Chapter 3

3.3K 94 13
                                    

PERSEPHONE










Limang araw ko nang hindi macontact si Darren. Mukhang nagalit siya dahil sa hindi ko pagpayag sa gusto niya.

Hindi naman niya ako maintindihan. Wala man si Dad pero pinahahalagahan ko ang lahat nang mga bilin niya.

Na pati ang pakikisama sa taong pinaka-kinabubwisitan ko ay tinanggap ko. Nung una ayaw ko talaga pero nang si Tita Ronnie na ang kumausap sa akin kung paano ako inihabilin ni Dad kay Avo ay naniwala na ako.

Hindi naman siya magsisinungaling sa akin. Sabi nga niya maganda lang siya hindi sinungaling.

Naiinis kong binato ang cellphone ko sa kama at lumabas ng kwarto ko. Siya pa itong may ganang magalit samantalang ako pa nga ang inakusahan niya ng kung anu-ano!

Kainis!

Nagtungo ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Naiistress na nga ako sa ginagawa kong lesson plan dumadagdag pa siya.

Binati ako ni Manang Lorna pagkakita niya sa akin. Ngumiti lang ako at tinungo ang refrigerator.

Nasa harap ng stove si Lyra at busy sa pagluluto ng kung ano. Bahagya siyang lumingon sa akin at sumimangot kaya sinimangutan ko rin siya.

H'wag niya akong pakitaan ng ugali ngayon dahil inis ako, baka patulan ko siya ng wala sa oras. Makita niya ang hinahanap niya!

"Ano pong ulam mamaya, Manang? " tanong ko kay Manang Lorna na naghihiwa ng gulay.

"Pochero ang niluluto ni Lyra. Paborito iyon ni Sir Avo. " ngiti ni Manang. "May gusto ka bang ipaluto, hija?"

Napaisip naman ako. Ano nga bang pwedeng kainin para mabawasan naman ang inis ko?

"Parang gusto ko po ng porkchop. " sabi ko.

"Sige, ipagluluto din kita non. "

Ngumiti ako. "Salamat po. "

Papalabas na ako sa kusina nang dumating si Avo na agad binati ni Lyra.

"Maaga ka yata ngayon Sir Avo?" malambing niyang tanong na akala mo asawa niya itong si Avo.

"Here. " kumunot ang nuo ko nang sa halip na sagutin si Lyra ay inilahad niya sa harap ko ang isang box ng buko pie.

Paborito ko ang buko pie. Palagi kasi itong pasalubong ni Daddy sa akin tuwing uuwi siya galing sa trabaho.

Napakurap kurap ako at wala sa sariling inabot iyon. Mas namiss ko tuloy ang daddy.

"S-Salamat... " mahina kong wika na medyo naiiyak na dahil naalala ko ang daddy na palaging nakangiti tuwing inaabot niya sa akin ang pasalubong niya.

"Salamat ulit dito. " sabi ko kay Avo at patakbong bumalik sa kwarto ko.

Umupo ako sa kama ko at binuksan ang box. Tumulo ang mga luha ko pagkakagat ko sa isang slice.

May kumatok sa pinto ko kaya pinunasan ko ang mga luha ko. Pumasok si Avo na seryoso ang mga mata habang nakatingin sa akin.

"M-May balita na ba tungkol sa kaso ni Dad?" tanong ko nang umupo siya sa kama ko.

"May isa na kaming nahuli pero... " aniya at umiling. "He killed himself kaya back to zero ulit kami. "

My mouth parted. "K-Killed himself? P-Pero bakit?"

He sighed and raked his fingers through his hair. He looks stressed too.

"I guess malaking tao ang nasa likod nito. " wika niya na ikinatulala ko. "Don't worry, kahit sino pa siya pagbabayarin ko siya. I will give the right justice to Tito Nigel. "

Shorty, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon