CHAPTER 31

12.9K 657 90
                                    

Domineering CEO

"SERYOSO ka?" histirikal na tanong ni ate Angelica pagkatapos kong sabihin sa kanya ang napagdesisyonan ko.

Seryosong tumango naman ako. Ilang araw ko ring pinag-isipan iyon pero napagtanto kong ito na ang pagkakataon kong maitama ang mga maling desisyon ko noon.

"Buo na ang desisyon ko, ate. Kakilala ko naman ang dalawa sa magiging katrabaho ko, so hindi naman ako mahihirapang makapag-adjust. Isa pa ay mas malapit dito sa apartment ang kompanyang iyon. Hindi ko na kailangang lumipat pa ng matitirahan."

"Paano naman ang pagtuturo mo? Itatapon mo na lang ba ang apat na taon na pinag-aralan mo?"

"Hindi naman iyon matatapon dahil magagamit ko rin naman ang general knowledge na natutunan ko. At saka ito ang gusto kong gawin, ate."

Bumuntonghiningang pumikit siya saka sumandal sa sofa. Ikinuwento ko rin sa kanya ang tungkol kay Sir Joefel at Vanessa. Sinabi kong nakita kami by chance.

Tumawag na ako kahapon kay Sir Joefel para tanggapin ang alok niya. Natuwa naman siya at sinabing puwede na akong makapagsimula bukas. Ang sabi pa ni Sir ay hindi ko na kailangang dumaan sa interview dahil pinayagan siya ng HR na mag-direct hire ng empleyado sa department na hawak niya. May pangalan pa naman ako sa system ng Bustamante Prime noong nagtrabaho ako sa Omega Towers. Kailangan ko lang mag-submit ng additional documents sa HR para ma-update ang data ko. Ang gara pala ng posisyon niya sa kompanya.

"Hindi naman kita pinipigilan sa gusto mong gawin. Ang akin lang naman ay paano kung malaman nina Tiyang Solome na hindi ka pala teacher dito? Ano na lang ang sasabihin nila? Baka ma-disappoint sila."

Hinawakan ko ang mga kamay niya saka pinisil iyon. Akala ko mahihirapan akong makumbinsi ang pinsan ko. Nag-isip pa naman ako ng makabagbag damdaming dahilan para payagan niya ako.

"Huwag kang mag-alala, ate. Ako na mismo ang magsasabi sa kanila. Pero hindi pa sa ngayon. Hindi mo na ako kailangang pagtakpan pa."

Pinisil niya ako sa pisngi.

"May magagawa pa ba ako? Mukhang hindi na talaga magbabago ang isip mo, e. Hala, sige. Kung diyan ka masaya, e 'di go. Ang mahalaga naman ay gusto mo ang ginagawa mo at hindi ka napipilitan lang."

"Salamat, ate."

Tinitigan niya ako na para bang nakahinga siya nang maluwag.

"Alam mo bang bilib ako sa 'yo? Kasi sa kabila ng nangyari sa 'yo nagagawa mo pa ring ngumiti nang totoo. Kahit madalas wala kang sense kausap pero ang strong mo. Pero 'wag mong kalilimutan na kung kailangan mong umiyak minsan, iiyak mo lang. 'Wag mong iponin sa loob mo ang sakit, hmm?"

"Ang drama mo naman, 'te. Okay lang naman talaga ako. Isa pa, wala namang magbabago sa sitwasyon kung mag-iiyak ako araw-araw. Ang magagawa ko na lang ay itama ang mga mali ko noon."

"Tama ka. Nag-mature ka na talaga! I'm so happy for you!" ani ate sabay pisil sa ilong ko.

"Oy, pero baka umuwi na ang kaibigan ko anytime soon. Kaya maghanap ka na ng bagong apartment malapit sa workplace mo. Kung hindi ka naman makahanap, puwede ka namang bumalik sa bahay. Iyon nga lang ay titiisin mong magising nang maaga palagi kung ayaw mong maipit sa traffic. Medyo malayo pa naman sa bahay ang sinasabi mong Bustamante Prime," pagkuwa'y sabi ni ate.

Napatigil ako pero agad din namang tumango sa kanya.

"Sige, 'te. Magtatanong-tanong ako kay Vanessa. Baka merong bakante sa tinutuluyan niya."

"Nice. Pero magdoble ingat ka pa rin sa kompanya kahit na may kakilala ka roon. Alam mo naman ang panahon ngayon, maraming mga utak-talangka sa paligid. Baka mapag-initan ka. Gawin mo lang ang trabaho mo palagi."

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon