Kabanata 19

85.9K 3.4K 3.8K
                                    

***







"Hoy, Ember! Lalim ng iniisip mo, ah. Narating mo na ba ang climax?"






Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin iyong huling sinabi sa akin ni Zahira sa CR ng coffee shop. Hihintayin ko raw si Pam hanggang sa maging ready siyang sabihin sa akin ang rason niya. Habang iniisip iyon ay parang hindi ko na magawang hintayin pa si Pam maging ready dahil tila unti-unti akong pinapatay ng kuryosidad.






"Hoy, Setyembre! Ungol ka na lang kapag tapos ka na mag-isip-isip."






"Huy!"





"Ano ba?" Inis na sambit ko at napasapo sa noo kong pinitik ni Sweden. "Problema niyo?"






"Ikaw? Anong problema mo? Kanina ka pa namin kinakausap pero ang lalim ng iniisip mo. Masyado mong iniisip si
Ma'am Zahi. She's all yours, Setyembre." Sambit ni Kael habang pinaglalaruan ang lollipop sa bibig nito.






"Shut up, El, kung ayaw mong ipalunok ko sa 'yo ng buo 'yang hawak mong lollipop." Pagbabanta ko pero ni hindi man lang siya natakot.





"So, ayon nga, Ember. Malapit na ang birthday mo at balak ka naming isurprise—aray, gago. Tangina niyo, ba't ba kayo nananapok?" Reklamo ni Peter habang kinakamot ang sinapok nila Sweden.





"Bakit mo sinabi? Edi, hindi na surprise."





"Oo nga, 'no?" Peter scratched the back of his head. "Kuwanri wala kang narinig, Ember."





"Gago," I laughed. "You don't need to surprise me, you know? Wala rin naman akong balak i-celebrate ang birthday ko. Isa pa, next month pa ang birthday ko. Mas excited pa kayo sa magb-birthday." Sambit ko.





Nandito kami ngayon sa canteen ng school. Si Pam ay pumunta sa isa naming prof para makabawi sa quiz niya na hindi niya natake dahil sa pag-absent niya.





"2 weeks na lang bago mag-setyembre. Malapit na 'yon."




"At hindi pwedeng hindi natin icelebrate ang birthday mo, kung ayaw mong i-celebrate, edi kami ang magcecelebrate. Doon tayo sa beach resort nila Peter."





"Ayan, desisyon na naman kayo. Baka gusto niyang ipaalam muna kay daddy?"




"Kayo ang bahala, basta ako hindi ako pupunta." Sambit ko kaya napunta sa akin lahat ng tingin nila.




"Isasama namin si  Ma'am Zahira." Pakindat-kindat na sambit ni Sweden.





"Hindi 'yon sasama. Asa naman kayo kung mapapasama niyo siya."





"Sumama nga siya noong nagbar tayo."





Umirap ako dahil doon. Paano nga kapag sumama si Zahira sa kanila kahit wala ako? Eh, ano naman ngayon?





"Magcecelebrate kayo kahit wala ako?" Tanong ko.





Ngumisi sila, "aba, syempre. Kaya pumunta ka na."





Kakaiba talaga itong mga gagong ito. Dapat ako iyong nag-aaya sa kanila dahil ako ang may birthday pero tignan mo't sila pa ang nagpaplano sa mangyayaring celebration.





"Invited ka naman, Ember."





Napailing-iling na lang ako dahil sa kagaguhan nila.






Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon