Kabanata 20

91.2K 3.2K 3.3K
                                    

***







"What if magtampo kami?"




"What if umiyak na kami?"




"What if magdabog kami?"





"What if tusukin ko 'yang mga mata niyo ngayon at salpakan ko ng bato 'yang bunganga niyo nang matahimik na kayong mga galunggong kayo?" Dire-diretsong sambit ko dahil sa inis kila Sweden na kanina pa ako hindi tinatantanan.





Halos araw-araw na lang ata ay pinipilit nila akong magcelebrate ng birthday ko sa susunod na sabado. At araw-araw ring may invitation card sa bag ko, paiba-iba pa nga ng design pero ganoon pa rin iyong nakasulat na 'You are invited to celebrate your birthday with us'. Gusto ko silang tuktukan isa-isa dahil sa effort nilang pagkumbinsi sa akin.





"Wala 'to, KJ. Tara na nga. Hoy, Pam, bahala ka na riyan sa kaibigan mo. Hindi namin 'yan kilala." Sambit ni Sweden at sabay-sabay na silang umalis nila Peter at Kael.




"Mabuti naman at aalis na kayo, kung kanina niyo pa sana ginawa—"




"Oops," putol sa akin ni Kael at nilapit sa mukha ko ang isa na namang invitation card, bago na naman ang design no'n. Ang dami nilang baon.




"You are invited to celebrate your birthday with us!" Sabay-sabay na bulalas nilang tatlo habang nakaharap sa akin ang tig-iisa nilang hawak na invitation card.




Napapikit na lang ako at napahilamos dahil sa kakulitan nila.





"Isang invitation card pa at hindi na talaga ako sasama sa inyo para icelebrate ang birthday ko." I said while glaring at them.





Saglit silang natahimik na tila nagloloading pa sa kanila iyong sinabi ko. Maya't maya'y muli silang lumapit sa akin, "sasama ka na? Magcecelebrate ka na ng birthday mo? Hindi 'yan joke?" Sunud-sunod nilang tanong.




I exhaled, "bakit ba kasi gustong-gusto niyong icelebrate ang birthday ko?"





"Para may rason kaming pmunta sa beach resort nila Peter—aray!" sambit ni Kael na agad binatukan nila Sweden.





"Lumayas kayo sa harapan ko kung ayaw niyong matusok 'yang mga mata niyo gamit ang stick na hawak ko." Banta ko sa kanila.





"What if mabubulag kami—charot lang. Sige, bye, Ember, Pam." Si Peter na ngayon ay kinakaladkad na no'ng dalawa kaya kami na lang ni Pam ngayon ang naiwan rito sa field.





"They really want to celebrate your birthday, Ember. Bakit ba kasi ayaw mong magcelebrate?" Tanong ni Pam habang nakatngin sa akin, kunot ang noo.




Kumibit-balikat ako. "I just don't feel like celebrating my birthday, Pam. Hindi ko alam. Parang mas gusto ko na lang sa bahay at walang gagawin."




"Sasabihan ko sila para hindi ka na pilitin."





"No, it's okay. Nakapag-oo na ako kanina. I'll give it a try, baka mag-eenjoy rin ako." Sambit ko na lang.





Napatingin ako sa mga nagdadaang estudyante malapit rito sa field. Madaming estudyante ngayon sa labas dahil lunch time. Napukaw ang atensyon ko sa mga estudyante nang makita ko si Zahira kasama si Sir Jacob, they are talking. Ano naman kayang pinag-usapan nila?




"'Yang mata mo, Ember." Rinig kong sambit ni Pam pero hindi ko siya pinansin. "Hoy, saan ka pupunta?" Habol niya nang bigla na lang akong lumayas at lumapit kila Zahira.




Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon