Chapter 26

49.9K 2K 1.5K
                                    

Project








Mahigpit ang yakap ko kay Hermes. Kahit anong sigaw ko, kahit anong tawag ko sa kanya ay walang silbi. Hindi niya ako pinapansin...hindi pa din siya gumagalaw, kahit isang iyak, hindi niya ibinigay sa akin.

"Hermes, wag mong gawin kay Mommy 'to," umiiyak na paki-usap ko sa kanya.

Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit, ngunit nandoon pa din ang takot na masaktan ko ang anak ko. Nasasaktan pa ba siya? Nakakaramdam pa ba siya?

"Hindi ko kakayanin," bulong ko sa kanya.

Gusto kong marinig niya 'yon. Gusto kong malaman niya na kailangan niyang bumalik sa akin...sa amin ni Hartemis.

Para akong mawawala sa sarili ko habang umiiyak, hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Ramdam ko pa din ang yakap ni Mommy sa akin. Kagaya ko ay nakaluhod din siya sa sahig para pantayan ako.

"You need to let him go..." she said bravely pero narinig ko ang piyok.

Kumirot ang dibdib ko, para akong sinaksak ng ilang libong kutsilyo sa dibdib. Ni hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Sobrang sakit.

Marahas akong umiling, yakap ko pa din si Hermes, pilit ko siyang itinatapat sa dibdib ko. Gusto kong maramdaman niya yung tibok ng puso ko. Gusto kong sundan niya 'yon.

"No..." madiing sabi ko kay Mommy. They can't let me do that.

Marami akong kayang bitawan, kahit anong i-utos ni Mommy kaya kong gawin, pero hindi ang bitawan ang anak ko. Hindi ang tanggapin na wala na siya.

"W-wala na si Hermes, Ahtisia..." she said kaya naman mas lalo akong napahagulgol.

"Mommy...help me. Please, help me," paki-usap ko sa kanya. Marami siyang connection, baka may magawa pa. baka pwede pa.

Baka pwede pang mabuhay ang baby ko.

Tiningnan ko si Mommy, puno ng luha ang aking mga mata kaya naman nanlalabo ang aking paningin.

Nilabanan ni Mommy ang tingin ko sa kanya. Nakita ko ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata.

Tumikhim siya, mariing napapikit. Nang muli niyang pagdilat ay marahan siyang umiling sa akin.

"Kahit ubusin ko ang lahat ng meron tayo...hindi natin kayang ibalik si Hermes," sabi niya sa akin kaya naman tuluyan na akong nanghina.

Hindi ko na halos alam ang mga sumunod pang nangyari. Ang natandaan ko na lang ay halos makipag-agawan pa ako sa nurse para lang hindi mawala sa hawak ko ang baby ko.

Inilapag nila sa hospital bed ang baby ko. Mahimbing ang tulog niya, ma-amo ang mukha, para siyang natutulog na anghel sa harapan ko.

Tahimik akong umiyak, mas masakit dahil kailangan kong kimkimin. Halos hindi ako kumurap habang nakatingin kay Hermes.

Nanginginig ang kamay ko ng itaas ko 'yon para hawakan ang ulo niya at marahang hinaplos.

"M-marami pang plano si Mommy para sa ating tatlo..." sabi ko.

Hindi na din ako makapagsalita ng maayos dahil sa kung anong nakabara sa lalamunan ko dahil sa pag-iyak.

"Sa inyo na lang ako kumukuha ng lakas ni Hartemis. Bakit kailangan mong iwan si Mommy?" tanong ko sa kanya. Malambing pero punong puno ng pagtatampo.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya para halikan siya sa pisngi. Gusto kong sumigaw ng lumapat ang labi ko sa pisngi niya ay ramdam kong malamig na siya.

"Giniginaw ang baby ko..." sabi ko at inayos ang kumot na nakatakip sa maliit niyang katawan.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon