CHAPTER 22

1.4K 40 1
                                    

Nang bumyahe na kami ay agad siyang nakatulog habang ako ay hindi padin matigil ang pagtibok ng aking puso dahil sa mga nangyari kanina lang.

Habang nagmamaneho ay hindi ako makapag focus, dahil halo halong emosyon ang nararamdaman ko. May takot, tuwa, iniisip ko din kung paano ko siya kakausapin bukas.

Ilang minuto ang dumaan ay nakarating din kami sa bahay niya. Ang problema naman ngayon ay paano ko siya gigisingin, mukhang ang sarap ng tulog.

"Aiko..." mahinang tawag ko. Tinapik ko ang kaniyang balikat, gumalaw ito pero nananatili padin nakapikit. Nag iba lang siya ng pwesto ng mukha pero hindi parin siya gumising.

Hahayaan ko nalang muna sana siya na matulog dito pero napansin kong sobrang uncomfortable ng posisyon ng leeg niya. Napagdesisyunan kong bumaba ng kotse upang tumungo sa kaniyang kinauupuan.

Pagkabukas ko ng pinto ng kotse ay muli kong pinag isipan ang balak kong gawin. tangina kaya ko ba to? di kaya magalit siya?

Binahala ko nalang ang lahat ng mga tumatakbo sa aking isip atsaka dahan dahang pinalibot ang kaniyang braso sa aking leeg.

Kinakabahan kong hinawakan ang kaniyang bewang at sa kabilang braso ko naman ay ang kaniyang alak alakan. Agad bumilis ang pagtibok ng aking puso nang maamoy ko ang kaniyang pamilyar na pabango dahil sa sobrang lapit niya sa akin.

Nagkusa ang kaniyang ulo na pumatong sa aking balikat na nagbigay ng galak sa aking puso. Hindi naman siya masyadong mabigat pero ang hirap pala nito. ihulog ko nalang kaya. dejok.

Hindi ako familiar sa bahay niya kaya tumungo nalang ako sa living room dahil iyon ang pinaka malapit pagkapasok ko. Dahan dahan ko siyang inihiga sa sofa, pagkatapos ay inistretch ko ang aking mga nangalay na braso.

I looked around the house while stretching my shoulder. ang laki naman ng bahay niya, siya lang mag isa dito?

Muntikan na akong mapatalon sa gulat nang may bigla akong naramdaman na balahibo sa aking paanan. may aso pala siya.

Lumuhod ako para hawakan ang aso. Sobrang cute nito, mabilis din siya napaamo sa akin. The dog whimpers which made me confused.

"Bakit? Anyare sayo?" luh gagi baka mamaya pagalitan ako ni Aiko dito, wala naman akong ginagawa. Lumingon siya sa kaniyang kanan kung saan naroroon ang kaniyang amo. baka gusto niyang tumabi kay Aiko?

"Gusto mo tumabi sa kaniya?" tanong ko. Agad niyang nilabas ang kaniyang dila habang nakangiti ang labi nito. Nakangiti ko siyang binuhat at dahan dahang inilagay sa tabi ng kaniyang amo.

Natuwa ako nang pagkahiga na pagkahiga niya palang sa tabi ni Aiko, ay dinilaan niya na kaagad ang mukha nito. Gumalaw ang katawan ni Aiko na ikinakaba ko naman.

"Let's sleep Clingy." mahinang sambit ni Aiko. Clingy? Name ba yun nung aso? Niyakap niya si Clingy habang nananatili paring nakapikit ang kaniyang mga mata.

May nakita akong kumot sa kabilang upuan kaya agad ko itong kinuha at pinatong ito sa katawan ni Aiko. Napatingin naman sa akin si Clingy na nagpataas ng aking mga kilay.

"Shh, wag ka maingay. Tulog na si mommy mo." bulong ko sa aso.

I looked at Aiko's face while she's peacefully sleeping. We haven't talked about what happened a while ago. She kissed me. She did. Will she still remember the things that happened? Or will she deny it?

That thoughts saddened me. I removed some strands of her hair covering her face, but then my fingers end up in her lips. god how i wish i could feel this lips again.

Inalis ko kaagad ang aking daliri sa kaniyang mga labi nang ma realize ko ang aking ginagawa. should i go? Yeah I should.

I was about to walk away when I felt a hand in my wrist stopped me. My heart beats faster than its normal beat. Because there's no other person in the room, it's just me and her.

When I Met You (GXG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon