming puno ng kahoy sa gilid kaya rito ako pumunta, mahangin, nakakarefresh ng utak. Mag-isa ko ngayon dahil wala namang akong ibang kaibigan kundi si Pam, sila Peter naman ay may klase.





"Napapadalas ata ang pagiging loner mo, Ms. Garcia."




Napatingin ako kay Aldrich na ngayon ay nakatayo,nakangiting nakatingin sa akin. May hawak siyang isang maliit pero medyo makapal na libro.




"Wala kang klase?" Tanong ko na lang sa kaniya.



"Tapos na. Aalis na nga sana ako para sa part time job ko pero nakita kita rito. How are you?" Naupo siya sa tabi ko at nilapag din ang hawak na libro sa upuan.




"I'm fine, I guess." Kumibit-balikat ako. "Ikaw? Natutulog ka pa ba?"





Natawa siya nang bahagya, "of course, kulang nga lang, but that's okay. Mamamatay rin lang naman."



Natawa na rin ako dahil sa huling sinabi niya, "gago. Sige na. Baka malate ka sa work mo. Don't mind me. Gusto ko lang talagang mapag-isa ngayon." Sambit ko.




"Are you sure? Teka," may kinuha siyang ballpen sa bulsa niya at nagsulat sa kaninang hawak niyang libro saka iyon pinunit. "Here's my number. Kung kailangan mo ng kausap just call me. Okay?" Saad niya at nagpaalam ng umalis.



Muli kong sinandal ang likod ko sa upuan habang pinapanood ang mga estudyanteng naglalaro ng soccer. Medyo malayo ang pwesto ko kaya malabong matamaan pa ako ng gamit nilang bola, ang tanga naman nila kung ganoon.





"Ember, kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala."




Napapikit ako nang marinig ang boses ni Pam. Pumasok na pala siya. Huminga ako nang malalim at pilit itinago ang inis na nararamdaman bago ako humarap sa kaniya. Napakunot ako ng noo dahil naweirduhan ako sa suot niya. Ang init dito sa labas but she's wearing long-sleeve, hindi rin naman siya mahilig magsuot ng ganoon kaya nakakapanibago.




"Tangina mo," malutong kong mura sa kaniya kaya nagulat siya lalo na't ang seryoso ko ngayon.




"S-sorry na, Ember, my friend. Hindi ko kasi hawak ang phone ko kaya hindi ko nasabi sa 'yo kung bakit ako absent ng ilang araw."




She's lying. Nagawa nga niyang tawagan si Zahira, nagawa nga niyang papuntahin ang prof namin doon sa hospital.




"I miss you, Ember, my friend! Sobrang namiss kita!" Sigaw niya at dali-daling lumapit sa akin saka ako niyakap nang sobrang higpit.





"Nasasakal ako," reklamo ko. Natigilan ako nang mapansing parang humihikbi si Pam kaya nagtaka ako. "Umiiyak ka ba?" Tanong ko rito at humiwalay sa yakap niya para matignan ko siya. Tama nga ako. Pam is crying.




"Namiss nga kasi kita. I missed you so much." Hagulgol nito kaya napatingin ako sa paligid, may ilan ng nakatingin sa amin ngayon.




"Tahan na." Tipid na sambit ko saka siya niyakap.



Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon