Chapter 3

871 24 188
                                    

Thank you so much again @lamellar for leaving a lot of comments. My inspiration to always do my best in writing this. I love you! 🫶🏻☺️
______

"Congratulations Allen!" bati ko kay Allen nang makasalubong ko siya at ang buong pamilya niya matapos ang graduation ceremony namin. We both graduated with Latin Honors. Pareho kaming Summa Cum Laude, samantalang Magna Cum Laude sina Riva at Chloe, at Cum Laude naman sina Kyler at Omar.

"Congratulations to us!" masayang bati niya rin sa akin.

"Ganda ng speech mo." Although we got the same Latin Honors, mas mataas pa rin ang kanyang GWA so he had a speech delivered earlier.

"You'll surely give speech during the oath taking." Inilingan ko siya. We're already reviewing for board exam, but I'm still doubtful if I could top the boards. Iyon ang goal ko. Pero ang hirap pala, I thought I know enough pero marami pa palang hindi. "Halika, ipapakilala kita sa family ko." Eksaktong natapos sa pakikipag-usap ang daddy niya sa phone nito.

"Dad, Mom... this is Chanelaire, my friend and blockmate."

"The other Summa! Congrats hija!" nagulat ako nang biglang yumakap sa akin ang mommy niya, hindi ko inaasahan. Ang ganda-ganda ng mommy niya at ang bango-bango pa.

"Salamat po." Humiwalay siya ng yakap sa akin at nginitian ako.

"Congratulations hija," nakipag-kamay naman ako sa daddy niya.

Binati rin ako ng mga kapatid niya subalit tila may kulang. "Kuya Yancy is somewhere working so hard for his future." Bulong ni Allen sa akin habang nakangisi.

"Hindi ko naman tinatanong."

"Sinasabi ko lang..." aniya habang nakangisi pa rin, tila nang-aasar pa.

Nagkita-kita kaming anim matapos naming mag-celebrate kasama ang aming pamilya. Riva told us to bring our medals so she can take a picture and post it on her instagram.

"I don't think I'll take the boards this year. This August na kasi ang start ng Med School." Si Allen habang hinihintay namin sina Riva. Kaming dalawa pa lang dito sa unit niya. Mag-isa na lang pala siyang nakatira rito kaya madalas ay umuuwi na raw siya sa mansyon nila.

"Allen kaya mo naman 'yun." Panghihikayat ko sa kanya na sandali niyang pinag-isipan.

"Sina Omar at Kyler, diretso Med School na sila. Hindi muna sila magbo-board exam ngayon. Sa year na lang kung kailan mostly medtech subjects daw para may refresher ng topics." Kung sabagay mukhang maganda nga rin naman iyon.

"Riva will take the board exam this year, magkaklase pa rin naman kayo sa Med School."

"Pag-iisipan ko pa. Ikaw ba? Ayaw mo talagang tumuloy sa Med School?" umiling agad ako. Hindi man sinasabi ng parents ko pero alam ko namang inaasahan na nilang makakapag-trabaho na agad ako this year at makakapag-abroad na rin sa lalong madaling panahon. "My parents can offer you scholarship." Dagdag pa niya, tipid akong ngumiti sa kanya.

"Thank you Allen pero hindi na." Natahimik kami pareho. "I should go on with my initial plans." Tumingala ako dahil pakiramdam ko may nagbabadyang luha mula sa aking mga mata. There are days that we get emotional, siguro ay magkaka-menstruation na ako kaya ganito. But who am I lying to? Myself? I'd want to be a doctor too but I have priorities, I have to set my dream aside for my own family. I can't be selfish.

Never Mine To Lose [#1 - ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon