30th Haunted

40.2K 1.3K 520
                                    

Haunted

Move-on

Noong pinlano kong makipaghiwalay, alam kong masakit iyon. But I never expected that it would hurt to the core.

My mother knows about my plan. Kaya noong nakitang namumugto ang mga mata ko, pagod na ngiti ang kanyang naibigay at niyakap ako.

"Do you want to throw a party or something?" bulong niya at mukhang pampalubag loob nalang sa sakit.

"Mom! Para namang nagcelebrate ako dahil hiwalay na kami!" I said in a teary eyed.

She copied my dramatic expression and whispered again.

"Let's have some wine then while having dinner?"

Humingos ako at tumango. I badly needed it! Nasa sala na ako, humihingos at naiirita sa pagiging madrama ko habang si Mommy ay nag-uutos sa katulong para ilabas ang mamahaling wine na nasa cellar.

"Hon... Do you want to invite your cousins?" si Mommy na sumilip saglit sa akin habang hawak niya ang kanyang phone at mukhang may katawagan pa.

"Or sila Hailey?" she abruptly added.

Madrama akong umiyak kaya natataranta niyang ibinalik ang phone sa kanyang kamay.

"I told you she broke up with her boyfriend and I need you to come home, Vlad!" si Mommy na palakad lakad at parang na-stress.

"Dalawa lang kami. She doesn't want to invite her friends to come over. Yes! Kahit sila Naia. Parang ayaw niya." Tumingin si Mommy sa akin saglit at problemadong nahipo ang ulo.

Ipinatong ko ang aking mga paa sa sofa at niyakap iyon. I buried my face against my knees and cried miserably.

"We'll have wine and... no... she doesn't want to throw a party. I suggested that too!" medyo humina ang tinig niya ngunit rinig ko ang pagkakadiin nang lumakad siya palayo.

Noong namatay ang tawag ay muling naglakad si Mommy palapit sa akin. Madrama siyang tumabi at muli akong niyakap. She kissed the side of my head and caressed my back.

"We'll drink. Hintayin lang natin ang Daddy mo para tatlo tayo, hmm?"

I nodded weakly. Muling tumayo si Mommy at ch-in-eck ang nakahandang wine sa labas. Noong lumabas ako, doon ko napansin na may candles pang nakalutang sa pool at meron din sa mahabang mesa.

"Come here..." si Mommy na hinila ako patungo sa upuan at ipinaghila rin ako.

Tamad akong umupo at tiningnan kung paano siya nagsalin ng wine sa wine glass. Humilig ako sa mesa at tumitig sa kawalan.

"Oh! Your father is already here!" she announced happily.

Nawala siya sa aking tabi at mukhang sinalubong ang pagdating nito. Ilang minuto lamang ay naramdaman ko na si Daddy sa aking likuran. Yumuko siya at humalik sa gilid ng aking noo.

"I thought you don't cry after break-up?" his brow raised.

Mabilis na sinapak ni Mommy ang braso ni Dad. Inilapag niya ang bouquet na bulaklak sa aking harapan at ngumiti.

"For you..."

I sighed and smiled a little. Itinabi ko ito habang si Mommy ay ipinaghihila na ng upuan ni Daddy.

"Kanina pa 'yan ganyan..." sumbong niya.

Nailing si Daddy at umikot sa kabila para doon umupo paharap kay Mommy. I sipped on my wine while they're staring at me weirdly.

"So..." tikhim ni Dad. "Do you want to party? Tomorrowland?"

Kita ko ang medyo pagtutol ni Mommy ngunit siguro dahil na rin nagdadrama ako, hindi agad makatanggi.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon