Kabanata 22

115K 3.9K 7.2K
                                    

W: This chapter is R18.

***









"Happy birthday, Setyembre!"




Agad kong nilayo ang cellphone sa tenga ko nang marinig ang sabay-sabay na sigaw ng mga kaibigan ko. Tangina, it's 12 midnight pero heto't ginugulo na naman ako ng mga ulupong. Bakit ba kasi hindi ako nag-iingat sa pagpindot ng cellphone ko? Nasagot ko tuloy iyong tawag nila.




"Hoy, 23 ka na pero nilalagay mo pa rin sa tenga mo 'yang cellphone mo kapag nagvivideo call tayo. Tanga, amputa."




Nang marinig iyon ay agad kong hinarap ang screen ng cellphone ko. Nagkunwaring hindi ko narinig iyong sinabi ni Sweden. Inayos ko ang buhok ko saka tumikhim. "Anong trip niyo? It's already 12. Mga istorbo sa tulog." I said glaring at them.




Si Pam ay nakahiga na at tanging noo at kilay lang ang pinapakita sa screen. Si Sweden na halatang katatapos lang magshower dahil pinupunasan nito ang basang buhok gamit ang tuwalya. Si Peter naman ay nakasandal sa headboard, busy sa pag-i-screenshot dahil nagpapakita iyon sa screen. Si Kael naman ay nakaopen ang camera pero sobrang dilim at hindi na siya makita, nagkipagvideo call pa kung ganoon.




"Si Ma'am Zahi, i-add ko rito sa group chat natin," Sweden said while laughing. Siya talaga iyong pasimuno sa lahat ng kagaguhan sa grupo namin.




"Oo, add mo." Si Peter na tumatawa rin, sumang-ayon sa trip ng isa.




"Try niyo. Bukas wala na kayong bayag," pagbabanta ko sa kanila pero tila wala silang narinig. "Tangina niyo, kapag si Zahira inadd niyo tatadyakan ko talaga kayo sa bayag."




"Add lang naman, Ember-"




"Tanga, Sweden. H'wag mo siyang i-a-add, makikita niya usapan natin sa gc-ay, pucha. H-hello, ma'am."




Natahimik kaming lahat at nanlaki ang mata sa gulat nang makitang may nag-join sa video call. Si Zahira. Oh, goodness!




Kunot ang noo ni Zahira sa screen, nagtataka siguro kung bakit nasali siya sa amin. Wala pang isang minuto ay umalis din siya, siguro gaya ko ay napindot lang din niya at wala talaga siyang balak magjoin.




"Tangina niyo, gago!" Singhal ko sa mga kaibigan ko matapos ang ilang segundong katahimikan.





"Ganda ng asawa mo, Ember. Tangina mo." Si Kael na ngayon ay nagpakita na sa screen, maliwamag na ang room niya.





Muling binalikan ng isipan ko iyong mukha kanina ni Zahira. Halatang inaantok na ito, nakamessy bun ang kaniyang buhok, at kitang kita ang collarbone nito dahil sa suot na spaghetti strap. Kahit sa screen ay maganda talaga siya.




"Inggit ka na naman, Kael. Bakit hindi mo asawahin iyong professor nating 42 years old, wala namang asawa 'yon. Single." Si Peter na mapang-asar kaya muling pinatay ni Kael ang ilaw sa kwarto niya. Hindi na naman namin siya makita sa screen.




"Tarantado talaga kayo," nagsalita na si Pam, ngayon ay buong mukha na niya ang kita. Nakamask ang gaga.





"Ikaw, Pam. Skin care pa, lagi ka namang nagpupuyat." Pang-aasar naman ni Sweden kay Pam.





Pam just rolled her eyes at him. "Paki mo ba?"




Napailing-iling na lang ako dahil nagsisimula na naman silang magbangayan sa screen. Bago pa man ako madamay ay lumayas na ako roon. I was about to switch off my phone when I saw a notification from instagram. I opened it at nakita kong sobrang daming nagmemesage sa akin, binabati ako. Ang active nila. Iba-back ko na sana nang makuha ng atensyon ko ang isang message. It's from Zahira. Napalunok ako at binuksan iyon, I also replied sa simpleng bati niya sa akin.





Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon