Chapter 47: Grand Blood Feast Celebration

50K 1.1K 60
                                    

Chapter 47: Grand Blood Feast Celebration


Walang puno, mga halaman o bulaklak na makikita sa Arunafeltz Kingdom. Actually meron naman. Puro patay nga lang. Inilibot ko pa ang mga mata ko at wala akong ibang makita kung hindi itim at pula. Probably, blood.

Walang bantay sa pinakagate nito kaya nakapasok kami ng walang kahirap-hirap. Mula sa nilalakaran namin, naririnig ko na ang usapan ng mga vampires sa Great Hall. At masasabi kong ang dami dami nga nila.

Napahinto kami nang makarating kami sa malapit sa pintuan ng Great Hall. Dahil sa isang pila. May mga kawal na nakatayo at mukhang mga goons sa mismong tapat ng pintuan. Mukhang dito yata kami sasablay ah.

'Wren, paano tayo makakapasok diyan?' I asked Wren in my mind. Bago kami pumasok sa teritoryo ng kalaban, gumamit ako ng isang spell kung saan makakapag-usap kami ni Wren sa isip. Hindi kasi pwedeng basta-basta nalang kamingkaming mag-usap dito. Siguradong mahahalata nila kami.

Pasalamat nalang talaga ako kay Wren dahil pinainom niya ako ng dugo niya. Halos 30% kasi ng memory ko, bumalik na sa'kin. Halos lahat ng naging trainings ko dati, naaalala ko na ngayon. Pero syempre, kasama rin doon yung samin ni Wren.

'Just stay beside me. Ako nang bahala.' He said. Mas lumapit naman ako sa kanya at ipinulupot ang braso ko sa braso niya. Parehas kaming black ang suot at may kapartner na black mask. Naka suit siya at dress naman ang akin na umaabot hanggang sa thighs. Makapal rin ang make up ko para hindi ako masyadong makilala. True enough, naging black nga yung dress na binigay sa'kin nila Yumi at Yuki pagkalabas ko ng Lairhart. Iniwan ko rin muna yung cloak ko kay Syn.

Nang turn na namin ay dire-diretso lang dapat kaming papasok pero pinigilan pa rin kami ng isang kawal na Vampire.

"Do you have an invitation?" Tanong samin nung kawal na isa. Kitang kita ko ang pangil niya habang nakatingin ng malagkit sa'kin. Parang gusto ko na tuloy masuka. Marahan akong inilayo ni Wren sa kanya.

"We accidentally burned it out. But we received one." Wren said. Napakasama ng tingin niya dun sa kawal na parang gusto na niyang tanggalan ng ulo. Wag niyang sabihing badtrip na naman siya?

Napatingin rin ako dun sa kawal na manyak kung makatingin na mukhang hindi kumbinsido. "That's true."

Kumunot ang noo nito. "You can't go inside if you don't have an invitation." Nainis ako nang bigla itong nagsmirk.

"I'm a vampire. And as far as I know, all the vampires are invited in the annual Grand Blood Feast Celebration." Giit ko pa. Pero umiling pa rin ito. E kung patulugin ko kaya ang pangit na 'to?

"But you still have to present to me your invitation. I'm just following orders from the King." sabi pa nito. Kainis! Kung hindi lang talaga nasunog yung invitation!

'Chill.' Wren said. Napatingin ako sa kanya at saka dun ulit sa kawal. Naririnig ko ang ilang reklamo mula sa likod namin dahil nakakapagcause na kami ng delay sa pagpasok nila.

"Look, Sir. I and my husband came from Dark Neriva just to go here. And now, you're not letting us in just because of a useless piece of paper?!" galit na sabi ko. Nalaman kong may mga vampires pa palang nasa Dark Neriva na mas piniling wag makialam sa mga kalahi nila. Nasa pinakasouth ito ng Othereworld at malayong malayo dito.

Mukhang nagulat naman siya at bigla siyang nagbow sa'kin. "I-I'm sorry, Madame. You may now go inside." Sabi niya and motioned to the door. Bigla naman itong bumukas. Pero bago pa man kami makapasok ay tinawag kami ulit nung kawal. "I'm sorry, Madame but is your husband also a vampire?"

Napatingin ako nang biglang umiling si Wren. "I'm a wolf." He said, intently.

Tumango naman yung kawal at saka kami naglakad papasok sa loob.

'Husband, huh?' Narinig kong sabi ni Wren. Nang mapatingin ako sa kanya ay ang lapad ng ngiti niya. Sumimangot lang ako at tumingin sa dinadaanan namin.

'I had to tell him that.' Inis na sabi ko. Sana naman wag niya akong asarin tungkol dun buong gabi.

Puro torch lang ang nagsisilbing ilaw dito sa loob ng Great Hall. Kinailangan ng madaming torches para lang lumiwanag dahil sa sobrang laki nitong venue. Puro matataas na tables din ang nasa paligid na katulad ng mga table sa mga bars sa Mortal World at nasa gitna ang dance floor. Walang mga pwedeng upuan kaya naghanap kami ng pwedeng maging table. Habang naglalakad, puro nakakatakot na rebulto ang nakikita namin sa bawat sulok nitong Great Hall. Ang creepy tuloy.

"Drinks, Sir? Madame?" May lumapit na tagapagsilbi samin na may hawak na tray ng mga dugong nakalagay sa kopita pagkarating namin sa medyo dulong table na maliit. Ngumiti ako rito at kumuha ng isa. Ganoon rin naman si Wren.

Naglibot ako ng paningin. Mukhang kakaumpisa lang ng party dahil kakaunti palang yung nagsasayaw sa dance floor. Iinumin ko san yung dugong kinuha ko kanina nang biglang kunin ni Wren yung kopitang hawak ko.

Tumingin ako sa kanya ng nagtataka pero unti-unti lang siyang umiling kaya umirap nalang ako. Ibinaba niya sa table namin yung mga yun at saka inilahad ang kamay sa'kin. Inaaya na naman niya akong sumayaw pero tinignan ko lang siya.

'We're not here to dance, Wren.'

Siya naman ang biglang sumimangot. 'Isa lang e.'

'Wag kang makulit.'

'Tss.'

"Zy!" Napalingon kami parehas nang may tumawag sa'kin. Nagmamadali siyang naglakad papunta sa table namin ni Wren. Napangiti naman ako nang mamukhaan ko siya. Kilos palang, alam ko na.

"Mishie." Banggit ko sa pangalan niya. Nakalong bloody red gown siya na umaabot hanggang sa sahig na may gown spaghetti strap na pinartner-an ng isang red shimmering mask.

Agad akong nagcast ng isang Shield Spell sa isip ko para hindi marinig ng mga Vampires dito ang usapan naming tatlo.

"Did you receive my message?" Tanong niya agad. Tumango ako.

"Binigay sa'kin ni Syn 'yung message mo. Nakuha niya raw sa kwarto ko." Nakangiti kong sabi. I can't believe na naisip kong traydor si Mishie. Kanina kasi nung sinabi ko kay Syn yung favor ko sa kanya, may binigay siya sa'king crumpled paper na nakita niya raw sa kama ko nung pumunta siya dun. It was Mishie's letter. Nakalagay run na magkita kami sa mismong palasyo ng Arunafeltz para matulungan niya akong mabawi yung libro. Hindi ko alam kung paano niya ako tutulungan ngayon pero laking pasasalamat ko na hindi siya isa sa mga masasamang Vampires dito. She's still the same Mishie that we all know.

"That's good." She said, smiling. "I'm really sorry kung nahuli yung letter na 'yun. Nagpatulong lang kasi ako kay Nijel at may iba pa akong inasikaso sa Mortal World." She explained.

"Okay lang, Mish."

"So what's the plan?" Nakatingin lang kami ni Wren kay Mishie at hinihintay siyang sabihin ang plano niya. Sa totoo lang kasi, wala naman talaga akong idea kung saan nila tinatago yung libro kaya hindi ko alam kung saan uumpisahang maghanap.

"Any minute now, lalabas na ang hari at lahat ng atensyon, siguradong sa kanya mapupunta. Kapag nangyari yon, Zy," tumingin siya sa'kin. "Kailangan mong pumunta sa pinakatuktok ng Arunafeltz Palace. Pumasok ka sa kulay red na pinto na makikita mo sa kanan. Don nakatago yung libro." Tuloy-tuloy na sabi niya. Napatango nalang ako kahit na hindi ko maiwasang magtaka. Paano niya nalaman ang mga ganitong bagay? Pumupunta ba siya dito lagi? "But you need to be fast enough para makaalis don dahil may alarm spell na nakalagay sa pinakalalagyan ng libro. Kapag natrigger 'yun, iilaw ng pula ang lahat ng torches dito kaya sigurado akong pupuntahan ka nila agad dun. Once na nakuha mo na yung libro, tumalon ka mula sa window nung kwartong 'yun. Maghihintay kami sayo. Nasa labas na ng palasyo si Syn dala yung mga White Dragons kaya makakaalis tayo agad." She ended. Sa lahat ng sinabi niya, sa Alarm Spell ako mas lalong nagtaka. Katulad ba 'yun ng Alarm Spell na ginawa ng Leaders sa Mystic Palace?

"Alarm Spell?" Ulit ko pa.

She nodded. "Yes, Zy." By looking at her, alam kong alam niya rin ang iniisip ko. Sigurado akong yung traydor ang may gawa nun. May mga spell kasi na tanging may katungkulan lang ang nakakagawa. Kaya itong gawin ng ibang spell-casters pero siguradong papalpak ito.

"Sino kaya--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makarinig kami ng sigawan mula sa mga Vampires. Napatingin kami sa unahan ng Great Hall nang biglang may naglakad paakyat sa tronong nandon. Si Leo Arunafeltz kasama si Roanna at Viex.

Napansin ko ring napatingin sa'kin sila Wren at Mish pero hindi ko nalang sila pinansin. Ayokong masyadong ipakita sa kanilang nasasaktan pa rin ako. Ayoko rin namang madistract sa talagang dapat naming gawin dito. Hindi si Viex ang pakay ko. Ayokong isipin muna siya.

Napaiwas ako ng tingin sa kanila at saka bumuntong hininga. Nag-umpisa nang magsalita yung hari. Hudyat para umalis dito.

"It's a great evening, Vampires. We're celebrating the Grand Blood Feast for another victory against our enemies--"

Unti-unti na akong umalis sa pwesto ko at naghanap ng pwedeng akyatan dito sa loob ng palasyo. Nagmadali akong pumasok sa isang pinto na nakita ko kanina at hindi nga ako nagkakamali. Nandito nga yung hagdan papunta sa taas. Nagmadali akong umakyat dun dahil wala naman akong maramdamang kakaiba o nagbabantay rito. Siguro, hindi nila inaasahan na may kalaban na makikiparty sa kanila.

"--I've been ruling the whole otherworld for almost sixteen years and this kingdom for hundred of years. At inimbitahan ko kayong lahat dito ngayon, hindi lang para ipagdiwang ang ating tagumpay. At para rin ipaalam sa inyo ang isang napakagandang balita."

Rinig na rinig ko pa rin ang mga sinasabi ni Leo Arunafeltz kahit tumatakbo ako pataas. Pero ayoko munang pansinin kung ano man ang mga sinasabi niya. Ilang baitang nalang kasi makakarating na ako sa tuktok.

"Balak kong ipakasal ang kaisa-isa kong anak na babae sa kanyang pinakamamahal na nobyo."

Bago pa man ako makarating sa pinakatuktok ng palasyo ay napatigil na ako. Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko, hindi dahil sa kaba o pagod. I'm hurting again.

Does he mean Roanna and Viex? Unti-unti kong naramdaman ang mga luha kong bumagsak sa mga mata ko. No. Hindi yun pwedeng mangyari.

Narinig ko bigla ang pagchi-cheer ng crowd. Halatang masayang masaya sila sa nangyayari habang ako naman, nagdurusa.

"The wedding will take place eight months from now. On Roanna's 17th birthday, siya na ang mamumuno sa inyo kasama ng magiging asawa niyang si Viex Zaffre." He finished.

Mas lalong umingay ang mga tao sa baba kaya napaupo nalang ako bigla. Ayoko mang magpaapekto, mismong katawan ko na ang tumatraydor sa'kin. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit at selos. Gusto kong bumaba dun at pagpapatayin silang lahat nang dahil sa sakit na dinudulot nila pero wala akong magagawa kung hahayaan kong lamunin ako ng mahinang pagkatao ko.

8 months. 8 months nalang at magiging mag-asawa na sila. I can't let that happen. I can't let them be happy. Not when I'm hurting myself so badly.

I took all the courage to stand at saka ko pinagpatuloy ang pag-akyat. Nararamdaman ko pa rin ang luha ko sa pisngi ko pero hindi na iyon tumutulo. Kusa nalang iyong natuyo dito. Hindi ako pwedeng maging mahina ngayon.

Pumasok ako sa isang silid dito sa taas na may kulay pulang pinto at nakita yung libro na nakalagay sa isang hugis bilog na poste. Mababa lang iyon pero nakalutang yung libro mula don. Hindi ko alam kung paano ko ididispell ang Alarm Spell na nilagay ng traydor na 'yun dito kaya kinuha ko nalang iyon ng walang pag-aalinlangan. At totoo nga yung sinasabi ni Mishie, nagkulay pula lahat ng apoy na lumalabas sa mga torches dito sa buong palasyo. Tumakbo ako agad sa nag-iisa at malaking bintana na nandun at halos manginig ang buong katawan ko sa sobrang taas nun.

Napalingon ako bigla sa likod nang maramdaman ko ang presensya ng isang tao dun. At hindi nga ako nagkakamali. Nakatayo siya sa pintong pinasukan ko habang nasa likod niya ang dalawang taong kinamumuhian ko. He's smirking at me and bowed na ipinagtaka ko.

"I'm glad to finally meet the Lairhart's Princess." Leo said. Paano niya ako nakilala?

Agad kong niyakap yung libro ng mahigpit na mahigpit. Nakakaramdam ako ng takot sa presensya ng demonyong ito. Hindi ako pwedeng magpadalus-dalos ng kilos dahil siguradong mapapatay niya ako.

"Leo Arunafeltz." I said. Kahit diretso ang pagkakasabi ko ng pangalan niya, alam kong hindi siya tanga para hindi mapansin ang panginginig ng buong katawan ko nang dahil sa presensya niya. Mas lalo siyang napangiti dun.

"I really am sorry for I didn't acknowledge your presence in this party. Though I'm quite bothered on how did you get in here in the first place." He said, sarcastically.

Kahit natatakot ako, ngumiti pa rin ako sa kanya ng nang-aasar. "Drastic measures for desperate situations."I said.

Mukhang nanggalaiti naman siya dahil sa sinabi ko. "Kunin niyo yung libro sa kanya saka niyo siya patayin." Sabi niya kay Roanna at Viex saka nagsimulang maglakad palabas ng room. Pero hindi pa siya tuluyang nakalalabas nang magsalita ako ulit.

"Yes, I think I'm going to die but you still won't have this book! Because this is mine!" Sigaw ko at saka umakyat dun sa bintana at nagpahulog. Hindi ako marunong lumipad pero alam kong darating sila Syn. Alam kong hindi nila ako pababayaan.

"Zeira!" Narinig ko pang tawag ni Viex bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko habang tuluyan akong nahuhulog. Ramdam ko ang bawat mararahas na pagtama ng hangin sa balat ko pero hindi ko yun ininda. Alam kong ikamamatay ko ang pagkakahulog ko dito kung sakali. Pero sana manlang, kahit ngayon lang, may sumalo sa'kin.

--

"Zeira." Iminulat ko ang mga mata ko nang makaramdam ng mahihinang pagtapik sa pisngi ko. Pero sana hindi ko na ginawa yun dahil nung oras ring iyon ay parang kusang bumalik sa'kin lahat ng nangyari. Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa dibdib ko dahil nakaramdam ako ng sobrang pagkahapo na parang ngayon lang ako ulit huminga.

"Zeira. Ayos ka lang?" Wren asked habang hinahagod niya ang likod ko. May ibinigay siya saking baso na may lamang tubig kay agad ko rin iyong ininom. Parang kusang kumalma ang buong sistema ko pagkatapos kong maubos yung tubig na binigay niya sa'kin.

Inilibot ko ang paningin ko at napansing nasa kwarto ko na ako dito sa Lairhart Kingdom. At tanaw ko na mula sa kinahihigaan ko ang maliwanag na labas. Napakunot ang noo ko na napatingin kay Wren na nakaupo sa gilid ng kama ko. "N-nakauwi na tayo?" I asked him.

Ngumiti naman siya. Bigla nalang akong napayakap sa kanya sa sobrang tuwa. Nang makaharap ko kagabi si Leo Arunafeltz, sobrang natakot ako dahil hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Na parang anytime, mamatay na ako. Pero nung nahuhulog na ako, nakaramdam nalang ako bigla ng mga brasong sumalo sa'kin. Si Wren. Pagkatapos nun, hindi ko na alam kung ano ang nangyari. Bakit ba siya ganito? Lagi nalang siya ang nagliligtas sa'kin mula sa mga taong iyon. Mula sa mga bampirang 'yon. Paano niya ako naliligtas kung nasaktan ko siya? Bakit mahal niya pa rin ako kahit hindi na siya ang mahal ko?

"Salamat, Wren."

He chuckled. "Always. At your service." Naramdaman ko ang mahihinang pagtapik niya sa likod ko at saka ako humiwalay sa pagkakayakap. Napayuko ako nang makitang nakatingin siya sa'kin.

"Bakit?" He asked.

Napansin niya sigurong biglang nagbago yung mood ko kaya bigla niyang hinawakan yung mga kamay ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako. Kailan ba ako titigil sa pag-iyak dahil kay Viex? Kailan ko ba siya makakalimutan?

"He's getting married, Wren." I said and burst out of crying again. Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya at ang mahinang pagpisil niya sa kamay ko.

"I'm sorry pero hindi ko na kayang makita kang nasasaktan dahil sa kanya." He said. Naramdaman kong niyakap niya ako ulit. "Babawiin na talaga kita." He said with finality. Hindi ko alam pero mas naiyak lang ako nang dahil sa sinabi niya. Sana nga. Bawiin nalang ako ni Wren. Sana, siya nalang ulit.

We just stayed like that for a while hanggang sa matapos ako sa kakaiyak. Hinintay na naman niya akong matapos. Buti hindi siya nagsasawa.

"Tapos ka na ba?" He asked. Iniharap niya ang mukha ko sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. He gently pressed his thumb on my cheek para punasan yung luha ko galing sa pag-iyak. Tapos hinalikan niya yung noo ko.

Ngumiti ako sa kanya pero nagulat ako nang may kumawala na namang isang kuha mula sa kanang mata ko. Agad ko rin iyong pinunasan at tumingin sa seryosong mukha ni Wren. I smiled at him. "Ayan. Tapos na."

Natawa siya nang dahil sa sinabi ko kaya pati ako natawa. Para kasi kaming timang na dalawa e. Pero kahit ganun, thankful ako kay Wren dahil sa tuwing sasaktan ako ni Viex, siya yung laging sumasalo sakin. Siya yung nagtitiis na mabasa ang damit dahil lang sa balde-baldeng iyak ko. At kahit yata punasan ko siya ng sipon, ayos lang sa kanya e. Siguro, kaya ako nainlove sa kanya dati ay dahil sa pagiging ganito niya.

Napahinto ako sa pagtawa at napatingin sa maaliwalas niyang mukha. Mas gumagwapo talaga ang isang ito kapag nakangiti e. Natigil siya sa pagtawa at napatingin ng seryoso sa'kin.

"Wag mo nga akong titigan. Kinikilig ako e." Seryosong sabi niya.

Napahagalpak ako ng tawa ng sabihin niya yon. Siraulo talaga 'to. I think I've just found a reason to let go and move on.
And I promise. Ito na ang huling beses na iiyakan ko si Viex.

--

Pagkatapos naming magdrama ni Wren sa kwarto ko ay naligo ako agad. Samantalang pupuntahan raw niya ang ibang Wolves. Nagulat nga ako nang makita si Syn sa kwarto ko pagkatapos kong maligo. Ang sabi niya, pinatatawag raw ako ng Senior Leaders. Hindi ko rin naiwasang makaramdam ng kaba nang makita ko yung expression ng mukha niya. Para kasing may hindi magandang nangyari kaya kinailangan akong ipatawag. Hindi kaya nalaman nila yung ginawa namin kagabi?

Nilagay ko muna yung vampire book sa Secret Room sa kwarto ko kanina. Hindi ko pa muna pwedeng ipaalam na nasa akin yung libro lalo na't hindi ko pa alam kung sino ang traydor. Actually, kasama sa pagbalik ng alaala ko yung Secret Room dito sa kwarto ko. Walang nakakaalam nun kung hindi ako lang. Kaya pabor na rin na ginawa ko yun dati. Nakita ko pa rin kasi yung iba kong gamit dun na pinakaiingatan ko. Kasama na yung mga bigay sa'kin ni Wren.

Agad akong pumunta sa Grand Hall ng Lairhart pagkababa ko. Ang sabi kasi, dito raw ako kakausapin ng Senior Leaders. Hanggang ngayon nga kinakabahan pa rin ako kahit mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit ako pinatawag. Siguradong mapapagalitan ako kahit nagtagumpay naman kami sa plano.

"Good morning, Your Highness." Nadatnan ko ang dalawang kawal na nakatayo sa pinto ng Grand Hall. I greeted them back as they opened the door for me. Sinara rin nila agad yun nang makapasok ako. Tumambad sa'kin ang mga nakahilerang Senior Leaders na hindi ko mabasa kung ano ang mga iniisip. Napayuko ako dahil nahihiya ako sa kanila.

"I-I'm sorry Master Hans, Mistress Herina, Master Lucio and Mistress Lyan." I said sincerely pero hindi sila nagreact. Nag-angat ako ng tingin dahil ilang minuto na yata akong nakatayo rito pero hindi naman nila ako kinikibo.

Pero nagulat ako nang makitang nakangiti na silang lahat sa'kin. "B-bakit po?"

May narinig akong nagfake cough kaya napatingin silang lahat sa likod nila. Dun ko lang napansing hindi lang pala kami ang tao rito. "I really am disappointed in you, princess. At the same time, proud." Biglang nahawi yung Senior Leaders at tumambad sa'kin si--

"Daddy?" Napatakip ako sa bibig ko nang makita si King Arcanus habang nakaupo sa trono niya. He's back! He's here!

"Won't you give me a hug, princess?" Sabi niya na naka-open arms. Agad akong tumakbo papunta sa kanya para yakapin siya. Hindi ako makapaniwala! Nandito si Dad. Pero bakit nandito siya?

"Dad, bakit ka pala nandito? Diba sabi ko sa'yo mas safe ka sa Finelry?" Nagtataka kong tanong pagkahiwalay ko sa yakap. Natawa naman siya.

"Sinabi sa'kin ni Mishiena ang nangyari. I'm the King, princess. I can't hide habang namimiligro ang buhay niyo rito. Lalong lalo na yung sayo." Naiiling na sabi niya. Napakamot ako sa ulo ko. Mukhang nasabi na rin sa kanya yung nangyari kagabi.

"I'm sorry, Dad. Alam mo na po. Desperate situations call for drastic measures." Natawa siya nang dahil sa sinabi ko.

"I see how you've grown, Zeira. And I'm so proud of you." Niyakap ko ulit si Daddy. I'm so glad na nandito na siya and at the same time, na hindi ako napagalitan.

"Thank you, Dad."

Tumango siya habang yakap ako. "Don't worry. Parehas nating babawiin kay Leo ang buong Otherworld." he said kaya mas lalo akong napangiti.

"We surely will, Dad."

*****

Add me for updates! :)

FB: AleexJin Stories
Twitter: @aleexjin
FB Page: The Heiress

Love,
Jin

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon