Anna (49)

8.8K 422 100
                                    

Guyabano juice, cucumber lemon juice, o milk na lang ulit?

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa tatlong basong nilapag ng waiter sa mesa. Buffet breakfast ito at dapat nagkukusa akong kumuha ng sarili kong pagkain pero nag-alok si Kuya na ipagkuha at bitbit ako. Papalag pa ba ako sa ganoon?

Naawa yata siya sa kaliitan ko at naisip niyang, wrongly of course, hindi ko kayang dalhin lahat nang mga pinili kong food. 'Yan rin talaga minsan ang kagandahan sa pagiging maliit. Kusang nagpapaalipin ang mga matatangkad sa iyo.

Napangisi ako sa huli kong naisip. Kung nakikita lang ni Cole ang mga thought bubbles ko iilingan lang ako noon at iikutan naman ng mga mata nang supladong Theo. Pareho silang matangkad at madalas na nagpapaalipin sa akin. Reklamador nga lang si Theo kaya nakakairita rin minsang utusan.

Sumeryoso din ako agad at muling tinitigan ang tatlong baso. Serious business ang pagpili ng inumin. Dito nakasalalay ang kinabukasan ng lalamunan ko kapag nasamid ako. Kaya dapat masusing pinag-iisipan.

Katulad nang masusi mong pag-iisip sa university na papasukan at kursong kukuhain?

Nang-uuyam ang tono ni Sungayan habang pinapakintab ang hook ng kanyang buntot. Nasa likod niya lang si Pakpakan, wringing her dainty hands in agitation.

Nakakainis itong dalawang ito. Minsang-minsan na nga lang sumulpot, iniimbyerna pa ako. Bakit hindi naimbento ang sapak para sa sariling konsensiya? I could use it right now.

I let out a long, sorrowful sigh as I considered my beverage options again.

I'm diverting my attention away from major issues about my future by focusing on trivial matters such as what drink to have for breakfast. Alam ko naman iyon. Hindi na kailangang ipangalandakan pa ni Sungayan sa akin.

What good is it to think about things I can't control? Mababago ba nang pag-iisip nang malalim ang katotohanang dukha lang ako at hindi ko afford ang kalayaang pumili nang kung sino at ano ang gusto ko maging balang araw?

Isa pa, bakit ako magrereklamo sa University of Saint James? Base sa mga testimonials at reviews na nababasa ko sa mga forum, reputable university naman siya. May kamahalan nga lang at nasa dulo yata nang mundo pero hindi naman iyon issue sa akin. May manlilibre naman ng pag-aaral ko at doon din naman papasok sina Cole at Theo. Nothing is far away as long as I have those two with me.

At, ano ngayon kung ayaw ko sana ng premed courses dahil hindi ko pinangarap maging doktor? Ang importante magkaka-diploma ako. Nang libre! I-stress natin 'yan kasi malaking factor siya sa mga decision ko sa buhay ngayon.

So, dahil may mga bagay sa buhay ko na wala akong choice, ito na lang muna ang pagtutuunan ko ng pansin. At least dito, kahit kaunti, may kalayaan akong pumili.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang tatlong baso at nagdesisyon.

"Langga." Nabitiwan ko sana ang baso ng guyabano sa gulat kung naabot ko na iyon bago pa may magsalita.

Lihim akong napangiwi. Kilala ko ang may-ari ng boses at iisang tao lang naman ang tumatawag sa akin nang ganoon—ang mommy ni Cole.

Mabilis akong lumingon sa direksyon ng boses. Yep. Nanay nga ni V. Nakaporma na ito habang ako ay naka-pajama pants pa rin. Mabuti na lang nagpalit ako ng T-shirt at hindi bunny slippers ang sinuot ko. I don't pay much attention to my appearance most of the time, but Senora Esmeralda Orizaga makes me aware of it whenever I'm with her. Kahit wala naman siyang sinasabi.

Naupo siya sa harapan ko at sinamahan ako sa mesa na lihim kong ikinabuntong-hininga. Anim na taon na akong pabalik-balik sa bahay niya at halos doon na tumira pero naiilang pa rin ako sa kanya. I'm still worried she'll throw me out for some transgression or something. Mothers have always been like that to me. I wouldn't be surprised if Tita Ezzie is not different.

Kiss Me, Cole (Book 1) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon