CHAPTER 39

15.6K 659 196
                                    

Truth or Dare

TINULUNGAN ko si Shelley ngunit iwinaksi niya ako nang tuluyan na siyang makatayo. Pasimple niya rin ako inirapan habang ipinapagpag ang kanyang mga kamay. Taas-noo pa rin niya kaming tiningnan.

"Gaston, why didn't you catch me?" nakangusong reklamo niya.

Nagkatinginan lang kami ni Vanessa. Kumibot-kibot ang mga bibig niya at inirapan din si Shelley.

Isang nakamamatay na tingin lang ang ipinukol ni Puppy sa kanya.

"Everyone, go back to work!"

Nagsipulasan naman kami. Liban kay Sir Yeji at Sir Joefel na sumunod kay Puppy sa opisina niya.

"Gaston!" tawag ni Shelley.

Ngunit hindi siya pinansin ni Puppy at dire-diretso lang iyong pumasok sa opisina niya. Napapadyak naman sa inis ang babae.

"Sayang, hindi ko nakuhanan ng video ang paglangoy niya," natatawang untag ni Vanessa sa akin.

"Ano'ng sinabi mo?"

"Ay, palaka!"

Nagulat si Vanessa nang dumukwang sa cubicle namin si Shelley. Masama ang tingin niya at parang mananampal. Pasimple kong sinipa si Vanessa sa ilalim ng lamesa.

"It's too early for you to celebrate, Shyr Divine. Sinabi ko sa 'yo, babawiin ko ang dapat ay nasa akin," aniya. Mahina ngunit may diin ang boses niya.

Kinunutan ko lang siya ng noo. Problema ng babaeng 'to?

"Hoy, Ma'am Shelley! Wala kang pagmamay-ari rito kaya wala kang babawiin. Isa pa, bakit ganyan ka makapagsalita kay Divine? Inaano ka ba niya?" asik ni Vanessa.

Agad ko siyang siniko para tumigil na. Napatingin ako sa office ni Puppy. Buti na lang at nakababa ang blinds kaya hindi nila kami kita rito sa labas.

"Huwag ka ngang sumagot-sagot. I'm not talking to you!"

"Ikaw nga nanyayakap ka ng hindi mo dyowa, e. Buti na lang nakailag si Sir Gaston. Palaka, hmp!"

Umismid si Vanessa. Nanlaki ang mga mata ko. Tinakpan ko na lang ang bunganga niya dahil naririnig na siya ng ibang mga empleyado.

"What did you just call me?" nanggagalaiting bulalas ni Shelley.

Tinaasan siya ng kilay ni Vanessa.

"Palaka, bakit hindi ba? Parang kalalangoy mo lang sa sahig, ah! Wala nga lang tubig."

"You, bitch!"

Humagikhik lang si Vanessa. Nasapo ko na lamang ang noo ko. Ayaw talagang magpatalo ng babaeng 'to. Okay lang sana kung walang ibang nakakarinig.

"Shelley, magtatrabaho na kami. Baka naman puwede ka nang umalis para hindi kami naiistorbo?" mahinahong pakiusap ko.

Tiningnan niya ako nang matalim.

"Hindi pa ako tapos sa 'yo, Shyr Divine!" duro niya sa akin.

Umismid lang ako.

"Hay naku, Shelley. Huwag mo akong sisimulan kasi hindi naman kita inaano. Kung gusto mong angkinin ang lalaking gusto mo e 'di siya ang kulitin mo, huwag ako. Naghahanap-buhay lang ako rito," labas sa ilong na sagot ko.

Tinapunan niya ako ng matalim na tingin bago siya nag-walkout. Napailing-iling na lang ako. Malinaw naman na hindi siya gusto ni Puppy, bakit hindi pa siya mag-move on? Sa ganda niyang 'yan, tiyak na maraming nagkakandarapa sa kanya. Bakit siya sumisiksik sa taong ayaw sa kanya?

"Alam mo 'yang si Ma'am Shelley dati ko pang napapansin na masama talaga ang ugali. Kita mo lahat gagawin niya para lang makuha si Sir Gaston. Nagmumukha siya tuloy desperada," komento ni Vanessa.

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon